Chapter 40: Itigil ang Kasal
"Ano ba, ang bigat..."
Pungas-pungas akong napamulat ng mga mata nang maramdaman ang mabigat na bagay na nakadantay sa akin. Ayaw ko pang gumising dahil parang inararo ang katawan ko. Pakiramdam ko namamaga ang lahat ng parte ng katawan.
Letsugas, ano bang ginawa ko kagabi? T-teka! Bakit parang...
"Letsugas!"
Nanlalaki ang mata ko matapos silipin ang katawan ko sa ilalim ng kumot. Para akong naningas na yelo nang mapagtanto ko ang lahat.
M-may nangyari sa amin? Letsugas!
Ang tanga ko naman para magtanong. Hindi ko na kailangan pang magtanong dahil kitang-kita naman sa katawan naming walang saplot sa ilalim ng kumot.
Ano na ang mangyayari pagkatapos nito? Paano kung may kabuo? Hindi pa naman kami gumamit ng proteksyon, letsugas.
Kumabog nang malakas ang dibdib ko doon. Minsan talaga diyan pa tayo nakakapag-isip ng tama kapag tapos na ang lahat. 'Yan talaga ang masama pagkatapos gawin ang bagay na 'to dahil may kapalit itong panghabangbuhay na responsibilad. Alam kong hindi ito tama pero handa akong panagutan kong anuman ang kinalabasan nito.
Hindi ko masasabi na pinagsisihan ko ang nangyari dahil sa totoo lang, masaya ako na siya ang inalayan ko ng perlas ng silanganan pero... Hindi ko rin alam kung ano na ang mangyayari sa amin pagkatapos nito.
Nakapalupot ang isang braso niya sa bewang ko habang nakadantay naman ang kaliwang binti niya sa binti ko kaya hindi ako makagalaw. Wala akong kawala, letsugas! Kailangan kong makaalis bago pa siya magising.
"Ha!"
Mahina akong napasinghap nang makawala ako sa yapos niya nang hindi siya nagigising. Ginawa ko talaga ang lahat para maalis lang ang pagkajapalupot ng kamay at binti niya sa akin. Nahirapan talaga ako dahil tuwing naalis ko na ang pagkakayapos niya ay ibinabalik niya rin naman agad. Inulit ko pa 'yon nang tatlong beses. Para siyang linta kung makakapit letsugas.
"Hmm."
Nagrambulan agad ang tibok ng puso ko nang bigla siyang gumalaw. Agad ko namang pinayakap ang unan sa kaniya. Napahinga ako nang malalim nang bumalik ulit siya sa pagkakatulog.
"A-aray!"
Letsugas bakit ang sakit?!
Para akong maiiyak nang inihakbang ko ang isa kong paa. Sumasakit ang pagitan ng mga hita ko tuwing sinusubukan kong humakbang. Para talaga akong inararo. Pakiramdam ko napunit ng tudo ang perlas ko. Letsugas, hindi na ako uulit!
"Whooo! Dahan-dahan lang."
Sinikap ko talagang makahakbang kahit na nanginginig ang hito ko. Kailangan kong makapunta sa banyo para maglinis at para makaalis ako dito. Dahan-dahan lang ang ginawa kong paglalakad pero napaginto rin ako sa kalagitnaan. Hindi pa man ako nakakalahati nang may marinig akong ringtone ng cellphone. Sigurad akong hindi akin yun kaya pababayaan ko na lang sana kaso ay naisip ko na baka importante.
"Hello? Ay, letsugas!"
Hindi ko sinasadya na mapindot ang cancel button. Kinabahan tuloy ako, si Uncle Moris pa naman ang tumatawag. Baka importante nga 'to. Lagot talaga ako kay uncle nito. Hinintay ko na tumawag ulit siya pero hindi na nasundan pa. Nagpadala na lang siya ng mesahe, agad ko namang binsaha 'yun.
Old man, Moris
Don't forget about the weeding.
Be there at three.
Sent: 07:46T-teka! Weeding? Kasal?
BINABASA MO ANG
Boss, Marry Me
LosoweMorgan Gazakov was always been distant to other people, he never let anyone enter his chaotic life. With a beyond gorgeous faced and a greek god body, many women dwells over him but... he only wants the attention of his secretary. Simple lang naman...