Chapter Thirteen: Pauwi
Tahimik lang ako habang nakaupo sa pang-isahang maliit na couch, tikom ang bibig dahil sa takot. Natatakot ako hindi dahil sa mga walang hiyang flying ipis kundi dahil sa taong nasa harapan ko!
Matunog siyang ngumisi. "Iniiwasan mo na ako ngayon, huh?"
Hindi naman ako nagsalita at inosenteng tinitigan lang siya. No'ng lumapit kasi siya sa akin kanina ay dali-dali akong umiwas at tumakbo paupo dito. Syempre, ikaw ba naman puntahan ng galit na tao at mukhang ano mang oras ay gigilitan ka ng leeg, tatakbo ka talaga palayo. Letsugas na 'yan!
"Talk to me, Damn it!" puno ng frustration niyang sabi.
Napaurong pa ako sa kinauupuan nang umupo siya sa kaharap kong couch, mas malawak doon, at gigil niyang sinabunutan ang buhok. Imbis na makaramdam ng takot ay mas namangha pa ako, letsugas ang gwapo niyang tignan doon!
"Paano ka nakapasok dito?" Para bumalik sa katinuan ay nagtanong nalang ako.
"Mahalaga ba pa 'yon?" Napatiim bagang siya.
"Bakit ka nakapasok?" Bawal siya dito dahil para sa mga babae lang ang apartment na 'to at nakakakapagtaka lang na pinayagan siyang makapasok ng guard dito, isali mo pa ang masungit na land lady namin.
"It doesn't matter. I'll buy this damn apartment, anyway." Pagod siyang humiling sa sandalan.
Nangangapa ko naman siyang tinignan, hindi malabong mabili niya 'to pero letsugas! Bakit niya 'to bibilhin? Wala naman akong problema do'n mas pabor pa nga kasi wala ng land lady na bumubuga ng apoy pero ang kaalamang siya ang magmamay-ari ng bahay na tinutuluyan ko ay hindi komportable sa pakiramdam!
"Baliw ka na 'ata Boss, nahawa kana yata kay Jude," wala sa sarili kong sabi pero pinagsisihan ko rin sa huli dahil...
"Who is that fucking bastard?" mas lalo siyang nagalit!
"Wala 'yon," umiwas ako ng tingin at tumayo. "Asong gala lang 'yon sa kanto." Sorry Jude, pero mukha naman siyang asong gala kaya ayos lang naman siguro 'yon.
Naglakad ako papunta sa pinto at binuksan 'yon. "Umuwi ka na, Boss. Lumalalim na ang gabi baka abangan ka ng adik d'yan sa kanto."
Gusto ko na siyang umalis dahil bukod sa inaantok na ako ay totoo 'yong sinabi ko, may mga baliw na adik sa kanto baka mapahamak siya at kargo ko pa siya, 'no. Isang dahilan din ay may gusto akong iwasan na usapan, letsugas pagod na akong mainis.
"Tinataboy mo ako?" Kung galit siya kanina ay mas lalo yata siyang nagalit!
"Boss, hindi," pagod ko siyang tinignan. "Pagod ako, Boss. Umuwi ka na."
Nang hindi siya kumilos ay ako na mismo ang lumapit sa kaniya at hinila siya, hindi naman siya nagpabigat kaya mabilis ko lang siyang naitayo. Mas lalo tuloy akong nanliit sa height ko, letsugas hanggang dibdib lang niya ako!
"I don't want to go," marahang sabi niya na nagpapikit sa akin.
Marahan akong napatingala dahil may kakaiba akong amoy na nasinghot, suminghot pa ako at agad na tinakpan ang ilong! "Letsugas! Amoy alak ka, Boss."
"So, you are," umigting ang panga niya.
Ngumuso naman ako. "Dalawang shot lang ang ininum ko, 'no. E, ikaw? Lasing ka na siguro." kaya pala sumuray siya kanina!
"I'm not drunk," namungay ang mga mata niya.
"Kung ganoon, halikana, umuwi ka na." Hindi daw lasing pero ang mga mata ay nagpapakita na lasing na siya, baliw talaga!
BINABASA MO ANG
Boss, Marry Me
РазноеMorgan Gazakov was always been distant to other people, he never let anyone enter his chaotic life. With a beyond gorgeous faced and a greek god body, many women dwells over him but... he only wants the attention of his secretary. Simple lang naman...