Chapter 22: Lunch time
Hindi pa rin ako nagsalita at tahimik lang na nagmamasid sa kaniya na matamang nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, labis din akong naguguluhan at higit sa lahat parang baliw ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog nito, letsugas.
"B-baka late na tayo, Boss," walang hiya nautal pa ako.
Tumitig muna siya sa akin ng ilang minuto bago himinga ng malalim na para bang kay bigat ng iniisip at nararamdaman niya.
"H'wag ka munang lumabas."
Nalito pa ako kung anong gagawin niya 'yun pala ay pinagbukasan niya ako ng pintuan, tuliro tuloy akong lumabas.
"Sa main entrance ako dadaan, Boss." Malapit lang kasi doon ang elevator.
"Doon din ako dadaan," balewang sabi pa niya.
Bigla naman akong kinabahan nang nauna na siyang magalakad, hindi puwede na makita nila kami na magkasamang pumasok! Kahit kailan ay hindi ko pa siya nakasabay na pumasok dito kaya magtataka talaga sila at ayaw kong may masabi silang masama kay Boss. Wala naman akong pakialam sa sasabihin ng iba pero ibang usapan na kapag kay Boss, masisira ang imahe niya kapag nagkataon at dahil sa akin pa.
Bago pa siya tuluyang makalayo ay pinigilan ko na siya. "Dito na lang pala ako sa likod dadaan, Boss."
Kunot ang noo siyang bumaling sa akin. "Let's go there, then."
Walang lingon ko siyang tinalikuran at mabilis na naglakad papasok. Gustuhin ko mang tumakbo ay hindi ko magawa dahil para naman akong tanga no'n, lalo na't may nakakasalubong akong katrabaho. Kapag nakaksalubong ko ang iba ay binabati nila ako, pero may iba rin na walang pakialam. Matapos ay lalagpas ang mga tingin nila sa likuran ko at magkukumahog na babatiin ang may-ari ng kompanya.
Sino nga bang mag-aakala na ang Chief Executive Officer ng Gazakov Empire ay dadaan sa likuran ng sarili niyang kompanya? Dahil letsugas may sarili siyang daan papasok sa opisina niya nang wala nakakadaan na iba at may sariling elevator pa nga!
At sinong mas mag-aakala na nasa tabi ko na siya ngayon habang sinsabayan ang mabilis kong paglalakad? Letsugas talaga.
"Why the fuck are you walking so fast?" mahina ngunit malutong na sabi pa niya.
Napalinga-linga pa ako sa paligid nang makita na wala namang nakatingin ay nahina akong bumulong. "H'wag kang magpahalata na magkasama tayo, Boss."
"Bakit?" ramdam ko ang gigil niya nang magsalita. "Ayaw mong makita nilang magkasama tayo?"
"Basta," mas pinahina ko pa ang boses nang may lumingon sa giwi namin, dumistansya rin ako ng kaunti.
"That's not a fucking answer," inis niya pang dagdag. "Kinakahiya mo ba ako? Kaya ayaw mong makita nila tayong magkasama dahil ikakahiya mo ako."
Nakanganga akong napatigil. "A-ano bang pinagsasabi mo? Hindi naman 'yun ang ibig kong sabihin."
Hindi siya nagsalita at nag-iwas lang ng tignin habang ako ay nangangapa pa rin sa kaniya. Ayan na naman ang ugali niyang hindi nahuhulaan! Ayaw na ayaw ko talagang manghula kaya bahala siya kung ano ang isipin niya diyan.
"Doon ka ba sa private lift mo sasakay?" Kahit na inis ako sa kaniya ay nagawa ko pa rin siyang tanungin.
"Yeah," nakapamulsa niyang sabi.
Lihim naman akong ngumisi doon dahil nataw ko na ang elevator, ibig sabihin ay hindi siya sasabay sa akin kaya makakatakas na ako sa mga mapanuring tingin ng mga katrabaho ko. Akala nila hindi ko sila napapansin pero sa totoo lang ay ang sarap nilang tirisin.

BINABASA MO ANG
Boss, Marry Me
RandomMorgan Gazakov was always been distant to other people, he never let anyone enter his chaotic life. With a beyond gorgeous faced and a greek god body, many women dwells over him but... he only wants the attention of his secretary. Simple lang naman...