Chapter Seventeen: Batang Pasaway
"Ate, nahanap mo na pala ang batang pasaway na 'yan."
Hindi ko magawang pansinin si Felix na hinihingal na tumayo sa gilid ko dahil napako ang tingin ko sa lalaking mariing nakatingin sa akin.
"B-boss," anong ginagawa niya dito?
"'Ya Lix, may bago ako kaibigan," nakangiting hinila naman siya ng batang pasaway.
"Ikaw talagang bata ka," kinarga naman ng mokong si Fury. "Sinabi ng h'wag sasama sa hindi mo kakiala, ang tigas ng ulo."
Hindi ko na sila magawang lingunin pa dahil para akong tanga na nakaawang ang labi habang pinagmamasadan ang loko kong Boss na naglalakad papunta sa direksyon ko.
Hindi niya alintana ang mga matang nakasunod sa bawat galaw niya, paano ba naman letsugas nakasuot pa siya ng office suit niya! Pero kahit ganoon ay labis akong namangmaha sa kaalamang nandito siya sa isang pampublikong pamilihan. Ang isang successful businesses tycoon ay nandito sa maingay at sobrang daming tao na lugar. Sino ang hindi mawiwindang doon, letsugas!
"Boss, anong ginagawa mo dito?" Nilapitan ko na siya at hinila sa isang tabi.
"Kakarating ko lang tapos 'yan agad ang sasabihin mo sa akin?" Agad na sumama ang mukha niya.
E, ano bang sasabihin ko sa kaniya? Lestsugas naman!
"Boss naman," hindi ko maiwasang kagatin ang kuko ko. "Hindi ka nagsabi na pupunta ka dito."
"How can I tell you if your phone was fucking shut down."
Halos mapapikit ako sa sobrang diin ng pagbigkas niya ng bawat letra ng mga salita at hindi din nakaligtas sa akin ang matatalim niyang mga mata. Kinagat ko nalang ang pangibabang labi at ngumuso. Letsugas, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya.
"Halikana, 'te," sumingit naman sa pagitan namin si Felix. "Teka, kilala mo siya, ate?"
Marahan naman ako napatango. "Oo, Lix."
"Kaibigan mo?" lumapit naman siya sa akin at bumulong. "Mukhang big time, ah. Jowain mo kaya."
"Mokong ka talaga," inis ko namang tinampal ang mukha niya nang humalakhak ang mokong.
Sabay naman kaming napatigil at napatingin kay Boss nang matunog siyang tumikhim, hawak na niya ang kamay ng batang pasaway ngayon.
"Ah," napalunok pa ako. "Boss ko pala, Lix. Boss si Felix, kapatid ko."
Pagkatapos ko silang ipakilala sa isa't isa ay nagkamay naman sila. Hindi ko naman maiwasang pagmasdan ang reaksyon nilang dalawa, si mokong Felix na malaki ang ngisi na parang bang tuwang tuwa at si Boss na wala man lang reaksyon kundi ang tumango lang.
"Kinagagalak kitang makilala, Boss!" Maligalig pang sabi ng mokong.
"You can call me Morgan, you're not my employee." Maikli ngunit seryusong sabi naman niya.
"Oh, sige kuya Morgan," nakangising bumaling naman siya sa akin. "Totoo nga ang sabi ni Mama, makisig ang Boss mo."
"Bakla kang mokong ka!" Inis ko naman siyang sinipa!
Sasapakin ko na sana siya pero hindi natuloy dahil may kumalabit sa akin.
"Ate!" nakasimangot ang mukha ng batang pasaway. "Uhaw na ako, tubig."
Napabumuntong hininga naman ako bago siya kinarga. Ang kulit kasi ng batang 'to at pasaway pa. Mabuti nalang at si Boss ang nakakita sa kaniya kung ibang tao 'yon, ewan ko nalang maghahanda na talagang akong makalbo.

BINABASA MO ANG
Boss, Marry Me
De TodoMorgan Gazakov was always been distant to other people, he never let anyone enter his chaotic life. With a beyond gorgeous faced and a greek god body, many women dwells over him but... he only wants the attention of his secretary. Simple lang naman...