Chapter 7

185 1 0
                                    

Chapter Seven: Blankong Mukha

Hindi ko alam kung anong oras na pero heto ako nakatunganga sa kisame habang may unggoy nakapalupot sa akin. Nakatihaya na ako ngayon dahil nagising ako sa hindi ko malamang oras, ewan ko ba pero namamahay 'ata ako.

Nang makita kong sumisilip na ang sinag ng araw sa bintana ay nagpasya na akong bumangon pero paano ko gagawin 'yon kung may unggoy na nakapalupot sa akin? Letse!

Ayaw ko naman siyang gisingin kaya ginawa ko ang lahat para makawala sa hawak niya. Una kong tinangal ang kamay niya na mahigpit na nakahawak sa bewang ko kaso nga lang ay kapag tuluyan ko ng naaalis ay bigla naman niyang ibabalik dahil sa sobrang inis ko ay halos baliin ko na ang braso niya, mabuti nalang sa panglimang subok ko ay hindi na niya ibinalik dahil humawak na siya sa unan niya.

Ang pangalawa naman ay ang mga binti niya na naka-ekis sa mga binti ko, dito ako mas nahirapan. Kapag inaaalis ko ang pagkakabuhol ay mas lalo lamang tumitindi ang kapit niya at dahil sa sobrong irita ko, binunutan ko ng  tig-isang balahibo ang bawat binti niya kaya ang loko ay dali daling tingal ang paa doon. Napahalakhak nalang nalang ako dahil hindi pa rin siya nagising, tulog mantika pala ang loko.

Nang tuluyan na akong nakawala ay tumayo na ako at dumiretso sa banyo naligo na ako at doon na nagbihis. Napapasimangot nalang ako kapag napapatingin sa salamin dahil takte! Para akong zombie dahil sa puyat, kasalanan natalaga ng cobra na 'yon kung pwede ko lang 'yong putulin at ipakin sa piranha ay matagal ko na talagang ginawa.

"Magandang araw ho, senyorita." Iyong dalagang kasambahay ang bumungad sa akin pagkababa ko sa kusina.

"Magandang araw din." Ngumiti pa ako at lumapit sa kaniya.

"Kakain ka na po ba?" nagpunas siya ng kamay. "Ipaghahain kita, senyorita."

Napangiwi naman ako sa tinawag niya sa akin akala ko ay namali lang ako ng dinig. "Ano ka ba, Fina nalang ang itawag mo sa 'kin." Umupo ako sa high stool doon.

"Sege po, Ate Fina."

"Ayos lang ako," akmang maghahain na talaga siya. "Hindi pa naman ako gutom." Pero sa totoo lang ay  gutom na talaga ako, nakakahiya naman dahil bisita ako dito tapos mauuna pa akong kumain. May hiya din naman ako minsan, kunti nga lang.

"Ganoon po ba?" Tumango ako. "Ano po pala ang sadya mo po rito kung ganoon?"

"Si uncle Moris?" Bumama na ako sa inuupuan kanina. "Gising na ba siya?"

"Kanina pa po gising 'yon, Ate. Nasa likod bahay, umiinom ng kape."

"Sige, salamat neng," bago tuluyang lumabas ay liningon ko pa siya. "Ano nga pala ang pangalan mo?"

"Ciesel po, Ate," mabini siyang ngumiti. "Anak po ako ng mayordoma dito."

"Ganoon ba," kanina ko pa gusto 'tong itanong, e. "Ilang taon ka na ba?"

"Nineteen po, Ate."

"Ah," tama ako dalaga pa siya. "Matagal ka na dito, Ciel?"

"Mag-iisang taon palang. Scholar ako ni kuya Morgan, Ate."

Tumango na ako at ngumiti bago tumalikod. 'Yon lang naman ang gusto kong malaman kaya umalis na ako at naglakad papunta sa garden, garden pala ang nasa likod ng mansyon na 'to. Doon nakita ko si uncle Moris umiinom nga ng kape at pinaglalaruan sa kamay niya ang isang rubix cube.

"Good morning, uncle!"

Bahagya pa siyang nagulat kaya nahulog ang rubix cube na hawak niya kanina. "Magandang araw rin, Fina. Nakakagulat ka naman" at humalakhak na naman siya.

Boss, Marry Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon