Chapter 1

497 6 0
                                        

Chapter One: Simula

Nagmamadali akong hinabol ang pintuan na papasara na sana, naabutan ko naman kaso nga lang ay natamaan ang noo ko!

Nakita pa talaga ako ng tropa kong security guard dito pambihira.

"Late ka na naman, Fina."

"Alam ko po kaya padaanin mo na ako."

Letsugas! Bakit ba ang sarap matulog? Hindi ko tuloy namalayang alas otso na dahil makulimlim ang langit kaya naman hindi ako nakagising ng maaga. Napasarap ang nood ko ng paborito kong Netflix series kaya sabog na sabog ako ngayon.

Hindi ko alam kung ano ang hitsura ko dahil sa pagmamadali kaya naman nang makita ko ang sariling repleksyon sa elevator ay gusto kong iumpog ang sarili.

Wala sa ayos ang suot kong pencil cut na palda at may gusot pa ang damit at ang mas malala pa ay sabog ang buhok ko. Gusto kong mahiya pero naalala ko na makapal nga pala ang mukha ko kaya taas noo akong nag-ayos ng sarili.

"What is she wearing? Is that even a proper clothes of a secretary?" 

"She has a awful tastes of fashion. Nakakadiri siyang manamit, hindi nababagay kaging secretary ni Mr. Gazakov"

"Dapat diyan masibak na sa trabaho e."

Nanliit ang mga mata ko sa narinig. Nangangati tuloy ang kamay ko parang gustong manapak ng mga pusit sa tabi tabi. Kaya naman nang matapos akong mag-ayos ay nakapamewang akonf humarap sa kanila.

"Kahit anong putak ninyong mga pusit kayo ay kahit kailan hindi ninyo mapapantayan ang katotohanan na nakakausap ko at nakakasama ko ang kinababaliwan ninyo," kaya insecure ang mga pusit dahil sa boss namin.

Inis akong nagpatuloy. "Wala rin kayong pakialam sa suot ko dahil kahit baduy sa paningin ninyo ang sinusuot kong damit ay hindi pa rin ninyo mapagkakaila na mas desinte ang suot ko kumpara sa inyo. Mga letsugas kayo." Binulong ko lang ang huling sinabi, baka magsabunutan kami dito mahirap na.

"Sana magbago na kayo, anong taon na nga ba ngayon? Hanggang ngayon ay hindi pa rin kayo natutuo ng mabuting asa." nakakaloko akong ngumisi nang makalabas na sila.

Pasalamat sila at may kasama kaming empleyado kung hindi ay itutulak ko sana sila papalabas kaso ay baka tuluyan na akong masibak sa trabaho kaya h'wag nalang.

Pagkarating ko sa tuktok ng building ay ang hilaw kong assistant ang bumungad sa akin. "Faustina! Bilisan mo, galit na galit si Mr. Gazakov."

"Umuusok ba ang ilong?" Inilapag ko muna ang gamit sa mesa.

Sanay na ako kay boss dahil araw-araw naman galit 'yan kaya hindi na ako magtataka kung basta nalang siyang sasabog. Ewan ko ba kung bakit sila takot na takot sa boss namin, mas nakakatakot pa nga ang daga sa apartment ko, kinagat ba naman ang tsinelas ko. Palibhasa parang kambing na ngumangawa ang Mr. Gazakov na 'yan sarap hambalusin.

"Fina! Hindi biro 'to, bilisan mo na."

Sino bang nagsasabi na nagbibiro ako? Baliw din ang babaeng 'to. Letsugas, bakit ko ba siya naging assistant? Palibhasa wala naman siyang naiambag puro kuda lang ang pusit na 'yon.

Bago ako pumasok sa office ng boss ay gumawa muna ako ng coffee caramel with ice, pampalamig ng ulo. Maya maya pa ay natapos din ako at agad akong dumeretso sa office niya. Dahan dahan akong pumasok at hinanda ko na ang sirili't tenga sa malakas na sigaw ng halimaw.

"Why are you still here? Get out!"

Parang tanggang umiiyak ang babaeng pinagalitan ni boss sa tingin ko ay siya ang head sa HR department. Hindi ko siya kilala dahil bago lamang siya, kahapon 'ata nagsimulang pumasok. Alam kong hindi siya papagalitan kung wala siyang ginawang mali, ewan ko lang kung anong kasalanan niya.

Boss, Marry Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon