Chapter Twelve: Gala
"I'm not pleased and satisfied with your presenation, I'm disappointed. Meeting adjourned."
Tumayo na si Boss kaya naman tumayo na rin ako. Tahimik lang ako sa tabi niya habang nag-uusap sila, matapos ay isa-isa nang naglabasan ang mga tao sa loob. Hindi pa naman lumalabas si Boss kaya nandito pa rin ako na parang tanga na nakatunganga sa gilid niya.
"Why are you still here?"
Nagpalinga-linga pa ako at nang mapagtanto na ako pala ang kausap niya ay pilit akong ngumiti.
"Hinihintay kita, Boss."
"No need. You may take your lunch."
Para naman akong pinagbagsakan ng mga matataas na tore sa malamig niyang boses at mukha. Bagsak ang balikat na lumabas ako at nagtungo sa lamesa ko. Bigo naman akong nagtungo sa cafeteria sa baba.
Akala ko ay nakapasok na ako sa teritoryo niya, na nabasag ko na ang pader na nakaharang pero nagkakamali lang pala ako. Ang sarap bugbugin ni Boss dahil para lang isang malabong ala-ala ang business trip namin sa San Francisco.
Paano ba naman, umuwi na kami't lahat ay kasing lamig na naman ng nagyeyelong dagat ang boses at mukha niya. Matapos niyang ipakita sa akin ang miserableng siya ay sa isang iglap lang ay bumalik na naman siya sa isang Boss na masungit, tahimik, malamig at walang emosyon.
Parang gusto ko tuloy siyang sampalin ng magpakalakas-lakas matapos niya akong bigyan ng endearment, matapos niya akong yakapin, matapos niyang sumubsob sa balikat at leeg ko habang nagpipigil ng iyak at matapos niya akong halikan! Ganoon nalang 'yon? Pero syempre tuloy pa rin ang buhay. Bahala siya sa buhay niya basta ako tuloy ang trabaho, letsugas!
Pagbaba ko ay nakita ko na ang mga madalas kong kasabay kumain do'n sa table na madalas naming inuupuan. Late na kasing natapos ang metting kaya may trenta minutos pa akong natitira.
"Uy, musta business trip?"
"Ayos lang, business trip pa rin naman." Nakangisi akong umupo sa table nila.
"Basag ba, pre?"
"Kumakain tayo, respeto naman sa pagkain."
Humalakhak lang ako habang kinukuha ang baon ko. Mas gusto ko kasi ang lutong bahay lang, ako lang naman ang nagluluto nito at makakatipid pa ako. Letse, ang mamahal ng paninda dito.
"Celine, pahingi akong ulam mo."
"Marami akong dala, Jude." Nilagay ko naman sa gitna ng lamesa ang baunan ng ulam ko. Naparami din kasi ang dala ko.
"Magtira ka naman, 'uy." Nang aasar na ngumisi naman si Rex.
Napangiti lang ako habang tinitignan silang dalawan na nagbabangayan samantalang si Celine naman ay inis na sinuway sila. Silang tatlo ang pinakaunang nakilala ko dito noong unang araw ko palang at hindi kalaunan ay naging kaibigan ko na din sila, kahit nasa iba't ibang floor kami nagtatrabaho ay sabay-sabay naman kaming kumakain.
"Ano ngang nagyari sa business trip n'yo ni Boss?" Ngayon ay si Celine naman ang nang-usisa.
"Ayos lang nga," ayaw ko ng pag-usapan 'yon dahil naiirita lang ako.
"May meeting presentation diba kanina?" Si Jude.
"Oo, bakit?" Bakit ba matanong sila ngayon? Kita ng busangot ang mukha ko.
"Hula ko, hindi approved?"
"Oo, Rex. Irrelevant naman kasi ang presentation nila. Ang daming kulang." Kahit madalas nakatulala ako ay makikinig naman ako paminsan minsan.

BINABASA MO ANG
Boss, Marry Me
De TodoMorgan Gazakov was always been distant to other people, he never let anyone enter his chaotic life. With a beyond gorgeous faced and a greek god body, many women dwells over him but... he only wants the attention of his secretary. Simple lang naman...