Chapter 18

158 0 0
                                    

Chapter Eighteen: Adik

Hindi ako makatingin kay Mama habang tumutulong ako sa kaniya habang nagluluuto. Letsugas kasi si Boss, buti nalang ay hindi nagsumbong ang pasaway na bata.

Ewan ko lang kung ano ang sinabi niya doon dahil tumakbo na ako sa kuwarto at iniwan sila. Hindi ko alam na nakatulala na pala ako kung hindi lang ako tinapik ng mokong na Felix ay paniguradong tulo laway na ako.

"Para kang tanga, ate," at nakakainis siyang ngumiti.

"Ikaw, para kang bulate," inis ko ring malakas na tinapik ang braso niya.

"Akala mo hindi ko alam?"

Sa paraan palang ng pagngisi ng mokong ay alam ko ng may nalalaman  siya, hindi ko tuloy maiwasang kabahan. Letsugas, kapag talaga nag-ingay ang pasaway na bata na 'yon papaluin ko talaga siya sa puwet.

"Umalis ka na nga. Ginagambala mo kami dito e," itinaboy ko na siya bago pa niya masabi kay Mama ang kabalastugang ginawa namin.

Hinila ko na siya papaalis doon sa kusina at tinulak papasok sa sala kung nasaan si Boss. Ewan ko lang kung kanina pa ba siya diyan, pagbaba ko kanina ay nakaupo pa rin siya doon. Pinatawag kasi ako ni Mama kanina pagkarating nila kanina, pinagalitan pa nga niya ako, letsugas.

"Kausapin mo muna 'yang Boss ko baka mabangot siya," iba pa naman ang tama ng isang 'to kapag nabangot.

"Bakit ako?" umingos pa talaga siya. "Bisita mo 'yan."

"Baka gusto mong sabihin ko kay Mama na hiningan mo lang naman ng kotse ang bisita ko," ganoon ka kapal ang mukha niya!

"Biro lang naman 'yon," ngumuso pa ang mokong, kadiri! "Sige na, ako ng bahala dito."

Nilingon ko pa si Boss at naabutan ko siyang nakatingin sa akin pero agad ring umiwas. Nakagat ko tuloy ang pang-ibabang labi nang malala ang eksena kanina. Pambihirang halik na 'yan muntik pa kaming mapahamak!

"Pwede naman na hindi ka na tumulong dito, 'nak," maya maya'y sabi pa ni Mama.

"Ayos lang naman sa akin, 'ma. Gusto ko ring tumulong," at gusto ko rin iwasan ang lokong Boss ko.

"Dapat ay sinamahan mo na lang ang Boss mo. Baka mabangot 'yon doon, nakakahiya naman."

"Ma, dapat ay gumaya ka sa akin," namewang naman ako, "na makapal ang mukha para naman hindi ka pataring nahihiya." Wala ngang hiya ang bisita namin tapos mahihiya pa siya? Mabuti pa ako wala ring hiya, makapal ang mukha, letse.

"Ewan ko sa iyong bata ka puro ka kalokohan," saglit siyang tumigil sa ginagawa at hinarap ako. "Ang akin lang naman ay dapat nating tratuhin ng maayos 'yong tao, Boss mo pa naman 'yon."

Bakit, hindi ba maayos ang trato ko sa kaniya? Napasimangot naman ako.

"Hayaan mo na siya, 'ma." Lihim akong umismid. "Malaki na 'yon."

Kukuhanin ko na sana ang hiniwa ko na talong kaso ay hinigit ni Mama ang braso ko.

"Pero teka nga," humarap na talaga siya sa akin. "Bakit nga ba nandito ang Boss mo? Hindi naman sa ayaw ko na nandito siya pero kasi sa apat na taon mong naging sekretarya niya ay ngayon lang siya nagpakita dito, nakakapagtaka lang."

Natameme naman ako doon. Letsugas, anong sasabihin ko kay Mama? Na namimiss daw niya ako kaya siya pumunta dito? Asa naman ako namaniniwala siya. Ni hindi ko nga alam kong ano kami, ayaw ko ng isipin kung ano baka mabaliw ako.

"May inasikaso siguro dito, 'ma. Hindi ko pa rin kasi natatanong, e," kasi 'ma no'ng tinanong ko siya inatake niya ang labi ko, gusto ko sanang idagdag kaso ay baka ako ang tadtadin niya kaya h'wag na lang.

Boss, Marry Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon