CHAPTER THIRTY-THREE

1K 104 12
                                    

Keri Tabitha Priscilla Ruiz

Annulled na nga ang kasal namin ni Seth! Iyon ang sinasabi ng papeles sa kandungan ko!

Napatingin ako kay Seth. He looked so sad. Nakadagdag ang malamlam na sinag mula sa lampshade para magmukha siyang nagluluksa.

Teka. Is he really sad? O dala lang ng ilaw?

I heard him sigh. He said something in Italian in almost a whisper. Ang naunawaan ko lang ay iyong gusto niyang makausap ang ama. Parang may mali raw.

"Huh? With the annullment?" tanong ko agad.

Napatitig siya sa akin tapos umiwas ng tingin. Parang may kumudlit na pait sa kanyang mukha. "With everything," pakli niya.

"I don't understand."

"Papa has a lot of explaining to do. Maraming hindi tugma sa kuwento niya."

Natigilan ako. Sumagi sa isipan ko si Don Miguel. Naalala ko rin ang sinabi ni Papa noong isang araw tungkol sa disappointment niya rito. Hindi man ito nagpaliwanag kung bakit may pakiramdam akong hindi naging tapat ang papa ni Seth kahit sa aking ama.

"Why?"

Ngumiti nang mapakla si Seth saka ginagap ang isa kong palad. He squeezed it gently and said, "I will always be by your side---on your side, mia cara. Always remember that. Walang magbabago sa pangako ko sa iyo noon. Ipagtatanggol kita sa abot ng aking makakaya."

Pinangunutan ko siya ng noo. "H'wag OA, Seth. Nagsabi na sa akin si Papa na nahuli na raw ng mga tao nila ni Don Miguel ang mastermind ng lumusob sa atin sa Palawan at sa mansion sa Southvale. Hindi na tayo kayang gawan ng masama ng taong iyon. He's dead."

Tintigan ako nang matiim ni Seth. Lumunok siya nang kung ilang beses. Para bang I reminded him of something painful. Kung sa bagay, ilang tao niya ang namatay sa engkwentrong iyon. He must be thinking of them right now.

Tumayo si Seth at dumukwang. Nagulat ako nang masuyo niyang dinampian ng labi ang aking noo. Napakurap-kurap ako nang may pumatak na likido sa aking ulo. Natilamsikan pa ang aking pisngi. Nang tingalain ko siya, nakita kong mamasa-masa na ang kanyang mga mata. Kaagad niyang pinadaan doon ang likuran ng palad saka walang lingon-likod na tinungo ang pintuan ng kuwarto ko. Nalito ako sa pinakita niya.

Dali-dali akong bumangon at hinabol siya. "Seth! Seth!"

Bumaba ako ng hagdan. Nakita ko siyang kinakausap ni Papa sa sala. Nandoon din si Jayce. They were both eyeing Seth with contempt. Lalo akong nalito.

What is going on?

Bumalik ako sa kuwarto at kumuha ng bathrobe para pantakip sa manipis kong T-shirt at maikling shorts, pero pagbaba ko ng sala wala na roon ang tatlo. Kinatok ko si Papa sa kanyang study room. Walang tao roon. Inakyat ko siya sa kuwarto at kinatok din ang kanyang pintuan. Walang sumasagot. Nakailang tawag ako from outside his door nang madaanan ako ni Signora Brambilla.

"Ang papa n'yo ba ang hinahanap n'yo, hija?" tanong nito sa mabagal na Italian. Sa tuwing nangungunot ang noo ko, inuulit niya ang sinabi at binibigyan pa ng katumbas na salita sa Español kung kaya nagkaintindihan din kami.

"Opo," pakli ko sabay tango. "He was here a while ago---with Seth and Jayce."

"They went somewhere," sabi nito in a heavily accented English.

Tiningnan ko ang oras sa wristwatch. Mag-aalas dose y medya na. Saan naman sila pumuntang tatlo? At bakit mukhang pinagkaisahan nila si Seth kanina?

Napabuga na lang ako ng hangin.

**********

Seth Meschach Berlusconi

QUEEN SERIES #2:  THE HERMES QUEEN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon