Chapter 14

159 0 0
                                    


Chapter Fourteen: Bisita

"Ate!"

Nagkunwari ako na hindi sila nakita kaya luminga-linga ako sa paligid. Nakakatawang asarin ang mga mukha ng pamilya ko, para silang bubuyog na naguguluhan.

"Fina 'nak, makinig ka nga."

Matinik talaga 'tong Mama ko dahil alam talaga niya kong kailan ako nagsisinungaling. Nakangiti naman akong lumakad papalapit sa kanila.

"Pasalobong, 'te?" Ang lakas pa ng loob na sumimangot ng mokong.

"Ang pangit mo na yata ngayon, Felix, ah?" Nakangisi kong inabot ang bag na dala ko sa kaniya na mas lalong nagpabusangot sa mukha niya.

"Nakalimutan mo yata na magkamukha tayo kaya pangit ka rin," nakangisi niyang kinuha ang bag ko.

"Ano ba naman kayong dalawa, ang lalaki ka ninyo hind pa rin kayo nagbabago," kahit nananaway ang tono ay may bahid pa rin ng ngiti ang boses ni Mama.

Nakangiti akong nag-mano at yumakap sa kaniya. "Namiss ko kayo."

Saglit pa kaming nagyakapang tatlo bago sumakay sa tricycle na nirentahan nila. Habang nasa daan kami ay hindi ko maiwasang mamamangha dahil kitang kita ang pagbabago ng kinalakihan kong bayan.

Marami ng malalaking building na nakatayo dito, may mga mall pa nga, pati ang kalsada na lubak lubak noon ay nakasemento na ngayon. Naalala ko pa noon na kapag naglalakad kami sa daan ay halos maging sapatos na ang putik sa mga sapin namin sa paa pero ngayon ay ang laki na ng pinagbago.

Patanaw-tanaw lang ako sa paligid na para bang isa akong dayuhan sa sariling kinalakihang bayan, ang sama lang pakinggan dahil noon halos makabisado ko na ang pasikut-sikot sa lugar na 'to. Hindi ako mapirme sa bahay doon, para akong si Dora, laki sa galaan.

"Magaaga ka yatang nakarating dito, 'nak?"

Humiling naman ako sa likod ng kinauupuan. "Inagahan ko talaga 'ma, nakakapagod ang traffic do'n at saka mas nakakapagod gabihin."

Kaya maaga akong gumising at tumulak dahil baka mahilo lang ako sa biyahe kong maabutan ako ng gabi, mas lumalala ang pagkahilo ko pag ganoon at ang mas malala ay magsuka pa ako, letsugas!

Dahil sa naisip ay may pumasok na ala-ala sa akin ng pagsuka ko sa eroplano. Bigla tuloy pumasok sa isip ko si Boss, letse! Pinirmahan niya naman ang leave ko, wala siyang magagawa dahil tinakot ko siya na kapag hindi niya 'yon pinirmahan ay aalis talaga ako sa kompanya niya kaya ang loko ay natakot, akala niya!

Gusto pa niyang sumama sa akin pero napirmi lang ang kumukibot niyang labi nang may tumawag sa kaniya, may problema daw sa kompanya, kaya naman hindi siya nakasama at hindi ko rin siya payayagang sumama.

Tawa-tawa pa ako habang hinahatid niya ako sa airport dahil dala-dala niya si Bengie! Sinabi ko kasi na bantayan muna niya ang alaga ko habang wala pa ako at kung may mangyaring masama sa pusa ay paniguradong babalatan ko siya ng buhay, kahit na tirador ng ulam ng kapit bahay ang pasaway na pusa na 'yon ay hindi mapagkakaila na mahal ko 'yon.

"Salamat po manong, sa 'yo na ang sukli," ngumiti ako pagkatapos magbayad.

Saktong alas tres ng hapon kami nakarating sa bahay. Kaya din ako maaga na umalis dahil sa Mindanao pa kasi papunta ang flight ko, pagkalapag naman ng eroplano sa Davao airport ay sasakay pa ng bus at pagkarating naman sa terminal, matapos sunduin nila, ay sasakay pa ng tricykle.

Kaya heto kami ngayon, si Mama na nauna ng pumasok sa loob, si Felix na nagbubuhat ng mga gamit ko at ako na nakatayo habang tinitingala ang dalawang palapag namin na bahay.

Boss, Marry Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon