Chapter 10

174 1 0
                                    

Chapter Ten: Scammer si Gaga.

"Kakaiba din pala kayong dalawa ng pamangkin ko, ah."

Inis kong nilapag ang kutsara sa lamesa. "Uncle, hindi ka ba talaga titigil?!" sinamaan ko siya ng tingin.

"Nagalit pala ang pamangkin mo, uncle," isa patong pagong na 'to, nakakagigil! "Nabitin siguro kagabi!"

At sabay pa talaga silang humalakhak inis ko namang tinapon ang dalawang pirasong ubas sa mukha nila pero napasimangot ako dahil naiwasan nila 'yon.

Tahimik lang naman akong nagaagahan kanina kaso ay ginambala ng dalawang mahangin na 'to! Matapos ang eksena namin ni Boss sa library kagabi ay hindi na talaga ako lumabas ng kuwarto ko kaya lang kinaumagahan ay nagugutom na ako, heto ako ngayon kumakain habang kaharap ang dalawang mahangin.

"Pag ako talaga nainis kita ninyo, 'yang mga alaga ninyo hindi na 'yan masisinagan ng araw!" Ang bulate nila ang tinitukoy ko, 'no!

"Ang brutal mo, ah!" Nagkunwari pang takot ang pagong.

"Oo, brutal talaga ako lalo na sa mga mahahangin na katulad ninyo!"

"Aba! Hindi ako mahangin, hija, gwapo lang ako."

Akala ko ay wala na akong mukhang maihaharap sa kanila pero sadyang makapal nga talaga ang mukha ko, singkapal ng libro. Kahit na panay ang asar nila sa aking dalawa ay hindi naman ako nakakaramdam ng ilang dahil alam kung kahit na ang sarap nilang tirisin sa pangaasar sa akin ay nakikita ko naman na walang panghuhusga ang mga mata nila na ikinahinga ko ng maluwag.

Ngayon lang ako nahimasmasan naisip ko na, ano nalang ang sasabihin ng ibang tao kapag nalaman nilang nakikipaghalikan ang isang secretary sa kaniyang Boss pero hindi ko naman magawang magsisi dahil magiging sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko nagustuhan ang mga halik niya.

Masarap talaga ang bawal, letse! Hindi ko rin alam kung bakit ko siya hinahayaang haliakan ako, hindi ko nalang inisip dahil baka tuluyan na akong mawala sa sarili, pag nangyari 'yon 'tong dalawang kaharap kong mahahangin ang uunahin kong kitilan buhay! Akala nila!

"Where is Morgan, by the way?" Sumulyap si pagong sa akin kaya pinandilatan ko siya. "Nasaan siya, uncle?"

"Hindi ko rin alam," nagkatinginan pa silang dalawa ni pagong bago nagkibit balikat.

Habang sumusubo ako ng strawberry shortcake ay bigla silang napatingin sa akin. "Bakit kayo nakatingin sa akin?"

"Do you know where he is?"

Bakit naman itatanong ng pagong sa akin 'yon? "Malay ko!"

"Baka nagpaalam sa 'yo ang pamangkin ko, Fina."

Naguguluhan ko siyang tinignan. "Bakit naman siya magpapaalam sa akin, uncle?"

Nang hindi sila magsalita ay tinigil ko ang pagkain at tinaasan sila ng kilay, may hindi sinasabi ang dalawang 'to sa 'kin, e. Late na kasi akong bumaba kaya akala ko naunan ng kumain si Boss.

"Saan ba siya pumunta?" Natataka kong sabi.

"Shit, uncle!" Parang nataranta pa ang pagong habang si uncle naman ay nanlaki ang mga mata.

"Hindi ka dapat nagtanong, hijo!"

Nakita po pang may ibinulong si uncle kay sir Deo at pagkatapos ay sabay silang humalakhak.

"May tinatago kayo sa akin, e." Halata naman sa kilos nila, ang sarap tuloy nilang pagbuhulin at tirisin.

"It's nothing," exaggerated pang umiling ang pagong. "We're just having fun."

Boss, Marry Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon