Epilogue

1.4K 9 0
                                        

Epilogue:

Nagising ako sa ingay ng dalawang taong nag-uusap. Pipikit-pikit pa akong gumalaw at muntik na akong mahulog dahil naka-upo pa rin pala ako.

"Ay, gising na pala si madam."

Agad akong napalingon sa pamilyar na boses na 'yon. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala 'yon.

"Anabie? Bakla!"

"Naalala mo pa pala ako, madam? Like na talaga kita, madam."

"Syempre naman. Mahirap kay kalimutan 'yan ano. Kasama mo si Gail?"

Sila yung umayos sa akin noong may pinuntahan kaming engagement party ni Uncle Moris. Pinaganda nila ako noon kaya hindi ko sila makakalimutan. Teka, bakit nga pala siya nandito?

"Oo naman, madam. Nandito ang maliit na Gail, nasa baba. Siya ang umayos sa buhok mo at ako naman ang naglagay ng make up sa 'yo. Ang bongga mo na ulit ngayon, madam!"

Teka, ano raw?

Bigla kong inilibot ang paningin sa paligid at hindi nga ako nagkakamali, nasa isang dressing room kami! Pagtingin ko sa salamin ay agad akong napanganga. Hindi madungis ang mukha ko, sobrang ganda nga. Sobrang ganda ng make up na inilgay ng bakla. Nakakamangha rin ang messy hair style ko na gawa raw ni Gail.

Hindi ko halos makilala ang sarili. Kanina lang ay ang dugyot ko tignan pero ngayon parang ako 'yong ikakasal, kulang na lang ay magsuot ako ng weeding dress.

Pero teka nga, "bakit nga pala ako nandito?"

"Duh!" Umikot pa talaga ang mga mata ng bakang Anabie. "Hindi ba halata? Hello? A-attend ka lang naman ng kasal, madam."

"Tama si Anabie, Ma'am," biglang singit nang maliit na Gail na nakakapasok lang, "kaya magbihis ka na."

Malawak ang ngiti niya habang naglalakad papalapit sa amin. Ngayon ko lang napansin na may hawak pala siyang damit na nasa parang hanger na may coat para matago ang damit pero nakalabas na 'yun nang makita ko dahil nabuksan na ng baklang Anabie.

"Madam, isukat mo na 'to dali!!"

"Sandali!"

Hindi na ako nakaalma nang pagtulungan nila akong suotin ang white gwon na 'yon.

"Wow, ang ganda mo talaga, ma'am."

Tudo simangot ako nang matapos. "Huwag ako ang bulahin mo, Gail."

"Totoo ang sinabi nitong maliit na 'to, madam! Para kang dyosa, mana sa 'kin."

Pagtingin ko sa salamin ay totoo ngang napakaganda ng damit. Simple lamang ang design niya pero napakalakas ng dating. May suot-suot din akong flower crown na may kumikinang na ginto na nakapalibot dito.

Oo at napakaganda ng suot ko pero... Bakit nga ba talaga ako nandito? At bakit suot-suot ko 'to? Letsugas naman, naguguluhan ako!

"Madam, 'maya ka na ma-stress. Kumain ka muna. Baka bugahan mo kami ng apoy dito. Sayang ang beauty ko."

"Halikana po, ma'am. Pinaghanda na kita."

Hindi na ako umangal sa kanila. Para akong nahipnotismo nang maamoy ang mabangong pagkain. Hindi pa pala ako kumakain kaya bahala na muna sila diyan. Wala akong sinayang na oras, agad kong nilantakan ang pagkain pagka-upo ko.

"Ano ngang ginagawa ko dito?" Tanong ko nang matapos kumain.

Hindi sila umimik kaya pinanlakihan ko sila ng mga mata. Umusok agad ang tenga ko. Bubulyawan ko na sana nang biglang bumukas ang pinto.

Boss, Marry Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon