Chapter 3

280 5 0
                                        

Chapter Three: Batas

Nang magising ako ay ang puting kisame ang bumungad sa akin, kakaiba din ang amoy ng paligid. Nang buksan ko ang nga mata ko ay letsugas nasilaw ako sa ilaw dito parang gusto kong manabunot dahil hindi man lang pinatay ang ilaw. Gusto ko pa sanang matulog kaso ay tuluyan ng nagising ang diwa ko dahil sa letsugas na ilaw.

"Gising na 'ata siya," isang nakakainis na  tinig ang nagpabalikwas sa akin.

Kahit nakapikit ay umusal pa rin ako ng salita. "Ang ingay mo."

Akala ko ay nasa hospital ako kaso ay ganoon nalang ang panlulumo ko nang pamansin na bahagyang gumagalaw ang hinihigaan ko.

"Get up and eat." Isang seryusong tinig ang nagsalita na nagpamulat ng mga mata ko.

"H-ha?" Kagat labing saad ko pa.

Muntik na akong mahiya dahil naalala ko ang kahihiyang ginawa ko bago nawalan ng malay pero dahil makapal ang mukha mo ay pinagsawalang bahala ko nalang 'yon.

Nang tuluyang makabagon ay ngumiti  ako ng malapad kay Boss at pasimpleng sinulyapan ang pagkain na nasa tapat ko. Ngayon ko lang napansin na sa isang upuan pala ako nakahiga kanina at hindi ko alam kung paano ako nagkasya dito. Kaya pala kumikirot ang likod ko, letsugas.

"Para sa akin ba 'yan, Boss?" Dahil masakit ang likod ko ay tumayo na ako at nakangiwing inunat ang mga braso ko.

"That's not yours," nakangisng mukha ni Sir Deo ang nalingunan ko, ang sarap niya tuloy ihulog sa bintana.

"Hindi ikaw ang tinatanong ko kaya manahimik ka," inis kong sabi.

"Hey! You are so mean," at ngumuso pa talaga ang pagong! "Paano mo ba natatagalan ang baliw na 'to?" Baling niya kay Boss. "I can't even imagine myself being with this big mouthed witch for four freaking years."

"Ha!" Hindi ko napigilan ang sarili at nasipa ko siya sa kaliwang paa niya pero ang pagong ay tumawa lang! Nakasimangot tuloy akong lumingon kay Boss.

Nanatiling seryuso ang mukha niya nang magsalita. "You should eat."

Hindi na ako kumibo dahil walang kahit anong bakas ng pagbibiro ang mukha ni Boss. Masyadong seryoso ang mukha niya at talagang wala kang mababasang emosyon doon. Tahimik lang akong umupo ulit sa upuan ko kainana, magkaharap na kami ngayon.

Hindi ko tuloy maiwasang maisip ang butiki sa kisame ng apartment ko dahil pareho sila ng mukha ni Boss, walang emosyon at parang tangang nakatitig sa akin. Dali dali naman akong kumuha ng malaking hiwa ng cake at agad na sinubo 'yon para maitago ang halakhak na gustong kumawala sa bibig ko.

"Hup!" Sadyang malas nga talaga ako dahil nabulunan ako, letsugas!

Tudo ubo at singhap tuloy ako pero mas lalo 'ata akong nabulunan nang biglang tinawid ni boss ang distansya namin at aligagang hinawakan ang pisnge ko kalaunan ay napunta ang kamay niya sa likod ko, hinihimas ako roon. Para akong mawawalan ng hininga sa sobrang lapit ng mukha namin kaya naman tinapik ko ang mukha niya at tinuro ang baso.

"Tu...big, ha," nahirapan akong magsalita at ang loko ay parang tangang natataranta na naupo sa gilid ko. "T-tubig!"

"Sandali," natataranta siyang tumayo. "Where's the fuckin' water?!"

Agad ko naman ininom ang baso ng tubig na inabot niya sa akin. Inisang lagok ko lamang 'yon. Akala ko ay malalagutan na ako ng hininga, letsugas!

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasang umubo ng sunod sunod pero nagawa ko 'yung pigilan nang mapatingin ako kay Boss. Matalim ang titig niya sa akin, na para bang may ginawa akong kasalanan.

Boss, Marry Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon