Chapter 24

129 0 0
                                    

Chapter 24: Bubong

Parang namamanhid ang katawan ko habang nakatayo sa labas ng isang kuwarto dito sa ospital. Letsugas, ito na 'ata ang pinakamatagal na oras na naghintay ako sa buong buhay ko.

"Ate," mahinang sabi pa ni Feather. "Maupo ka nga po muna. Kanina ka pa nakatayo, hindi ka po ba napapagod?"

Inis ko naman siyang binalingan ng tingin. "Ayaw kitang sisihin kaya maiinis na lang ako. Letsugas kang bata ka."

Nagpapaawa naman niya akong tinignan. "Sorry na, ate. Nataranta lang talaga ako."

Bigo naman akong naupo sa katabi niyang upuan. "Oo na, bili ka na nga lang doon ng tubig."

Letsugas, sobrang nakakainis talaga! Paano ba naman at bigla kaming napalipad ni Boss pauwi dito dahil sa isang nakakabali ng buto na tawag ni Feather! Akala ko ay ano ng nangyari kay Mama sinabi kasi niya sa tawag na marami raw na dugo ang nagkalat kaya nataranta ako, letsugas.

'Yun naman pala ay normal lang iyon sa isang babae na nagmi-menopause! Ang sarap magmura ng napakasama dahil letsugas nadamay patuloy si Boss sa kagagahan ni Feather. Hindi na kasi maawat ang luha ko noong tumawag siya kaya imbis na maghintay pa sa tatlong oras kung flight ay nagpresinta siya na sumakay na kami sa private chopper niya.

Ang nangyari sa huli ay nandito kami ngayon nakatunganga sa labas ng check up room ni Mama at ang mas malala ay hindi man lang kami nakapagbihis! Nakakuha nga kami ng damit na dadalhin pero dahil sa pagmamadali ay hindi na namin naisip na magbihis kaya para kaming mga tanga na pinagtitinginan ng mga tao.

"Sorry talaga, Boss," nakangiwi akong humarap sa kaniya. "Hindi ko naman alam na ganito pala ang maaabutan natin dito."

"Baby... I said it's fine," malamlam ang matang saad pa niya, "and besides it's your family. Family is your first priority right?"

Mapalad naman akong napangiti sa marahan niyang boses at malamlam na titig. "Salamat, Boss. Salamat at bumilis ang punta natin dito."

"Ayos lang nga," bahagya pa siyang lumapit sa akin. "Ayaw kong nakikita kang umiiyak... nanghihina ako."

Napakagat naman ako sa pang-ibabang labi ko para pigilan ang ngisi na gustong kumawala sa labi. Mayabang na magsasalita na sana ako kaso nga lang ay naunahan ako ni Feather.

"Ito na tubig mo, 'te," inabot naman niya sa akin 'yun. "Bumili rin ako ng kape para kay kuya Morgan."

Nakangiting tinggap naman 'yon ni Boss. "Salamat, nag-abala ka pa."

"Ayos lang po 'yun, kuya." Naupo naman ulit siya sa tabi ko, napapagitnaan nila akong dalawa ngayon.

"Nasaan nga pala si Frey bakit ikaw lang ang nandito?" Maya maya'y tanong ko nang maalala.

"Nasa school siya, Ate," napahawak pa siya sa tiyan niya. "Hindi kasi ako pumasok kasi masakit ang tiyan ko."

Kunot-noo ko naman siyang binalingan. "Matagal na ba 'yan? Dapat ay magpacheck-up ka na rin."

"Tapos na, Ate. Saka uminom na ako ng gamot kaya ayos lang ako." Malapad pa siyang ngumiti.

"Ganoon ba?" Napatango-tango naman ako. "Si Fury, nasa'n? Magkasama ba sila ni Felix ngayon?"

"Opo," tumango rin siya. "Nasa bahay lang po silang dalawa ngayon."

Nakunteto naman ako sa sagot niya kaya nanahimik na ako. Sabay sabay naman naming hinintay na matapos ang check up ni Mama, sabi ni Feather ay kanina pa raw sila nakapila doon at sakto naman na pagdating namin ay siyang pagpasok ni Mama kaya maghihintay pa kami ng ilang minuto.

Boss, Marry Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon