Chapter Nine: Office Table
"You know what? I'm so tired of everything!"
Nakahawak ako sa labi ko at parang tangang nakatulala, hindi pa rin ako maka-move on sa halik ni Boss. Kahit anong gawin ko ay hindi 'to mawala sa isip ko.
"Sobrang nakakapagod kaya ang ginagawa ko, then, they will just treat me like that? What an assholes!"
Ang malalambot at mapupula niyang labi na kakaiba kung humagod sa labi ko, may dalang init pero may kasama ring tamis. Napakagat labi ako at napahawak pa sa labi, letsugas!
"You are not listening to me naman, e!"
Nagising lang ako sa pantasya nang biglang sumigaw ang kaharap ko. Nagkasimangot ang mukha ng kaibigan ko ang nalingunan ko. Para siyang bibe na galit, natawa tuloy ako na mas lalo niyang kinagalit.
Maarte siyang umirap sa akin. "I knew it! You were fascinating about someting erotic. Mukha kang hinalikan d'yan."
Mabilis akong umiling. "Gaga! Hindi, ano ka ba?"
Halangan naman sabihin kong hinalikan lang naman ako ng Boss ko. Paniguradong mag pa-party talaga ang gagang 'to. Gustong gusto pa naman niyag magka-boyfriend na ako, kasi daw masyado na akong matanda. Mas atat pa 'to kaysa sa akin, e, ang sarap tuloy niyang lagyan ng bangs sa batok, siguradong magwawala talaga ang gagang 'to.
"Kanina pa ako salita ng salita tapos hindi ka naman nakikinig." Nakasimangot niyang saad.
Letsugas kasi si Boss, e. Kasalanan niya talaga 'to. "Oh, sige na. Magkuwento ka na, makikinig na akong gaga ka."
Nandito kami ngayon sa isang coffe shop na malapit sa isang sikat na mall. Nalaman ko na nandito pala ang kaibigan ka kaya naman nang-aya siyang lumabas wala naman akong gagawin kaya pumayag ako. Hindi nga lang ako nagpaalam kay Boss dahil wala naman siya kagabi at kaninang umaga.
Matapos niya akong baliwin sa halik niya ay iniwan niya ako dahil may importante daw siyang gagawin, letsugas talaga! Hindi naman sa nagrereklamo ako dahil mas pabor pa nga sa akin 'yon. Mahimbing akong nakatulog dahil walang cobra na gising sa gabi.
"Let's not talk about me since you are not listening," nainis na nga ang gaga. "Let's talk about you instead."
"Teka, bakit napunta sa akin ang usapan? Ibalik mo sa 'yo, interesado ako, e." Mapapahamak pa ako sa gagang 'to.
"As if," at umikot pa talaga ang tsokolate niyang mga mata. "Any way, I'm so tired."
Napabuntong hininga naman ako dahil ito palagi ang linyahan niya tuwing nagkikita kami. "Edi, umalis ka na sa trabaho mo kung ganoon."
"No way!" Exaggerated naman siyang umiling. "I can't imagine myself not being Zamora Alcatraz. I can't lose the spot light."
Isa kasi siyang model, artista at designer. Ang daming propesyon ng gaga, hindi kayang bitawan ang isa kaya tuwing nagkikita kami panay ang reklamo. Sa dami ba naman niyang trabaho syempre lupaypay talaga siya pag-uwi.
"Para sa akin naman, ikaw pa rin si Beth," ngumisi ako nang ngumiwi siya. "Ang kalaro ko noon."
"Eww!" Ang arte talaga ng gaga. "Stop calling me with my first name. It's so kadiri kaya."
Humagalpak naman ako ng tawa dahil para siyang daga doon sa apartment ko. Kapag nakukulong sa bitag na nilalagay ko ay gan'yan na gan'yan ang mukha, nakabusangot na matalim ang tingin sa akin, pero sa kaniya ay mas malupit!
"Anong masama sa pangalan mo? Mas masagwa ng 'yong sa akin, e." Pero gusto ko naman ang pangalan tuwing si Boss ang tumatawag, kakaiba may hagod sa dibdib. Teka! Bakit ba bigla bigla siyang pumapasok sa isip ko? Letsugas na 'yan.
BINABASA MO ANG
Boss, Marry Me
De TodoMorgan Gazakov was always been distant to other people, he never let anyone enter his chaotic life. With a beyond gorgeous faced and a greek god body, many women dwells over him but... he only wants the attention of his secretary. Simple lang naman...