Chapter 32: MensaheNakakatakot pala talagang sumugal sa laro ng pag-ibig, nakakatakot matalo sa huli. Naiintindihan ko na ngayon ang mga tinatawag na duwag pagdating sa larangang ito.
Maswerte ka kung nagtagumpay ka sa huli at nakayanan ito pero hindi ka naman malas kapag natalo ka. Sadyang, hindi lang talaga para sa 'yo ang kasama mo habang pilit na nilalabanan ang mapaglarong takbo ng tadhana, hindi lang talaga kayo ang para sa isa't isa.
Malayo nga talaga ang swerte sa akin kasi pakiramdam ko, ako ang matatalo. Hindi pa ako sigurado pero parang doon na ang bagsak ko, letsugas naman kasi. Hindi dapat ako nag-iisip ng ganito dahil wala pa namang kasiguraduhan ang mga nakita ko pero hindi ko mapigilan.
Kahit anong gawin kong pagtataboy sa mga letsugas na litrato na 'yon sa isip ko ay talagang hindi sila nabubura, para silang gulong na paikot-ikot lang sa bawat sulok ng utak ko. Sana hindi ko na lang nakita 'yon...
Kumurap-kurap ako, pinipilit labanan ang pangingilid ng luha sa gilid ng mga mata. Napapabuntong-hininga na lang ako habang nakatulala sa pader ng kuwarto ko. Kanina pa ako nakaupo dito hindi ko na nga mabilang kung ilang oras na, letsugas.
Kumilos lang ako nang marinig ang cellphone na tumunog, tanda na may tumawag. Tamad ko namang kinuha 'yon, wala nang pakialam kung sino man ang tumawag.
"Bakit?" Sagot ko.
"Hija," mahihimigan ang kagalakan sa boses nito. "Akala ko ay hindi mo na sasagutin. Aba'y kanina pa ako tumatawag."
Napangisi ako. "Pasensiya na, Lolo Moris."
Nakagat ko naman ang pang-ibabang labi nang marinig na mahina siyang napamura.
"Ikaw talagang bata ka. Tigilan mo muna ako sa kalukuhan mo. May importante akong sasabihin."
Napaayos naman ako ng upo. "Ano po iyon, uncle?"
Rinig na rinig ko ang masakit sa tengang kaluskos sa kabilang linya, parang naglalakad 'ata siya.
"Uncle?"
"I'm sorry about that. Siguro ay sa personal na lang tayo mag-usap, hija."
"Ha? Bakit po?"
"May gagawin pa kasi ako. Ipapasundo na lang kita diyan sa kanto ng apartment mo. I'll text you the details."
"Sandali lang po, uncle."
Nang mapansin na walang nakuhang tugon ay tiningnan ko agad ang cellphone. Napasimangot na lang ako nang makitang pinutol na pala niya ang tawag. Wala sana akong planong lumabas ngayon dahil tinatamad ako pero nang makita ang text niya sa akin ay wala na akong nagawa.
Ang tatlong araw na binigay sa akin na leave ay inubos ko lang sa kakatunganga. Dalawang araw na akong nagkukulong lang dito sa kuwarto. Imbis na magliwaliw sa labas ay mas pinili ko na manatili dito, mas mababangot lang ako labas.
Ang nakalagay sa text ay alas tres pa kami mag-uusap ni uncle kaya mas pinili ko na matulog muna, may dalawang oras pa naman ako. Nang magising ay agad din akong kumilos para maghanda na papaalis.
Habang sinasarhan ang pintuan ko ay hawak-hawak ko sa kamay si Bengie, hindi ko alam kung dadalhin ko ba siya o ano.
"May lakad ka 'ata ngayon, Fina?"
Napatingin naman ako sa may likuran at nakita doon ang ma-ari ng katapat
ng unit ko."Opo, Ate Ching. Puwede po bang pakibantayan na lang po si Bengie?"

BINABASA MO ANG
Boss, Marry Me
AcakMorgan Gazakov was always been distant to other people, he never let anyone enter his chaotic life. With a beyond gorgeous faced and a greek god body, many women dwells over him but... he only wants the attention of his secretary. Simple lang naman...