Chapter nineteen: Duyan
Ngayon ko lang naisip na mas mabuti palang mamuhay ng tahimik 'yung tipong napapaligiran ka ng nagbeberdihang mga puno, preskong simoy ng hangin at higit sa halat simple ngunit mapayapang kapaligiran. Hindi katulad sa siyudad, nandoon nga halos lahat ng pagbabagong dulot ng sibilisasyon pero kulang naman sa kapayapaan, masyadong magulo.
Habang nakahiga sa duyan at pinagmamasdan ang paligid ay hindi ko maiwasang piliin na tumira at manatili dito pero nakakainis, gustuhin ko man ay hindi ko magawa dahil may mga responsibilidad akong dapat gampanan.
Napabuntong-hininga naman ako saka napabaling sa may pintuan nang matanaw na naglalakad papalapit si Boss sa puwesto ko. Kahit nagtataka ay kinawayan ko pa rin siya. Akala ko ay sasama siya kila Mama na mamasyal doon sa bagong bukas na perya, kaya nakapagtataka na nandito pa rin siya kasi kanina pa sila nakaalis.
"Hey," namulsa siya nang makarating sa harapan ko.
"Hindi ka sumama?"
"Hindi ka sumama kaya hindi rin ako sumama." Nagkibit balikat pa siya.
Napamaang naman akong napaupo.
"Dapat sumama ka! Ang saya pa naman doon."Hindi kasi ako sumama dahil masakit ang tiyan ko, hindi ko lang sinabi baka mag-alala sila at saka hindi naman ganoon kalala. Pabalik-balik ako sa palikuran kaya mahirap na't baka mag-dumi pa ako nang wala sa oras doon.
"I like it here," at wala siyang pasabi na naupo sa tabi ko! "because you're here."
Hindi naman ako nakaimik doon, letsugas ano bang sasabihin ko? Imbis na magsalita ay nahiga ulit ako.
"Urong ka, Boss," pilit ko namang siniksik ang katawan sa may likuran niya. "Hihiga ako kaya urong ka ng 'unti."
Hindi naman siya nagsalita at tahimik lang na tumayo na lihim kong pinagpasalamat. Ngingiti na sana ako kaso nga lang ay nauwi sa ngiwi dahil letsugas siya naman ngayon ang pilit na pinagsisiksikan ang sarili sa tabi ko kaya naman ang kinalabasan ay pareho na kaming nakahiga.
Hindi naman masikip kasi medyo maluwag-luwag din itong duyan. Ang sarap ngang magbabad dito ngayon dahil hindi masyadong mainit at maraming ulap ang tumatakip sa sinag ng araw. Pinili ko talaga na magpahangin dito kasi masyadong mapayapa kaso nga lang ay ginambala naman ng unggoy na 'to, 'kainis.
"Bakit ka nga hindi sumama, Boss?" Hindi ko pa rin sinukuan ang tanong na 'to, hindi ako naniniwala sa sagot niya.
"I already answered that," ramdam kong nakatingin siya akin pero hindi ako lumingon.
"Mali naman sagot mo," sumimangot ako para itago ang kabang nararamdaman ko, letsugas.
"We both know what the answer is."
Tumahimik na ako at hindi na sumagot. Nakakailang ang katahimikang bumalot sa amin o ako lang ang naiilang dahil ang loko ay ramdam ko pa rin ang titig niya pero kahit ganoon ay pinili ko nalang na hindi siya pansinin, minsan kulang pa naman siya sa pansin.
Nakuntento lang ako sa pagmamasid sa mga ulap na tinatanggay ng hangin, minsan pa ay napapahagikhik ako tuwing may nabubuong nakakatawang imahe doon. Naaala ko pa noon na ito ang madalas kong gawin tuwing nag-aaway ang Nanay at Tatay ko, hindi kailan man sila nagkasundo ng totoong Nanay ko kaya kapag nalulungkot ako ay ito ang isa sa mga ginagawa ko upang maibsan ang kalungkutan na nararamdaman noon.
"Boss?" hindi tumitingin sa kaniya na sabi ko.
"Hmm?"
"Ano ang ginagawa mo tuwing nalulungkot ka?" wala sa sarili kong tanong, nakakabaliw na kasi ang katahimikan kaya nagtanong ako.
BINABASA MO ANG
Boss, Marry Me
AcakMorgan Gazakov was always been distant to other people, he never let anyone enter his chaotic life. With a beyond gorgeous faced and a greek god body, many women dwells over him but... he only wants the attention of his secretary. Simple lang naman...