Chapter Five: Biro
Bago ko pa siya masukahan ay pwersahan ko na siyang tinulak. Hindi pa sana kakalas ang loko pero nang makita niya akong sapo sapo ang bibig at tiyan ay natataranta siyang lumayo sa akin. Agad ko namang binuksan ang pintuan at sumuka sa gilid ng gulong niya.
"A-ack!"
Mas lalong sumama ang sikmura ko nang naramdaman ko ang haplos ng isang kamay niya sa likod ko habang ang isa naman ay sinakop ang buhok kong naglaglagan sa makabilang leeg ko.
"Are you alright?" masuyo niyang tanong.
Gusto ko siyang bigwasan dahil sa tanong niya, kita ng hirap na hirap akong ilabas ang kinain ko tapos magtatanong pa siya ng gan'yan! Ang talino niya sa larangan ng negosyo pero boplaks naman sa ganito. Dahil sa gigil ko sa kaniya ay parang umurong at bumalik ang mga pagkain na ilalabas ko sana. Hinihingal akong napasandal sa gilid ng kotse niya, sa may bintana.
"Why did you vomit?" Puno ng pagaalala ang boses niya. "May masama ka bang nakain?"
Umusok ang ilong ko sa tanong niya, letsugas! Alam naman niyang wala pa akong kinakain tapos magtatanong pa siya ng gan'yan. Kailan ba kasi ako makakakain, gutom na gutom na ako!
"Or was it..." letsugas, hindi pa siya tapos kumuda. "Because of my ki-"
"Ayos lang ako!" Hindi ko na siya pinatapos dahil ayaw kong alalahanin ang nangyari kanina. "Nahilo lang ako sa bilis ng takbo mo kanina, Boss."
"I'm sorry," malamlam ang matang lumapit sa akin. Parang sising sisi ang mga mata niya at nahihirapan akong huminga dahil doon.
"Ayos lang nga." Sinikap kong hindi mautal at kahit nangangatong ang tuhod ko ay matapang kong sinalubong ang nakakapanghinang titig niya.
"Damn," mura niya sa sarili. "I shouldn't drove that fast..."
Bumuntong-hininga ako. "Boss, ayos na nga ako, ang kulit mo."
Hindi ko na matagalan ang titig niya kaya inilibot ko ang paningin sa paligid at napamaang ako nang mapagtanto ko na nasa parking lot pala kami. Hindi ko man lang napansin, letsugas na labing 'yan! Maiinis na sana ako pero hindi ko magawa dahil may naramdaman akong bagay na pinunas sa gilid ng labi ko.
Paglingon ko sa kaniya ay nakita kong pinupunasan niya ng mamahaling panyo ang gilid ng labi ko. Parang gusto kong magwala nang makita ang logo ng isang sikay na brand do'n, letsugas!
Pang-isang buwang sahod ko na ang halaga ng lintek na panyo na 'yon, gusto kong manlumo pero nang maamoy ko 'to ay parang gusto ko nalang ibulsa 'yon kaso ay ibinalik niya lang 'yon sa bulsa matapos akong punasan. Sayang!
"Kumain na tayo," suminghap muna siya bago lumayo sa akin. "Namumutla ka."
Agad akong nabuhayan, dali dali akong tumayo ng maayos at inayos ang sarili. Hahakbang na sana ako papunta sa kaniya nang may malanghad akong masangsang na amoy. Agad na lumaylay ang balikat ko dahil sa letsugas na kalat ko kanina, nakangiwi akong tumingin doon.
Nagtataka akong napamaang sa kaniya. "Paano 'to?"
Hindi namin pwede 'tong iwan dito baka makulong pa ako dahil lang sa lecheng suka! Nakakahiya naman kung ganoon, ngayon lang ata ako nakaramdam ng labis na hiya at dahil sa suka pa!
"I'll take care of it."
Siya na mismo ang lumakad papalapit sa akin at marahang hinawakan ang palapulsuan ko. Tahimik lang akong sumunod sa kaniya at parang papel na nagpatangay sa kaniya hanggang sa makarating kami sa elevator.
BINABASA MO ANG
Boss, Marry Me
RandomMorgan Gazakov was always been distant to other people, he never let anyone enter his chaotic life. With a beyond gorgeous faced and a greek god body, many women dwells over him but... he only wants the attention of his secretary. Simple lang naman...