Chapter 8

233 3 0
                                        

Chapter Eight: Tukmol

Matapos kumain ng agahan ay balik na kami sa totoong pakay namin dito San Francisco at 'yon ay ang makuha ang deal ng isang malaking investor.

Ngayon nga ay nandito ako sa isang sikat na Japanese restaurant dahil punyemas! Wala daw ang pangalan ko sa naka-book na reservation, nakakainis! Noong isang araw pa ako nag-book ng reservation at hindi ko alam kung bakit wala ang pangalan ko, basta nalang nilang sinabi na wala doon matapos ko silang tawagan kanina.

Pumasok ako sa loob na parang manghahasik ng lagim, manghahasik talaga ako ng lagim dito kapag ako'y pinagloloko nila. Aba! Hindi pwedeng mabulilyaso ang plano ni Boss. Lagot talaga ako lalo na't hindi ko 'to pinaalam sa kaniya at hindi din ako nagpaalam na pupunta ako dito, baka lapain ako no'n ng buhay, katakot!

Isang naka-japanese uniform naman na babae ang sumalubong sa akin.

"Ohayōgozaimasu!" Bati pa nito. "Table for one ma'am?"

"Hi," hilaw akong ngumiti. "Where is the reservation office? I have some important matter to discuss."

Iiling sana siya pero inunahan ko na siyang magsalita. "I'm the CEO's secretary of the Gazakov Empire. Two days ago, I booked a reservation here but your company called me earlier and seems like there's a misunderstanding about it, my reservation wasn't written on your list. So, if you don't mind, please lead the way. This is urgent."

Hiningal pa ako pagkatapos sabihin 'yon. Parang dudugo 'ata ang ilong ko kaya kung paaalisin niya pa rin ako ay sasabunutan ko talaga siya!

"This way, ma'am."

Mabuti naman at nadala siya sa salita ko akala ko ay magmamatigas pa siya.
Sumunod naman ako sa kaniya nang magsimula siyang maglakad. Pumasok kami sa isang pinto, bumungad naman sa amin ang mga trabahante na abala sa kakasagot ng tawag.

Saglit siyang tumungo, nagbigay galang. "Ms. Sandra."

Isang striktang babae ang nagtaas ng kilay sa harapan namin. "What's bring you here?"

"She said," sumulyap naman siya sa akin, "she has something to discuss with you." 'Yun lang at umalis na siya.

"What is it?" tinignan pa talaga ako nito mula ulo hanggang paa! "No, let's not talk here."

Lumabas siya kaya lumabas din ako. Nagataka pa ako kung saan kami pupunta pero hindi na pala kailangan dahil mukhang dito kami maguusap sa labas, sa hallway pa talaga!

"Now, talk," tumingin ito sa mamahaling relo niya. "You only have five minutes."

Parang gusto kong mag-amok dahil doon pero sayang lang 'yon sa oras kaya huminga ako ng malalim. "With all my respect, Miss, you can't just cancel my reservation just because it wasn't on your reservation list. I booked it last two days and I clearly stated the details. I was wondering, why my name wasn't on the list?"

Hindi ko alam na madugong labanan pala 'to kung alam ko lang sana ay nagdala ako ng maraming tissue dahil letsugas! Mauubos ang utak ko nito at duduguin pa ang ilong ko.

"I'm sorry to hear that but we are fully booked today," nakataas pa rin ang kilay nito. "If you want, we can reschedule your reservation."

Parang gusto kong magwala nakakainis dahil alam kung wala akong kasalanan sa reservation na 'yon, nakakainis dahil ang taray niya at mas nakakainis dahil dapat tratuhin niya ng maayos ang customer nila! Hindi ko alam kung ipinanganak ba talaga siyang gan'yan o sadyang napakataray lang talaga niyang pusit, letsugas na 'yan!

Boss, Marry Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon