Chapter 36: Sundo
Nakangiwi akong nakaupo sa hospital bed habang pinagmamasdan ang nangiintrigang tingin ng lalaking sumagip sa akin.
"Ayos na nga ako kaya umuwi na tayo," nakasimangot kong saad.
Gusto ko ng umuwi dahil nahihilo ako sa amoy dito. Mahigit isang oras na rin kasi ang lumipas simula no'ng dalhin niya ako sa pinakamalapit na ospital kahit maliit lang naman ang tanamo kong saksak, parang gasgas lang nga 'to, e.
"Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung bakit ka nauwi sa ganyan." Napailing pa siya. "May kinalaman ba ang pinsan ko dito?"
Mas lalo akong napasimangot nang banggitin niya ang letsugas niyang pinsan. Wala naman siyang kasalanan kasi hindi naman siya ang sumaksak sa akin kaya bakit pa niya babanggitin? Letsugas talaga.
Nababangot ko siyang tinignan. "Ayaw ko siyang pag-usapan ngayon dahil pakiramdam ko mas lalong kumikirot ang sugat ko kapag nasasangkot siya sa usapan natin."
Hindi naman niya pinansin ang sinabi ko bagkus ay kumunot lang ang noo niya at malalim akong tinitigan.
"Did he hurted you?" Madiin ang tinig na ani pa niya.
Napaiwas ako ng tingin. "Ayaw ko sabi siyang pag-usapan.
Ayaw ko namang magsumbong dahil problema naman namin 'tong dalawa, tanging si uncle Moris lang ang may alam sa nangyayari sa amin ni Morgan. Naalala ko pa nga ang sinabi noon ni Octavis, kaya ayaw ko ring malaman nila baka kasi tutuhanin niya ang banta.
Napabuntong-hininga naman siya ng malalim. "Alright. Don't hesitate to call us if you need help. Handa kaming tumulong sa 'yo."
"Maraming salamat talaga sa inyo at lalo na sa 'yo. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung hindi ka dumating, Michigan," malawak ang ngiting tugon ko.
Labis talaga akong nagpapasalamat sa kanila dahil kahit na hindi nila ako lubusang kilala ay napakabait nila sa akin. Hindi nila ako tinuring na iba kahit na mas mataas ang estado nila sa lipunan.
Wala akong natanggap na tungon galing sa kaniya bagkus ay tumango lang siya saka naupo sa pang-isahang coach na nasa harapan ng kama. Kanina pa kasi siya nakapamulsang nakatayo sa gilid ng pinto habang ako ay nakaupo sa isang hospital bed, nasa private room din kasi kami. Pinigilan ko siya kanina na kuhanin ang room na 'to kaso nga lang ay sinabi niya na siya na raw ang magbabayad kaya wala na akong nagawa.
"Bakit mo nga pala alam na nandoon ako?" Maya maya'y tanong ko pa.
Nakakapagtaka na bigla na lang siyang dumating nang walang pasabi. Naisip ko nga na baka inutusan siya ni uncle na hanapin ako pero naisip ko rin na hindi naman ako ganoon kaimportante, letsugas talaga.
"No," umiling siya. "Pauwi na ako galing trabaho nang madaanan at makita kita na nakikipag-agawan ng bag sa lalaking 'yon."
"Ganoon ba?" Napatango-tango ako. "Maswerte pala ako dahil doon ka dumaan. Mabuti na lang talaga at dumating ka."
Kaya naman pala wala siya sa party dahil nagtatrabaho pala siya. Ngayon ko lang napansin na may suot-suot siyang salamin at naka-puting pulo rin siya. Hindi ko alam kung ano ang trabaho niya, hula ko ay may negosyo rin siya pero masyado naman yatang pormal ang suot niya para maging negosyante, letsugas na 'yan.
Hindi na ulit kami nagkibuan matapos kong magsalita dahil letsugas ano bang sasabihin ko? Nakakailang ang katahimikan na bumalot sa amin, hindi ko tuloy maiwasang napahikab. Ang sarap ng matulog dahil pasado hating gabi na base sa wall clock na nakasabit dito.

BINABASA MO ANG
Boss, Marry Me
SonstigesMorgan Gazakov was always been distant to other people, he never let anyone enter his chaotic life. With a beyond gorgeous faced and a greek god body, many women dwells over him but... he only wants the attention of his secretary. Simple lang naman...