Chapter 34

168 1 0
                                        

Chapter 34: Takbo

"Gosh! Ang beautiful mo talaga madam!"

Hindi ko siya nasagot dahil tila napako ang paningin ko sa salamin. Letsugas, hindi ako makapaniwala sa nakikita!

"Ang ganda mo po talaga, ma'am. Kunting make-up lang ang nilagay ko sa mukha mo kasi maganda ka na naman kahit walang ayos."

Peke akong naiiyak na napatingin sa maliit na babaeng make-up artist na naka-asign sa akin. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya o ano.

"Ate, anong kunti? Ang bigat-bigat na nga ng mukha ko." Letsugas na 'yan.

Ngumuso naman siya. "Mas matanda ka po sa akin at saka totoo ang sinabi ko. Siguro ay hindi ka lang po sanay maglagay ng make-ups."

Hindi na ako nakasagot dahil naunahan ako ng baklang hairstylist. Maarte pa itong kumendeng sa harapan ko saka maarteng hinaplos ang mukha ko.

"Si madam naman, kunwari pa, eh. Matamis itong ngumiti. "Kapag ako talaga pinagpala ng ganyang mukhang ay sasali talaga ako ng beauty contest. Kabog talaga silang lahat sa ganda mo, tih!"

Nginiwian ko naman siya. "Ang lakas mong mambola bakla, ah? Nasaan ba si uncle Moris at masabihan siyang bigyan ka ng malaking tip."

"Ayy!" Maarte pa itong suminghap. "Hindi tip ang kailangan ko, 'tih. Si Papa Moris mismo!"

Napailing pa ako nang para siyang sinapian na nagtitili matapos ay seryoso ulit siyang bumaling sa akin.

"Ayaw mo talagang maniwala, madam?" Tumaas ang kilay niya nang tumango ako. "Hala, Gail, iharap ito sa mahiwagang salamin, bilis!"

Nagtataka naman ako nang bigla nila akong hinila sa isang full length mirror, kanina kasi ay hanggang balikat lang ang kita niyon.

Nang tuluyan na nila akong maharap sa salamin ay pare-pareho kaming namangha sa nakita. Namangmangha sa hitsura ko, sila ay gandang-ganda pero ako ay hindi. Letsugas, parang wala namang nabago!

"Ang galing n'yo mga bakla." Tumango-tango ako sa kanila. "Pinagloloko niyo ko, e. Mukha ko pa rin naman 'to, letsugas!"

"Syempre ma'am, hindi naman kami doctor para palitan ang mukha mo kaya ikaw pa rin iyan." Bakas ang sarkasmo sa boses ng maliit na Gail.

"Ikaw talaga, madam! Hindi na kasi kailangan ng maraming kolorete ang mukha para gumanda kasi maganda ka na naman kahit wala ang mga 'yon, 'no." Segunda pa ng bakla.

Napabaling ulit ako sa salamin at tama nga sila. Hindi masyadong nakapal ang make-up na nakalagay sa mukha, ayos lang naman sa akin mas pabor pa nga ako sa ganito. Kahit manipis lang ay hindi maipagkakaila na mas pinatingkad nito ang mukha ko. Mahusay nga talaga ang maliit na Gail, parang gusto ko siyang sabitan ng medalya.

Hangang-hangang din ako sa paraan ng pag-ayos ng bakla sa buhok ko, tudo reklamo talaga ako dahil ang tagal niyang inayusan ang buhok ko. Isang mermaid braid inspired ang ginawa niya sa buhok ko pero may ibang twist siyang ginamit para magmukhang kakaiba, ang kasamang disenyo nito ay squin pearl hairpins lang na kumikislap kapag tumatama sa ilaw.

"Ang gagaling niyo, ah?" Baling ko sa kanila at nang hindi maniwala ay malawak akong napangiti. "Totoo, sulit ang limang oras na pag-upo ko diyan. Sumakit na't lahat ng katawan ko ay hindi pa kayo tapos pero sobrang ganda naman ng kinalabasan."

Pagkatapos kasi ng pag-uusap namin nila uncle at senyor Gaza ay nanatili na ako dito hanggang sa sumapit ang araw ng engagement party. Uuwi sana ako kaso ay hindi na ako pinayagan ni uncle dahil kinabukasan din naman gaganapin ang engagement party.

Boss, Marry Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon