Chapter 39: Pagbabati
Napapabuntong-hininga kong tinanaw ang labas. Muli akong napabuntong-hininga nang unti-unting naglaglagan ang mga maliliit na butil ng pagpatak ng ulan. Napapapikit ako sa tuwing kumikislap ang mga makulimlim na ulap tuwing kukulog nang malakas. Letsugas, ang malas ko naman yata ngayong gabi?
Bakit ko naman kasi singot ang tawag na 'yon? Wala sana ako sa sitwasyon na 'to, letsugas talaga!
"Boss, 'wag kang matulog diyan." Inalog ko ang balikat niya pero hindi man lang gumalaw ang loko. Ang sarap tuloy niyang hambalusin. Matapos niya akong sukahan ay humandusay na siya sa waiting shed, mabuti na lang at nakaabot pa kami dito.
"Manong, para po!"
Gusto kong yakapin si manong nang huminto siya sa harapan namin. Pang-pitong taxi ko na 'tong pinara na, maswerte kami at walang laman. Uwing-uwing na talaga ako. Ang sagwa na rin kasi ng amoy ng damit ko, hindi na kinaya ng katamtaman kong ilong. Nadamay pa ang pobre kong jacket at natapon pa sa basuran, letsugas na 'yan.
"Salamat ho."
Hirap na hirap akong isakay ang loko sa loob. Kung hindi lang talaga ako tinulungan ni manong baka iniwan ko na siyang nakahandusay diyan. Ayaw ko na talagang mapalapit pa sa kaniya dahil tanggap ko na na ito ang kilabasan ng relasyon namin. Dumagdag pa talaga ang letsugas na eksena namin noon sa bar. Hindi na talaga ako iinom ng alak kahit na magunaw man ang mundo. Hinding-hindi na talaga ako uulit, letsugas ngayon ko lang naalala ang mga kabaliwang pinagsasabi ko noon.
Saan kaya ako kumuha ng kapal ng mukha noon, sa sobrang kapal ng mukha ko nagawa ko pa siyang ayain ng kasal. Letsugas, handa na akong lamunin ng lupa ngayon! Dapat nga eh noon pa, ang lakas ng apog ko magpakita sa kaniya na parang wala lang matapos nang ginawa ko. Pero kahit ganoon, na-realized ko na parang wala lang din naman sa kaniya 'yon. Kaya ko nga hindi maalala kasi walang nagpaalala sa akin. Ang lungkot lang isipin na parang wala na siyang pakialam sa akin.
Ako naman ang unang bumitaw pero bakit nasasaktan ako ng ganito?
Malalim akong napabuntong-hininga nang matitigan ng husto ang mukha niya. Gusto kong sapukin ang ulo niyang naka-unan sa hita ko. Baka kapag sa ganoong paraan matauhan siya at magpaliwanag sa akin pero sino bang niloloko ko? Letsugas.
Ibang-iba na ang hitsura niya ngayon. Napapailing na lang ako. Bakas ang pagod sa hitsura niya, ngangingitim din ang ilalim ng mga mata niya. Halata ang pagbagsak ng katawan niya, nabawasan ng bahagya ang timbang nito base sa maluwag na niyang damit na noon ay tamang tama lang naman sa kaniya.Letsugas, hindi ba siya inaalagaan ng Bryanne na pusit na 'yon? Ikakasal na sila't lahat pero heto siya at ako pa talaga ang ginawang taga-alaga. Ano ako takbuhan lang kapag may kailangan? Letsugas talaga.
Mabigat akong napabuga ng hangin saka bumaling sa bintana. Kahit ano namang reklamong gawin ko, sa huli ay gugustuhin ko rin namang alagaan siya. Mabuti na rin 'to para may baunin akong ala-ala kapag natali na siya sa iba. Kinakapos ako ng hininga tuwing iniisip na balang araw ay tatanawin ko na lang siya sa malayo habang masayang kasama ang pamilya niya.
Sa sobrang lalim ng iniisip ay hindi ko man lang namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng condominium na tinutuluyan ni Boss. Kaya nang marinig ang na tinawag ako ni manong ay wala sa sarili akong nalabaling sa kaniya.
Alanganin akong ngumiti. "Ano po ulit 'yon? Pansensya na, may iniisip po kasi ako."
Ngumiti rin siya pabalik. "Naku, ayos lang, ma'am, pero ito ba 'yong building, ma'am? Bago lang po kasi ako dito."
![](https://img.wattpad.com/cover/254932220-288-k574365.jpg)
BINABASA MO ANG
Boss, Marry Me
De TodoMorgan Gazakov was always been distant to other people, he never let anyone enter his chaotic life. With a beyond gorgeous faced and a greek god body, many women dwells over him but... he only wants the attention of his secretary. Simple lang naman...