Chapter Eleven: Dalampasigan
"Uuwi na lang ako," nakasimangot ako habang naglalakad siya papalapit sa akin.
Ang ganda na sana ng suot ko kaso palpak naman ang lugar na 'to, paano ba naman isa 'tong bagong branch ng GWR, kalahati palang ang pwedeng pasyalan at bakasyunan dito. Kaya naman mga trabahante lang niya ang nandito, may mga construction worker at 'yung iba ay mga resort crew tapos marami rami rin ang turista. Isang malaking 'out of place' talaga ang suot ko! Letsugas!
"Why?" Humawak siya sa braso ko. "You look good on your dress."
Nagbibiro ba siya? "Kasalan mo talaga 'to, e."
Nguguluhan pa talalang tumingin sa akin ang loko. "What did I do?"
"Hindi mo kasi sinabi sa akin kung saan tayo pupunta! May pasabi-sabi ka pang 'wear something formal', ah?!" Sa apat na taon kong naging secretary niya ay ngayon ko pa lang siya nagsigawan ng ganito, letsugas!
Naninimbang naman niya akong tinitigan. "I just said that because I don't want you to wear something daring."
Napapangiwi ko siyang inismiran. "Ha! Anong akala mo nagsusuot ako ng ganoon?"
"Baby," yumapos naman ang matigas niyang braso sa bewang ko. "I might kill someone if you try wearing those fucking two piece swim suit shit."
Inaamin ko nagsusuot ako ng ganoon lalo na't gustung-gusto kong magtampisaw sa dagat pero ngayon parang ayaw ko ng gawin, lalo na at wala pa man pero bakas na ang galit sa mukha ng loko.
"Hindi naman ako nagsusuot ng ganoon," hindi kapag hindi pamilya at kaibigan ang kasama ko pero syempre hindi ko 'yon sasabihin sa kaniya. Hindi ako papayag na pagbawalan niya ako!
Bahagya siyang nakahinga ng malalim. "Mabuti naman."
Napatili naman ako ng bigla niya akong pinangko kaya napahawak ako ng mahigpit sa leeg niya. "Boss!"
"Don't move," ani niya sa seryosong boses.
Noong una ay nagtaka pa ako kung bakit niya ako pinangko pero nang makita ang mga buhangin sa palagid ay parang gusto kong hampasin sa ulo ni Beth gaga ang stiletto na 'to. Walang 'ya naman! Nagsisi na talaga ako kung bakit ko 'to sinuot.
Swabe lang siyang naglalakad papunta sa hotel niya na para bang sobrang gaan ko lang na hindi naman totoo dahil sa sobrang lakas ko ba namang kumain.
Habang nagalalakad siya ay hindi ko mapigilang pagmasdan ang mukha niya. Totoong sobrang gwapo ni Boss, matangos ang ilong, may mamula mulang labi, perpektong panga at magaganda ngunit malalim kung timitig na mga mata.
Gusto kong himatayin sa tuwa dahil na isip ko na ang suwerte ko pala ngayon dahil ang kinababaliwan ng mga pusit sa gilid gilid ay paniguradong maiingit talaga sa akin! Minsan lang ako makaranas na pangkuin kaya naman mas lalo akong kumapit sa mga leeg niya kaya napaangat ng kunti ang mukha ko at lestsugas! Ang bango ng leeg ni Boss!
Para akong tanga na napatulala sa mukha niya, noon kasi hindi ko naman pinagtutuonan ng pansin ang amoy niya kaya nagulantag talaga ako! Hindi pa ako nakuntento kaya mas inangat ko pa ang sarili at mas sininghot ang nakakaliyo niyang amoy, sinubukan ko ring amuyin ang kili-kili niya baka kasi iba ang amoy pero mali pala ako dahil nakakaliyo din ang amoy nito.
Letsugas, pati 'ata singit nitong lokong 'to mabango, gusto ko rin sanang amuyin kaso baka tuklawin ako ng cobra kaya nakuntento nalang ako sa kakasinghot sa leeg niya. Inilapit ko pa ang ilong ko sa leeg niya hanggang sa maramdaman ko na tumama ang ilong ko sa leeg niya dahilan kong bakit siya napatigil, agad naman akong tumingala sa kaniya pero letsugas talaga! Nakatingin pala siya sa akin at siguro ay kanina niya pa ako tinitignan!

BINABASA MO ANG
Boss, Marry Me
AcakMorgan Gazakov was always been distant to other people, he never let anyone enter his chaotic life. With a beyond gorgeous faced and a greek god body, many women dwells over him but... he only wants the attention of his secretary. Simple lang naman...