Chapter Two: Hilo
Maaga pa sa manok na tumitilaok akong gumising para lamang makarating ng maaga dito sa roof top ng building namin. Gusto ko tuloy sampalin ang sarili dahil para akong mangangatal sa lamig ng simoy ng hangin. Paano ba naman, alas singko palang ay gising na ako at dahil hindi naman ako mabagal kumilos mga bente minutos lang ay nakarating na ako dito.
Nagmamadali rin ako dahil nangako ako na hindi na ako male-late kaya naman hindi na ako nakasuot ng jacket, heto nga at para akong basang sisiw na giniginaw. Mas lalo pa 'ata akong gininaw nang matanaw ko si Sir Deo na naglalakad papunta sa giwi ko, malakas pa naman ang hangin ng isang 'to.
"Hey," nakapaskil na naman ang ngiting aso niyang mukha na kinainis ko. "Good morning, Fina."
"Walang maganda sa umaga kung mukha mo agad ang bubungad sa akin." Pasiring ko siyang tinignan.
"Ang sungit mo naman," ngumiti siya na mas kinainis ko. "Parang may gusto ka yata sa akin kaya ka nagkakaganyan."
Ibinaling ko nalang ang tingin sa baba kaysa naman masira ng tuluyan ang araw ko. Hindi ko tuloy maiwasang isipin ang sinabi ni Boss kahapon dahil para akong nabalian ng buto sa sinabi niya. Ewan ko ba pero sa apat na taong pagtatrabaho ko sa kaniya ay kahit kailan hindi pa siya umusal ng ganoong salita.
Naisip ko tuloy na baka nilalagnat lang siya kaya nagdidiliryo at siguro rin ay dahil sa tukmol na pagong na 'to kaya naisip 'yon ni Boss, madaldal pa naman din ang isang 'to.
Bumaling ako sa kaniya at nakita ko na nakasandal na siya sa railings katulad ko. "Bakit ka nga pala nandito?"
"Hindi mo ba alam na kasama ako?"
"Hindi."
Magtatanong ba ako kung alam ko? Gusto ko sanang sabihin din 'yan kaso ay alam ko naman na may pagkahina din ang utak ni pagong kaya hinayaan ko na lang, ang sarap tuloy niyang tirisin.
"Alam mo, apat na taon mo na akong sinusungitan," hindi makapaniwalang tumitig siya sa akin. "Hindi ko tuloy alam kung sadyang masungit ka lang ba talaga o may sapak ka ba sa ulo."
Aba, ang kapal ng mukha ng pagong na 'to ha? Sasapakin ko sana siya kaso ay nakita ko na naglalakad na papalapit sa amin si Boss kaya inismiran ko na lamang siya. Sayang at hindi ko pwedeng dalhin dito si Bengie, ipapakalmot ko sana sa kaniya ang pagong na 'to.
"Where's the chopper?"
Napatayo ako ng maayos nang sumalubong ang galit niyang mga mata sa akin, hindi ko maiwasang mapalunok dahil gan'yan din ang titig niya sa akin kahapon.
Letsugas, hindi naman siya ganito tumitig sa akin noon kahit na galit siya, madalas ay walang emosyon lang siyang tumitig kapag galit. Ewan ko ba, siguro ay may lagnat pa rin siya.
"On the way," si Sir Deo ang sumagot sa tanong ni Boss. "Smile, man, it's still early."
"Tell them to hurry up."
Nanatili lang akong tahimik at silang dalawa naman ay panay ang salita tungkol sa business kaya hindi na ako nakisali. Hanggang sa dumating ang chopper ay tahimik pa rin ako.
"Sit here."
Paupo na sana ako sa likuran nang bigla siyang magsalita kaya naman nanatili akong nakatayo habang nakabaling sa kaniya. "Ako ba kinakausap mo Boss?"
"Sit here," masyadong seryoso ang boses niya. "Dito ka umupo." Pinagpag naman niya ang katabing upuan.
"O, sige." Hindi na ako umalma dahil ayaw ko din naman makatabi ang pagong na 'yon, mabuti nalang at hindi pa siya pumapasok
BINABASA MO ANG
Boss, Marry Me
RandomMorgan Gazakov was always been distant to other people, he never let anyone enter his chaotic life. With a beyond gorgeous faced and a greek god body, many women dwells over him but... he only wants the attention of his secretary. Simple lang naman...
