Chapter 26

138 0 0
                                    

Chapter 26: Gulo

Napapangiwi kong pinagmamasdan ang nakakaasar na mukha ng mga kapatid ko. Ang sasarap nilang bigwasan isa-isa, wala pa naman si Mama dito dahil pumunta doon sa amiga niya kasama si Fury. Kapag wala si Mama ay malaya kong nagugulpi ang mga mapang-asar na mga ito.

"Tigilan niyo na nga 'yang mga kalukuhan ninyo," inis akong namewang sa gilid nila. "Kapag kayo talaga nakita ni Mama.. Naku, pati singit ninyo hahapdi talaga sa kurot niya."

Para na akong sasabog sa inis habang sila ay tuwang-tuwa pa, letsugas talaga! Ang pinaka-ayaw ko talaga sa lahat ay kapag hindi sila nakikinig sa akin kaya naman isa-isa kong mahinang hinampas ang mga ulo nila gamit ang tabo!

Mas lalo akong nainis nang tumawa lang sila. "Hindi kayo titigil? Baka gusto n'yo makaranas ng maraming bukol."

"Baby..."

Inis naman akong bumaling sa loko kong Boss. "Isa ka pa! Kapag hindi ka umalis diyan ay hindi lang isang daang bukol ang aabutin mo sa akin."

Paano ba naman, ang loko ay pumayag sa pang-uuto ng tatlo kong kapatid, matapos kasi nang pag-uusap namin nila Mama ay dumeretso kami dito sa likod. Hindi rin kasi namin nilihim ang namamagitan sa amin ni Boss sa kanila kaya naman ngayon ay nandito siya sa harap ng babuyan ni mokong na Felix habang pinapakain ang mga ito.

Ang sabi kasi ng tatlo ay kailangan daw niyang patunayan ang sarili sa pamilya ko kaya heto siya ngayon parang tanga na nakatayo habang hawak ang pagkain ng baboy. Sabi pa nila na tradisyon daw ng mga pilipino 'yon kaya kailangan sundin.

Wala namang problema roon dahil tutuong paniniwala natin 'yon pero ang hindi ko lang matanggap ay kung bakit pumayag siya. Anong akala niya namumuhay pa rin tayo sa kahapon? Letsugas na 'yan.

"Hayaan mo na," mababang boses na ani pa niya. "Besides, I'm enjoying this. Gusto ko rin patunayan ang sarili sa kanila."

"Seryoso ka?" Kulang na lang ay sigawan ko siya sa inis. "Naniwala ka talaga sa mga 'to? Letsugas naman umalis ka na lang kasi diyan!"

"Ate naman," magalang naman na ani ni Feather. "Hayaan mo na po si Kuya, parang gusto naman po niya ang ginagawa niya, e."

Sumingit naman sa usapan ang malditang Frey. "Oo nga, Ate. H'wag kang kill joy."

Nang ang mokong na ang nagsalita ay wala na talaga akong nagawa. "Hindi naman gaano kahirap ang gagawin ni Kuya, Ate. Tutulungan ko naman siya at saka ginusto niya 'yan, hindi namin siya pinilit."

Bumuntong-hininga ako. "Bahala kayo diyan sa buhay ninyo."

Inis ko namang kinuha ang timba na may laman na kalahating tubig, nagdidilig kasi ako. Nasira rin kasi ang pandilig ng mga halaman kaya 'eto na lang ang ginamit ko, binutasan kasi ng pasaway na Fury.

"Tulungan ka na namin, Ate," sabi pa ni Feather.

Nilingon ko naman sila matapos malapag ang timba, nilipat ko kasi ng puwesto. "Totoo bang wala talaga kayong klase?"

Si Frey naman ang sumagot. "Wala nga po. Kahapon pa sana kaming walang pasok kaso ngayon lang na-approve, mabuti nga at pumayag sila, e."

Tumango-tango ako matapos ay inutusan na sila kung ano ang gagawin. Gagamitin daw kasi ang school nila para sa feeding program dito sa amin kada baranggay kaya wala silang pasok. Imbis na gumala ay mas mabuti ng tumulong sila dito.

Hindi pa naman gaano lumago ang mga bulaklak na tinanim ni Mama sa  mini garden niya kaya mabilis lang akong natapos. Ang mga bulaklak lang ang diniligan ko, samantalang silang dalawa ay sinali pati ang mga ligaw na halaman at damo sa gilid-gilid gamit na nila ngayon ang hose.

Boss, Marry Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon