Chapter 33: Imbitasyon
Napapikit ako nang tumama sa mukha ko ang preskong hangin ng naggagaling sa dalampasigan. Mapapangiti na lang talaga ako sa kalmadong kumikinang na dagat lalo na't gabi. Agaw tingin din ang malaking buwan na nagbibigay ng liwanag sa madilim na karagatan.
"Where have you been ba? Kanina pa ako naghahanap sa 'yo."
Nakangiwi akong humarap kay Beth, naramdaman ko ang bawat yapak niya kanina pero hindi ko siya magawang balingan dahil mas naagaw ng buwan at mahinahon na dagat ang atensyon ko.
"Hindi ka naman kasi nakinig kanina nang magpaalam ako," inismiran ko siya. "Bakit ka ba nandito? Akala ba'y may massage at foot scrub session ka?"
Nakasimangot na naupo naman siya sa tabi ko. "Isasama sana kita but you are here lang pala. Kanina pa kita hinahanap."
"Sinabi ko naman sa 'yong hindi ako sasama doon diba?" Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Ano bang nangyari sa 'yo at bakit lutang ka yata ngayong gaga ka?" Kung maka asta siya parang mas malala ang pinagdaanan niya sa akin. Kaninang umaga ko pa siya napapansin e, letsugas!
Napapadyak pa siya sa mapinong buhangin na parang bata. Hiyaan ko lang siya, sa huli ay natawa rin ako dahil lumilipad pabalik ang mga buhangin na pinagsisipa niya. Mas lalong nainis ang gaga nang kamuntikan na siyang mapuwing.
"I'm so inis talaga! That freaking Attorney is so annoying!" Inis na may kasamang gigil niya pang saad.
Napapabuntong-hininga naman akong nag-iwas ng tingin. "Pasensya na. Hindi ko naman kasi alam na pati ikaw ay gagambalain niya."
Sinadya ko talaga na tanggalin ang battery ng cellphone ko matapos makapagpaalam kina Mama. Kung alam ko lang na pati si Beth ay gagambalain ng mapangaasar na Travian na 'yon, edi sana pati cellphone niya ay pinapatay ko na rin.
"Kaya palagi siguro siyang nag-co-call sa akin because It's been four days na rin naman kasi since your three days leave, but it's fine naman with me."
Laking pasasalamat ko rin sa gagang 'to dahil sinamahan niya akong takasan ang magulong syunad, malapagpahinga sandali sa trabaho at higit sa lahat takbuhan ang katotohanan pero may hangganan ang lahat.
Nangaasar ko siyang binalingan. "Ano namang pinuputok ng butsi mo kung ganoon?"
Maarteng umikot ang mga mata niya. "Wala, annoying lang talaga siya."
Ngumisi lang ako sa naiinis niyang mukha saka bumaling ulit sa kawalan. Napatulala ako doon, naglalakbay na naman ang isip sa mga nakakainis na bagay. Nakakapagod ang ganito, gusto ko na lang na matulog, pagkagising ay maayos na lahat.
Malalim akong napabuntong-hininga, mas lalo 'yong lumalim nang magsalita ulit ang gaga. Kailan ba titgil ang bibig niya kakatalak? Letsugas.
"You know what, I think he's flirting at me. Can you imagine that? Kadiri! I don't like him kaya, 'no. Hindi ko nga alam kung saan niya na-find ang cellphone number ko..."
Hinayaan ko lang siyang magsalita tungkol sa walang kamatayan niyang inis kay Travian. Hindi kalaunan ay nalabaling din ako sa kaniya nang banggitin niya ang isang bagay na nagpaantig ng kuryusidad ko.
"... May nabanggit siya sa akin na, uncle Moris is fining you raw. I don't know what he's talking about, hindi ko naman kilala 'yon, but he said it's important daw."
Napaayos ako ng upo saka mataman siyang tinitigan. "Ano raw ang sabi ni uncle?"
Naguguluhan naman niya akong tinitigan. "Important nga raw. He didn't texted the details naman but I think that we should really need to go back na."
BINABASA MO ANG
Boss, Marry Me
Ngẫu nhiênMorgan Gazakov was always been distant to other people, he never let anyone enter his chaotic life. With a beyond gorgeous faced and a greek god body, many women dwells over him but... he only wants the attention of his secretary. Simple lang naman...