Chapter 28: Masamang Hangin
Bakit nga ba may mga bagay na hindi natin inaasahang mangyari? Minsan nagdudulot ito ng saya sa atin pero minsan nagsasanhi rin ito nang pagkasira ng araw natin. Nakakainis na ewan kapag naranasan mo 'yan pero kahit anong inis mo ay wala kanang magagawa kundi ang tanggapin ito at sumabay sa agos nito habang nananatiling nakatayo.
Mas masayang gawin ang mga bagay na hindi mo inaasahan kagaya na lang ngayon. Hindi ko inaasahan na sa kabila ng pagod ko ay nakita ko na lang ang sarili na nakasakay sa passenger seat ng kotse ni Boss.
Sobra akong nagulat kanina nang bigla niya akong inaya na lumabas sa isang sikat na Mall, letsugas kakatapos lang ng trabaho namin. Wala sana akong balak gumala ngayon dahil nakakapagod ang araw na 'to pero hindi naman ako makatanggi kaya wala rin akong nagawa at tahimik na lang na pumasok sa kotse niya.
"Ano ba kasi ang gagawin natin doon?" Humihikab na tanong ko pa.
Abala siya sa pagpapatakbo ng kotse niya kaya sumagot siya habang hindi tumitingin sa akin. "May bibilhin lang tayo, saglit lang naman."
Tahimik lang akong napabuntong-hininga habang sinandal ang buong katawan sa upuan dahil sa nararamdamang pagod.
Dalawang araw na rin pala ang lumipas simula noong may nangyaring gulo sa bahay namin. Noong gabi ring iyon ay umuwi na kami, umuwi kami matapos ayusin ang nangyaring gulo.
Nakakulong na rin ngayon ang mga walang hiyang nanghasik ng lagim sa amin, nabayaran na rin ang letsugas na utang ni Tatay kaya magaan ang puso na nakauwi kami nang matiwasay dito.
"You can take a nap for a minutes," nanunuyo pa niyang saad na mas lalong nagpaantok sa akin.
Umiling ako. "Ayaw ko. Sasakit lang ang ulo ko."
Naramdaman kong marahan niyang sinakop ang kaliwang kamay ko na nakapatong sa aking hita. Gamit ang mainit na malaya niyang kamay ay masuyo niya itong pinisil. Ang tikas nang dating ng loko dahil nakahiling ang kaliwa niyang kamay habang nagmamaneho at ang isa naman ay mahigpit ngunit malambing na nakahawak sa akin.
Muli niyang marahang pinisil ang kamay ko. "Hindi naman tayo magtatagal doon," ani pa niya sa mababang boses. "I made a plan for us today but I never expected that my schedule would be that hectic."
Bahagya naman akong natawa. "Iyan kasi, hindi mo man lang ako sinasabihan sa mga plano mo. Kita mo, parehas tayong pagod ngayon."
Ramdam kong gusto niya akong lingunin pero hindi niya magawa dahil matulin na tumatakbo na ang sasakyan niya sa high way, baka mapahamak kami pareho kaya naman sumagot siya habang hindi nakatingin sa akin.
"Don't worry baby, I'll let you rest later," bumuntong-hininga siya, "but if you're that tired... Iuuwi na lang kita."
Namangmangha naman akong napabaling sa kaniya. "Ayaw ko pang umuwi! Oo, pagod ako pero may plinano ka, e. Sayang naman 'yon, kaya ko pa naman saka wala namang pasok bukas kaya ayos lang."
Hindi talaga ako kakakatulog nang matiwasay kapag pinalampas ko 'to kaya kahit pagod ay hindi ko 'to aayawan.
Saglit niya akong nilingon. "Are you sure?" Puno ng pag-aalala ang boses nito. "Your health come first, baby."
"Ayos lang naman ako saka wala naman akong hindi nagustuhan sa pinagdalhan mo sa akin kaya tumuloy tayo doon." Ngumiti pa ako para mas kumbinsido.
Mayabang naman siyang ngumisi. "I'm glad about that."
"Ikaw, hindi ka ba napagod kanina? Sa dami ng ginawa mo, himala at nagawa mo pang magmaneho." Nangaasar ko namang saad habang nakangisi rin.

BINABASA MO ANG
Boss, Marry Me
CasualeMorgan Gazakov was always been distant to other people, he never let anyone enter his chaotic life. With a beyond gorgeous faced and a greek god body, many women dwells over him but... he only wants the attention of his secretary. Simple lang naman...