Chapter 27

180 0 0
                                        

Chapter 27: Lumang Tirahan

Kagat labing tumalikod na ako at naunang naglakad papalabas ng bahay. Ayaw kong makita niya ang letsugas kong mukha na parang maiihi sa letsugas na kilig!

"Bilisan mo, Boss. Mag-aabang pa tayo ng tricycle diyan sa kanto," saad ko habang hindi siya nililingon.

Kahit na nauna ako ng bahagya sa kaniya ay walang kahirap-hirap niya pa rin akong naabutan. Patay malisya naman akong nagpatuloy sa paglalakad habang naka-akbay na sa balikat ko ang isa niyang braso.

"I have a question." Maya maya'y ani niya.

Tumingala naman ako para matanaw ang seryoso niyang mukha. "Ano bang itatanong mo?"

Nangaasar siyang ngumisi. "Is your suitor's more handsome than me? I guess, your answer would be a 'No'."

Natatawa naman akong nag-angat ng kilay sa kaniya. "Nahawa ka na siguro sa  kahangin ng kaibigan mo."

"So, you're saying that he's more handsome than me?" Bakas na ang inis sa mukha ng loko, isang pitik pa ay talagang sasabog na siya.

"Bakit mo ba ikinukumpara ang sarili sa kaniya?" Salubong ang kilay na tanong ko.

Nag-iwas naman siya ng tingin. "I am not."

"Ewan ko sa 'yo." Nagpigil ako ng tawa. "Hindi mo naman kailangan ikumpara ang sarili sa hilaw kong manliligaw dahil sa iyo lang naman ako titingin. Sa hitsura at ugali mong 'yan? Hibang lang ang babalewala sa isang tulad mo. Huwag kang mag-aalala, hinding-hindi na ako makukuha ng iba sa 'yo, Boss."

Ang pinipigilan kong tawa kanina ay bahagyang kumawala nang hindi na siya makatingin sa akin. Mas natawa pa ako nang mapansin na medyo namumula ang tenga niya.

Nakasimangot tuloy siyang bumaling sa akin. "Ako dapat ang bumabanat ng ganiyan para kiligin ka pero... Damn, baby. The table has been turned."

Mas lalo akong humagalpak ng tawa nang makitang mas lalong namula ang tenga niya. Hindi ko naman alam na matatamaan siya sa walang kwenta kong banat, gasgas na gasgas na nga 'yon.

Habang tawang-tawa ako ay tudo simangot naman siya sabay mariin minumura ang sarili. Ganoon tuloy ang eksena namin habang lulan ng tricycle papunta sa bahay namin noon.

Ang loko ay sinukuan na ang tanong niya tungkol kay Simon. Natakot sigurong matunaw sa baduy kong banat, letsugas.

"Tao po!" Pang-ilang katok ko na 'to pero wala pa ring sumasagot.

Pagkarating namin dito ay walang pagalinlangan akong pumasok at kumatok. Kahit paano ay kilala at naalala pa naman ako ng mga tao dito kaya ayos lang na pumasok kahit walang paalam.

Inis kong kinatok ulit ang pintuan, mas malakas. "Letsugas, may tao ba dito?"

Natigil lang ako sa pagkatok nang hinawakan ni Boss ang kamay ko at marahang hinila ako papunta sa gilid niya.

"Wala yatang tao dito, sasakit lang ang kamay mo kakakatok."

Hindi ko na magawang tumutol sa seryoso niyang boses. Nagpatinaod naman ako nang inakay niya na ako papalabas sa loob ng bakuran doon.

Napapabuntong-hiningang tumingala ako sa kaniya.  "Magtatanong ako, baka alam nila kung nasaan si Tatay."

Hindi naman basta-bastang umaalis ng bahay si Tatay. Sa ganitong oras ay nasa bahay lang siya kaya nakakapagtaka na wala siya doon. Bago pa ako tuluyang makapagtanong ay nilapitan na kami ng amiga noon ni Mama.

Boss, Marry Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon