Chapter 31

155 0 0
                                        

Chapter 31: Litrato

Sa buhay natin... Minsan may mga bagay talaga na nagtatagal, ito 'yung mga bagay na matatawag mong pangmatagalan ngunit may hangganan. Minsan din mayroong hindi nagtatagal, mga bagay na panandalian lamang.

Sabi nila, 'Walang permanente sa mundo' pero mali sila dahil mayroon. Hindi man natin madalas napapansin ngunit nariyan lang pala ito sa paligid, nananatili at patuloy na nagtatagal.  Ang isang bagay na maaring manatili sa mundo ay ang pagbabago, lahat ng bagay ay nagbabago.

Minsan ikakasaya natin ang nararanasang pagbabago pero minsan hindi natin namamalayan na ikakasira rin pala natin ito. Para akong negosyanteng nalugi, daig ko pa ang mga daga na walang tirahan sa hitsura ko ngayon.

Tama nga sila, ang bilis ng oras kapag masaya ka. Hindi bawat araw masaya kang gigising, minsan kailangan mo ring masaktan para mamulat sa totoong kasiyahan.

Tulala ako habang lulan ng elevator, hindi iniintindi ang mga pusit na nagtsi-tsismisan sa gilid. Mabuti pa ang mga pusit na 'to parang walang mga problema sa buhay, samantalang ako... letsugas.

Nang tumunog na ang Elevator ay agad akong lumbas at laglag ang balikat na naglalakad papunta sa table ko. Ang table ko na noon ay nasa loob  nakalagay pero ngayon mas pinili kong sa labas na lang ito manatili lalo na't wala naman sa loob ng opisina ang dahilan kung bakit ito nalipat sa loob.

Kahit para akong pinagsakluban ng langit at lupa na para bang kay bigat ng pasanin ko sa mundo ay mas pinili kong magpatuloy. Ganiyan naman talaga ang buhay, hindi ito titigil dahil lang may pinagdadaanan ka.

Kahit na pakiramdam mo na pasan mo ang mundo ay hindi ito dahilan para huminto at tumigil ka dahil may umaasa sa iyo. Kung titigil ka ay hindi lang ikaw ang maaapektuhan kundi pati na rin sila, ang mga taong umaasa sa iyo.

Nagpatuloy ako sa pagtatrabaho at laking pasasalamat ko dahil nagagawa ko naman ito ng maayos. Habang abala sa pag-che-check ng mga email  ay biglang tumunog ang intercome sa gilid.

Tamad ko naman itong sinagot. "Bakit po, Sir?"

Tumawa naman ang nasa kabilang linya. "Don't call me Sir, I'm not your professor."

"Oh, e, ano namang gusto mong itawang ko sa 'yo? Boss? Ganoon?"

Malakas ang loob kong pagsalitaan siya gamit ang sarkastikong tono, hindi naman nagagalit ang baliw, tuwang tuwa pa nga.

"No thanks," humalakhak ulit siya. "Baka mabalian ako ng buto niyan."

Huminga ako ng malalim. "May kailangan ka po ba? Busy ako dito, e."

Naiinis talaga ako kapag kinakausap siya, panay ang banggit ng baliw kay... ay letsugas na 'yan. Inis kong ginulo ang buhok.

Tumikhim muna siya bago nagsalita sa pormal na tono. "Come here, I have to discuss something important to you."

"Copy, Sir."

Tumayo na ako at mabigat ang loob na pumasok sa loob, ganito naman palagi. Tuwing pumapasok ako dito ay parang may kamay na sumasakal sa puso ko, nahihirapan akong huminga. Hanga rin ako sa sarili ko dahil nagawa ko pang ngumiti ng malawak nang natuon ang atensyon niya sa akin.

"Stop that's smile, it's creepy."

Napasimangot naman ako at padabog na naupo sa kaharap niyang upuan habang siya ay nakaupo sa swivel chair.

"Oh, ano? May iuutos ka na sa akin?"

Simula kasi nang siya ang naging Boss ko dito ay bihira lang niya akong utusan, ayaw akong utusan ng baliw sa hindi ko malamang kadahilanan. Sa loob ng isang buwan ay wala akong ginagawa dito at hindi 'yon nakatulong sa akin dahil mas lalo lang ako nitong binibigyang laya na mag-isip ng kung anu-ano, nakakainis!

Boss, Marry Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon