Chapter 4

1.1K 11 1
                                        

Chapter Four: Mahiluhing Fina

Hindi makapaniwalang napatitig ako sa kaniya. Wala na naman sa kontrata ang sinabi niya! Hindi ko alam kung anong nakain ni Boss at naging ganito siya.

Noon naman hindi naman siya ganito, ni hindi nga niya ako matapunan ng tingin pero ngayon halos lantaran na ang pagtitig sa akin. Ayaw ko naman mag-isip ng kung anu-ano dahil baka nag-iilusyon lang ako.

Hindi ko magawang magsalita dahil nag-iisip ako kaya naman para kaming tanga na nakatingin sa isa't isa, siya na madilim pa rin ang mukha at ako na nakatungaga.

"Woah!" Naputol lang ang titigan namin dahil kay Sir Deo. "People, I'm still here. Baka nakakalimutan n'yo may kasama pa kayo dito."

"Ayy, nandiyan ka pala?" nagkunwari akong nagulat. "Akala ko masamang hangin lang ang nagsalita kanina." Umismid ako sa kaniya. Sarap tuloy tusukin ng tinidor ang mukha niya.

"You are rude," ngumiwi siya sa akin kaya naman ngumiwi din ako.

"Ikaw naman mayabang!" Inis kong sabi.

Kanina pa talaga ako naririndi sa kan'ya, kung wala dito si Boss ay talagang sinabunutan ko na siya.  Naghahamon ang tingin ng pagong, akmang sasagot ulit siya pero hindi natuloy dahil tinanong siya ni Boss.

"How many hours left before we arrive?" Walang emosyon ang boses nito.

Napatingin muna siya sa relo bago nagsalita. "More than three hours, I guess."

"That long?" Halata ang inis sa boses ni Boss.

"Yep," nakangisi ang mukha ng pagong. "Parang hindi sanay, ah?"

"Shup the fuck up."

Bumutong hininga lang ako at nagsimula nang kumain. Ayokong making sa usapan nila kaya naman binilisan ko nalang ang pagkain at nang matapos ay tumayo na ako.
Hindi rin ako makasabay sa kanila kaya naman umalis nalang ako at puwesto sa may likuran. Nahiga ulit ako, naudlot ang tulog ko kanina kaya naman matulog ulit ako. Pinakaayaw ko talaga ang sumakay ng eroplano dahil nasusuka ako at nahihilo pa, nakakainis!

Hapon na nang makarating kami sa airport. Habang hila hila ang bagahe ko ay hindi ko maiwasang ilibot ang paningin. Maraming mapuputing nilalang na nagakalat sa paligid hindi ko tuloy naiwasang mapatingin sa balat ko.

Gusto kong mahiya pero naalala ko na makapal pala ang mukha ko kaya taas noong lumakad lang ako sa likuran nila Boss. Morena ang balat ko at hindi rin naman ako katangkaran pero kahit minsan hindi ako nanliit sa sarili ko dahil alam kong walang pangit na tao ang pinanganak sa mundong 'to.

Kung iniisip ng iba na hindi ka maganda dapat ay taas noo ka lang at ipakita sa kanila na mali sila. Hindi lang magagandang mukha at katawan ang basehan ng ganda, minsan nasa ugali din ito nakikita. Ewan ko ba bakit kung anu-ano lang ang naiisip ko siguro ay gutom na talaga ako.

"I'll go ahead."

Napalingon ako kay sir Deo dahil narinig ko ang nakakainis niyang boses. Nakatayo siya sa tabi ni Boss, nakatalikod sila sa akin.

"Sure," walang interes na sabi ni Boss.

"Good luck, man." Nakangisi siyang lumingon sa akin. "May baliw kang kasama kaya mag-ingat ka talaga," at humalakhak pa talaga ang pagong!

Wala namang pakialam na nagsalita si Boss. "Just go."

Inismiran ko naman siya nang lumihis siya sa amin ng daan. Kapag talaga nabaliw ako ay siya ang pinakauna kong papatayin!

Boss, Marry Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon