Keri Tabitha Priscilla Ruiz
Gumalaw ang katawan ko nang painot-inot sa ilalim ng tila makapal na tela. Nang idilat ko ang mga mata, sinalubong ito ng malamlam na liwanag ng lampshade na nasa bedside table.
"Thank God, you're awake now!"
Napatingin agad ako sa nagsalita. Si Seth. He was sitting on a chair close to my bed. Nakasuot pa rin siya ng dark blue suit na suot-suot niya kanina nang puntahan niya ako sa veranda. Or was it kanina lang ba? No'n ko naalala ang naging sanhi ng pagkahimatay ko. Si Don Miguel! Nagmulto si Don Miguel! Napabangon agad ako.
"I saw your dad! I swear, I saw your dad!"
Nanginig na naman ang kalamnan ko. Pinagpawisan ang aking noo. Bigla ngang naghulas pati buo kong katawan kahit na ang lamig sa loob ng silid na iyon. Base sa hitsura ng dingding at kurtina, alam kong doon pa rin ako sa isang bahay sa Pasig na pinagdalhan sa akin ng papa ko.
Seth grabbed both of my hands and squeezed them gently. "I know."
"You know?! You know na nagmulto ang papa mo and yet ganyan lang ang reaksyon mo? Ano ka ba naman, Seth Meschach!"
Ngumiti siya nang mapakla. "Hindi siya nagmulto, Keri. He's alive." Malumanay ang tinig ni Seth.
Napanganga ako. Hindi ako makapaniwala. Ang unang pumasok sa isipan ko'y pina-prank niya lang ako. But then, he looked so serious. Nang tingnan ko nang matiim napagtanto ko na hindi nga siya nagbibiro o nangpa-prank. Totoo ang sinasabi niya. Pero, paano nangyari iyon?
"We both saw his heart rate went flat on a cardiac monitor in a hospital! We even held a wake for him! Nilibing pa natin siya! How could he still be alive?!"
Napabuga ng hangin si Seth at tumangu-tango. Kinompirma niya ang ikinagulat kong balita.
Nakakainis. Kahit problemado, hindi man lang napingasan ang kaguwapuhan niya. Lalo pa ngang nagkaroon ng character ang mukha dahil sa kinakaharap na problema. Dahil doon he looked ruggedly handsome na at hindi na mukhang pretty boy lang.
Speechless ako sa nangyari sa ama niya. Hindi ko lubusang maintindihan kung paano nabuhay ang isang taong kitang-kita kong namatay.
Hindi na nakapagsalita si Seth dahil may kumatok sa kuwarto at mayamaya pa'y sumilip ang ulo ni Don Miguel. Pagkakita ko sa kanya, sumigaw agad ako. Napaupo na sa gilid ng kama ko si Seth. He pulled me towards him and hugged me tightly.
"It's me, Keri, hija. I'm not a ghost." At tumawa pa nang mahina ang don.
Nanginig pa rin ako. Napailing-iling ako habang humahagulgol.
Sumenyas si Seth dito. Tumango ang kawangis ni Don Miguel at maingat na isinara ang pintuan ng kuwarto ko. No'n lang ako nakahinga nang maluwag.
"I don't understand." Ngarag pa rin ang boses ko.
"Buhay si Papa, Keri. Don't be scared. The man you saw in our vegetable garden is indeed him. It was not his ghost nor his doppelganger. It was him. He was monitoring the plans of our enemies at that time. Mabuti't nandoon siya kung kaya hindi naisagawa ang pagpapasabog sa buong mansion."
Pinangunutan ko ng noo si Seth.
"Nang araw na papunta sana silang Palawan with his body guards, hindi siya tumuloy. It was somebody he hired to pretend as himself who got into the chopper for him. Lagi niya raw ginagawa ito in the past para lansihin ang mga nais magpapatay sa kanya. Unfortunately for that man, ikinasawi iyon ng buhay niya."
"Paano nagawa iyon ng papa mo sa taong iyon? He only meant to earn a living by pretending to be somebody else! That was so cruel of your father!"
"The man knew the risk involved right from the very beginning when he accepted the job. Napaliwanag ni Papa na kaya lang kinuha ang serbisyo niya dahil magkamukha talaga sila. Hindi na kailangan pa ng surgery to make him look like his double."
![](https://img.wattpad.com/cover/248124662-288-k51500.jpg)
BINABASA MO ANG
QUEEN SERIES #2: THE HERMES QUEEN (COMPLETE)
RomanceKeri Tabitha Priscilla Ruiz is obsessed with anything posh. Thanks to her best friend, Eula Anai, who introduced her to the world of luxurious girly things. But just when Eula has miraculously gotten rid of her obsession with branded things, Keri be...