Chapter 21

187 0 0
                                        

Chapter 21: Away

"Fina, aba'y gising na! Kailangan ko na ang bayad mo ngayong buwan."

Naiinis akong bumangon at kinuha ang bag ko. Umagang-umaga ay ang bunganga agad ng land lady ang gumising sa akin. Letsugas, wala pa yatang alas sais ng umaga nanggagambala na siya.

"Ito na po," nakapikit kong inabot sa kaniya ang bayad ko. "Nakalimutan kong ibigay kahapon kaya pasensya na."

Pagkatapos kasi naming dumating ay deretso tulog na ako kaya hindi na ako nakabayad. Gabi na rin kasi kami nakarating dito ni Boss matapos ang dalawang linggong pahinga namin.

"Alam mo namang walang limut-limot sa akin. Ang sabog pa ng mukha mo, hindi ka man lang nag-ayos. Diyos ko namang bata ka."

Panay tango lang ako sa pinagsasabi niya hanggang sa tuluyan na siyang napagod. Inis ko namang ginulo ang buhok. Gusto ko pang matulog pero naalala ko na may trabaho pa pala ako.

Wala akong sinayang na oras at binilisan na ang kilos. Nayanig pa ang mundo ko matapos maligo dahil ang lamig ng tubig para tuloy akong sisiw na nanginginig, letsugas.

Hindi pa ako nagbihis dahil inayos ko pa ang mga gamit ko na hindi ko nagawang ayusin kagabi habang nagsisipilyo kaya naman nang may kumatok ulit ay naka-roba lang ako habang nasa bunganga ang sipilyo, bumili kasi ako ng roba dahil nagangati ako sa tuwalya.

Tamad pa akong naglakad papunta sa pintuan dahil alam ko namang si Aling Baby na naman 'to. Ang sagwa talaga pakinggan ng pangalan niya, e ang laki ba naman niyang babae kaya hindi bagay sa kaniya kaya nga hindi ko siya tinatawag sa pangan niya dahil matatawa lang ako.

"Ano na naman po ang kai-"

Hindi ko na tapos ang sasabihin sana dahil si Bengie agad ang bumungad sa akin na hawak ni Boss! Muntik ko na tuloy malunok ang sipilyo!

"Anong ginagaw mo dito?" Talagang nawindang ako, bukod sa nagulat ako ay puno pa ng bula ang bibig ko, nakakahiya!

"Hindi mo man lang ba kami papasukin?" masungit pa niyang sabi.

Hindi ko na sila nagawang papasukin dahil ramdaman ko na tutulo na ang bula sa bibig ko. Iniwan ko na lang na bukas ang pinto bago tumakbo sa lababo at tinapos ang naudlot na pagsisipilyo.

Nang matapos ay agad akong humarap at nawemang sa harap niya.
"Bakit ka nga nandito, Boss?"

Kalong na niya ngayon ang batugan na pusa habang nakaupo sa pang-isahang couch. "Para iuwi siya dito."

"Puwede naman na mamaya mo na siya ihatid, naistorbo ka pa tuloy."

"I think you should change." Umiwas naman siya ng tingin.

Nagtataka naman akong napatingin sa suot at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makitang natanggal na pala ang paglakabuhol ng tali nito sa may badang dibdib ko. Lumitaw tuloy ang skin tone kung bra, letsugas!

Walang pasabi ko siyang iniwan doon, nanakbo talaga ako papasok sa loob ng kuwarto ko. Agad naman akong nagbihis dahil ayaw ko naman na paghintayin siya doon.

Suot ang madalas kong suotin na corporate attire ay humarap na ako a salamin at pinasadahan ng tingin ang sarili. Isang black pencil skirt at white  top na pinarisan ng black women coat ang suot ko.

Hindi na ako nagagay ng maraming kolorete sa mukha, simpleng pulbo lang at matte lipstick ay ayos na ako. Nang makuntento ay lumabas na ako habang bitbit ang hand bag ko.

"Boss?" napatingin pa ako sa suot na relo. "Alis na tayo?"

Pinasadahan muna niya ng tingin ang kabuuhan ko bago tumayo. "What about him?"

Boss, Marry Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon