Chapter Six: Cobra
Ang hirap pala maging managhuhula 'no? Kasi hinuhulaan nila kung ano ang mangyayari sa kinabukasan o maging sa isang tao, minsan tama, may tsamba at ang mas malala mali ka pala! Kaya sa huli ikaw ang magiging tanga.
Kaya naman kahit inuubo ay binalewala ko nalang ang sinabi ni Boss. Ayokong maging manghuhula kaya 'yung sinabi niya ay ipinasok ko na lang sa kaliwang tenga at nilabas sa kabila.
Ngayon ay tahimik lang kami sa loob ng elevator kapapasok lang namin at siya na ang pumidot kung saang floor kami. Napakunot naman ang noo ko ng pinindot niya ang ground floor.
"Hindi tayo dito pagpapalipas ng gabi, Boss?" Madalas ay kapag may out of town kami ay sa mamahaling hotel kami tumutuloy pero ewan ko lang sa kaniya ngayon.
"No," walang emosyon ang boses at mukha niya.
Change of mood na naman siya. Sa apat na taong pagtatrabaho ko bilang secretary niya ay hindi na ako nagugulat kung bigla bigla nalang magbabago ang mood niya dahil ganyan naman talaga siya, may topak!
Daig pa niya ang land lady namin sa apartment, kapag bagong tanggap ng bayad ay parang mapupunit na ang labi sa kakangiti pero kung buwan ng singil na ay parang mangangain ng tao.Napailng nalang ako at sumunod sa kaniya papalabas. Sobrang tahimik na naman ng sasakyan habang binababay nito ang daan patungo sa hindi ko alam. Hindi ko na nilabas ang cellphone ko dahil no'ng sinubukan ko ay biglang bumibilis ang takbo ng kotse kaya tinago ko nalang, may galit siguro ang loko sa mumurahin kong cellphone.
Tatlong oras ang tinagal namin sa biyahe at sa tatlong oras na 'yon ay ako lang ang panay salita ng salita. Kahit na nakuwento ko na ang talambuhay ko ay hindi pa rin siya umimik, minsan ay tumatawa at ngingiti lang. Hindi ko talaga siya lalapitan mamaya dahil baka na panis na ang laway niya, kadiri!
Antok na antok na ako nang tumigil ang kotse sa isang mansyon na may matayog na gate na kulay abo. Nasa kulay puti at abo lang ang nakapalibot na kulay sa mansyon, maganda naman at hindi masakit sa mata. Hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin ang disenyo ng mansyon, gustuhin ko man ay mas bumibigat lang ang talulap ng mga mata ko.
Pagod kong binuksan ang pintuan at agad na bumamaba, naabutan ko tuloy si Boss na parang tanga na nakatayo malapit sa pintuan at ang mga kamay ay nakaangat, hindi ko alam kung ano ang gagawin niya kaya pinabayaan ko na lamang.
"Senyorito, nakarating ka na pala," isang dalagang kasambahay, base sa hitsura niya, ang sumalubong sa amin. "Ako na po ang magdadala ng mga gamit mo," napatingin naman 'to sa giwi ko. "May kasama ka pala, senyorito. Sandali po at tatawagin ko lang ang senyor."
"No need," hinawakan niya ang kamay ko. "Alam ko kung nasaan siya."
Nakangangang nakatingin sa amin ang dalagang kasambahay at ako naman ay nakanganga rin sa kamay ko na hawak ni Boss.
Habang hila hila niya ako ay hindi ko maiwasang maisip na ang gwapo ni Boss, walang bahid ng kahit anong kapintas pintas na makikita sa mukha niya biro lang naman 'yung pimples na nakita ko malapit sa noo niya at maganda din ang pangangatawan niya kaso nga lang ay hindi ang kamay niya!
Paano ba naman may kagaspangan ang kamay niya, wala namang problema sa akin 'yon kaso nga lang may hatid pang pawis, hindi naman nakakadiri nakikiliti lang talaga ako at kapag nakikiliti ako ay para akong maiihi buti nalang at bumitaw na siya, todo punas pa tuloy ako pero bago 'yon ay inamoy ko muna at hindi ko akalain na ngayon lang ako nabanguhan sa pawis! Gusto kong mandiri pero hindi ko magawa.
Nang makarating na kami sa dining area ay isang gwapong hindi katandaang lalaki ang bumungad sa amin.
"Pamangkin!" Tumayo ito at sinalubong ng yakap si Boss. "Mabuti naman at dinalaw mo ako akala ko ay habang buhay ka ng mananatili sa kompanya mo."
![](https://img.wattpad.com/cover/254932220-288-k574365.jpg)
BINABASA MO ANG
Boss, Marry Me
De TodoMorgan Gazakov was always been distant to other people, he never let anyone enter his chaotic life. With a beyond gorgeous faced and a greek god body, many women dwells over him but... he only wants the attention of his secretary. Simple lang naman...