Chapter 29

192 0 0
                                        

Chapter 29: Edelweiss

"Baby, is everything's ready?"

Matapos i-zipper ang hindi kalakihang bag na nakalapag sa kama ay humarap na ako sa kaniya. "Ayos na. Kaka-checked ko lang kung may nakalimutan ba tayong dalhin pero wala naman kaya pwede na tayong umalis."

"Alright." Lumapit siya sa akin at kinuha ang maliit na bag. "We should go."

Sobrang tikas ng loko sa suot niyang black jacket sa loob naman nito ay isang plain white v-neck shirt na pinarisan niya ng isang simple ngunit mamahalin na faded blue jeans habang ang suot ko naman ay isang checkered powdered midnight black dress at ang sapin ko naman sa paa ay isang white sneakers, parehas kaming dalawa.

Matapos ang nakakahiyang letsugas na pangyayari kagabi ay agad na akong natulog na parang istatwa dahil hindi talaga ako gumalaw nang magsimula na siyang yumapos sa akin.

Mabuti na lang at pagkagising ko kaninang umaga ay laking pasasalamat ko dahil hindi siya nangahas buksan ang dalawang letsugas na topic na 'yon, baka malunod na talaga ako sa kaba at kahihiyan.

"Alam kong hindi mo ito sasagutin pero asan mo ba ako balak dalhin ngayon?" Maya maya'y tanong ko nang nasa kalsada na kami lulan ng magara niyang kotse.

Saglit niya akong nilingon. "May ipapakilala ako sa 'yo." Matapos ay nagpakawala siya ng multong ngiti.

"Sino?" Alam kong hindi na naman niya 'to sasagutin pero naiinis kasi ako sa paraan ng pagngisi niya kaya hindi ko napigilan ang sarili.

"You'll find out when we get there." Hindi na niya ako nilingon pa at sayang saya pa ang loko habang hinihimas ang baba.

Inis kong pinalo ang kamay niya nang matapos haplusin ang baba ay sinakop na naman nito ang kaliwang kamay ko. Kapag ito talaga hinalikan niya ulit, siguradong sasalubong siyang kalbo sa ipapakilala niya sa akin.

"Ayan ka na naman. Itigil mo 'yang kahibangan mo dito, Boss. Kita mo, malalagot ka talaga sa akin." Banta ko pa.

Nagawa pa talagang humalakhak ng loko! "I love your hands, baby."

Inis naman akong siminghal sa kaniya. "Sobrang gaspang nga niyan. Ilang paligo na lang at malalampasan na nito ang kagaspangan ng kamay mo."

Magaspang ang kamay niya dahil sa kaka-ehersisyo, tatlo sa isang linggo siyang pumupunta sa gym. Samantalang ang akin ay dahil sa kahirapan sa buhay pero ayos lang naman, makapal ang mukha ko kaya hindi ko 'to ikakahiya.

Kagat-labing bumaling siya sa akin, saglit lang. "Kaya nga gusto ko ang kamay mo. The hardness of your hand is the symbol of your hardship in life, you should be proud of it." Malawak ang ngiting bumaling ulit siya sa akin. "Baby, don't hate your flaws because that's one of the reason why I adore you."

Parang may humaplos sa puso ko dahil sa mga kataga na binitawan niya. Hindi ko tuloy napigilan ang pagsilay ng isang malawak at tunay na ngiti sa mga labi ko.

Nagawa niyang humarap sa akin nang biglang nag-palit ang kulay ng traffic light, pula na ngayon.

"Baby, don't smile like that." Tila parang nalugi ang boses nito, hindi matanggap na natalo. "Kapag ngumingiti ka ng ganiyan mas lalo akong..." Napasinghap pa siya.

Nangaasar ko naman siyang tiningnan. "Ano?"

Bumuntong-hininga siya sabay malambing na nagpatuloy. "...mas lalo akong nalulunod. Baby, hindi na ako makaahon, nanginginig pa."

Humalakhak ako ng pagkalakas-lakas. "Baliw ka! Letsugas, mag maneho ka na nga. Kung anu-ano pinagsasabi mo."

Nagpatuloy ang biyahe namin na puno ng asaran. Nahawa na sa akin ang loko, ang lakas mangasar pero siya rin ang tatahimik sa huli kapag naasar na talaga.

Boss, Marry Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon