Keri Tabitha Priscilla Ruiz
Natigilan ako nang may makitang brochure ng Hermes sa ibabaw ng kama ko. Napahawak ako sa itaas na bahagi ng puting tuwalya na nakabalot sa aking katawan. Katatapos ko lang maligo nang oras na iyon. Kanina nang nagtungo ako sa banyo ay wala pa iyon doon. Dali-dali akong nagbihis into my usual get up kapag nasa bahay lang---isang cut off denim shorts at white T-shirt at pinatawag ko si Flora para magpaliwanag.
"Pinabibigay po iyan ni Sir Seth sa inyo, Ms. Ruiz. Mamaya po ay dadaan dito ang kanyang sekretarya para kunin ang order po ninyo."
"Kukunin ang order ko?" ulit ko sa sinabi ng aking personal maid. Napatingin ako sa brochure tapos sa kanya. Nakita ko siyang napangiti bago napatangu-tango.
Pinigilan kong ipakita ang biglaang katuwaang sumibol sa aking puso. Hindi niya dapat malaman kung gaano ako napasaya niyon. Subalit kung gaano ako kabilis natuwa sa gesture na iyon ni Seth, ganoon din kabilis na nanamlay. Ibig sabihin kasi no'n ay materialistic ang tingin niya sa akin. Walang mahalaga kundi ang mamahaling gamit. Napasimangot tuloy ako. Dahilan para mawala rin ang ngiti ni Flora at mapalitan ito ng pag-aalala.
"May hindi ho ba kayo nagustuhan, Ms. Ruiz?"
Maingat kong dinampot ang brochure at binigay iyon kay Flora. "Pakisabi sa Sir Seth mo na salamat ngunit hindi ko matatanggap ang alok niya. Okay na ako sa kung ano mayroon ako ngayon. Hindi ko na kailangan pa ng dagdag sa koleksiyon ko."
As soon as I uttered the words, parang naalibadbaran din ako. Saka medyo nahiya na rin dahil hindi lingid kay Flora ang nangyari sa amin ng BFF kong si Yolanda sa recent party na pinuntahan namin. Alam din niya na dahil sa paghahangad kong magkaroon ng bagong Hermes bag kung bakit nalagay kami ng kaibigan ko sa alanganin.
"Sige po, Ms. Ruiz. Tatawagan ko na lang din agad ang sekretarya ni Sir Seth nang hindi na siya magsadya rito mamaya. May iuutos pa po ba kayo?"
"Okay na ako, Flora. Salamat."
Iyon lang at sumaludo na siya sa akin saka lumabas na ng silid. Nang wala na si Flora, a part of me blamed myself. Bakit ang bilis kong magdesisyon? Dapat ay hindi ko muna isinauli. Sana tiningnan ko man lang sana ang exclusive offers nila. Bihira ang nakakatanggap ng ganoong klaseng brochure. Hindi naman kasi basta-basta nagbibigay kung kani-kanino lang ang kompanyang iyon.
Haist. Bakit naman kasi nagpadala ako sa pride!
But then the other part of me was happy I did it. Senyales na raw iyon na nagiging mature na akong mag-isip. Dapat lang daw dahil hindi na ako bumabata. Sa susunod na taon ay twenty-three na ako. Ang ibang kaedad ko ay may pamilya na't anak. Kumbaga ay marami na silang responsibilidad. I should try to be responsible as much as possible.
Nagsusuklay na ako ng buhok nang may kumatok sa pinto ko. Inakala kong si Flora pa rin iyon kung kaya ang bilis kong sumagot ng, "Come in."
"Flora told me you do not need this anymore," walang kaabog-abog na sabi ni Seth as he entered my room. Hawak ng isa niyang kamay ang brochure. Naka-dark blue suit na siya ngayon. Pati jacket ay suot na rin niya. Tingin ko paalis na siya ng bahay. Kung sa bagay past seven o'clock na ng umaga. Dapat nga ay kanina pa sila nakaalis ni Ahmad.
"Tama. I returned it. I learned my lesson already," sagot ko. Kaswal kunwari ang tinig ko kahit na deep inside sobra na akong natuturete. Ang guwapo-guwapo niya tingnan. Grabe! He was oozing with sex appeal. He looked the part of a hot CEO!
He smirked. "There was no lesson to be learned. If you can afford it, why would you deprive yourself?" sagot naman niya saka initsa ang brochure sa kama ko. "Choose whatever you like. Gift ko sa iyo. Total naman ay tutuparin mo ang pangarap ni Papa para sa akin."
BINABASA MO ANG
QUEEN SERIES #2: THE HERMES QUEEN (COMPLETE)
RomanceKeri Tabitha Priscilla Ruiz is obsessed with anything posh. Thanks to her best friend, Eula Anai, who introduced her to the world of luxurious girly things. But just when Eula has miraculously gotten rid of her obsession with branded things, Keri be...