Chapter 23

140 0 0
                                    

Chapter 23: Bura

Dumaan ang mga araw, linggo at buwan ay naging ganoon ang setup namin ni Boss. Hinahatid niya ako at sinusundo, wala 'yung palya araw araw talaga kaya nakakatipid ako sa pamasahe. Tuwing lunch naman ay kapag hindi siya busy ay sabay kaming kakain sa loob nga lang ng opisina, hindi kasi ako pumapayag na sa labas kami kumain.

Masaya na naguguluhan ako sa sitwasyon namin lalo na kapag nangaaya siyang lumabas at kapag lumalabas kami ay hindi lang 'yun simpleng gala. Minsan pa ay dinala niya ako sa sobrang garbong luxury restaurant kaya nakakahiya talaga lalo na't halatang ako lang ang mahirap doon, hindi ko naman siya mapigilan kaya labis ang inis ko sa kaniya.

Nang mapagtanto niya na nagagalit ako kapag dinadala niya ako sa ginintuang mga lugar ay itinigil na niya ang kahibangan niya. Nagagalit talaga ako, letsugas hindi ko masikmura kapag napapaligiran ako ng mga nagyayamanang mga nilalang.

Natigil naman ako sa pagbabalik tanaw nang bigla tumunog ang intercom, may magpaperma na naman 'ata.

"This is the C.E.O's secretary, how may I help you?" 'Yan palagi ang sinasabi ko na akala mo naman kung sinong magalang, letsugas.

"'Uy, ako 'to."

Hindi ko na kailangan hulaan kung sino ang nasa labas dahil sa nakakainis na boses palang nito ay kilalang kilala ko na. Hindi ko na siya sinagot at basta na lang binaba ang tawag saka tumayo.

"Ano na naman kailangan mo?" Tamad kong sabi.

Matapos buksan ang pinto ay ang nakakainis na mukha ng baliw na Rex ang nabungaran ko.

Nang akmang magsasalita siya ay inunahan ko na siya. "May ipapaperma ka?"

"Hindi," nakangisi na ang baliw. "May iba akong sadya, 'uy."

"Ano ba 'yun?"

"Pinabibigay ni Celine," nilahad niya ang isang paper bag sa akin. "Baka hindi ka na naman daw sumabay sa amin mamayang kumain."

Nakangising kinuha ko naman 'to nang mapagtanto kung anong laman. "Paki sabi na lang na salamat, umalis ka na."

Kahit tinaboy na ay nagmatigas pa rin ang baliw. "Baka naman may gusto kang sabihin sa amin o baka sekretong malupit lang 'yan."

Sa paglipas din pala ng araw at buwan ay hindi rin pala nagbago ang mga baliw, mas lumala ang pang-aasar nila sa akin at nakikisama pa talaga ang baliw na Celine. Mas nakakainis na sila ngayon dahil walang palya rin ang natatanggap kong pang-aasar sa kanila, nakakainis!

"Umalis ka na nga, mangiinis pa, e." Tinaboy ko ulit siya gamit ang kaliwang kamay ko.

"Sabihin mo muna ang s-" bigla siyang tumigil at nanlaki ang mga mata. "Boss Morgan, good morning po!"

Paglingun ko ay nandoon nga si Boss sa likod ko. Kahit nagtataka ay mahina pa rin akong bumulong. "Bakit ba nandito? Hindi ka pa tapos mag-pirma diba?

Hindi naman niya ako pinansin at seryusong bumaling lang sa kausap ko kanina. "Do you need anything Mr. Suarez?"

"Wala po, Boss," bahagya pa siyang yumukod. "Sige po, aalis na ako."

Nagpigil naman ako ng tawa, ang galang ng baliw kanina pero sa totoo lang ay mas mataas pa ang sungay no'n sa akin. Nakangisi tuloy akong bumaling kay Boss pero napawi ang ngisi ko nang mapansin na bahagya ng madilim ang mukha niya.

"Kaibigan ko lang 'yon." Tinalikuran ko na siya at pumunta na sa upuan ko.

Bago pa siya makapag-amok ay inunahan ko na siya. Ganyan na ganyan ang mukha ng loko kapag nagsisimula siyang magselos. Naiinis nga ako dahil hindi ko alam kung bakit siya nagseselos pero kalaunan ay nasanay na rin.

Boss, Marry Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon