Chapter 30: Hintay
Napabuntong-hininga ako matapos makalabas sa loob ng van, para yatang nabingi ang tenga ko sa kakasalita at kakatalak ni Calum.
"Mag-ingat kayo," ngumisi pa ang walang hiya na Calum. "Lalo ka na, Fina. Mag-ingat ka diyan sa kaibigan ko, tirador 'yang gagong 'yan."
Nginiwian ko lang siya at nauna nang pumasok sa kotse ni Boss. Nakakainis kasi siya, ang bilis magpatakbo! Letsugas, nasusuka ako at nahihilo. Mabuti na lang at may dala akong candy kaya medyo guminhawa ang pakiramdam ko.
Maya maya'y pumasok na rin si Boss sa loob. "Are you alright?"
"Oo naman," ngumiti pa ako. "Baliw kasi 'yang kaibigan mo, nakakainis."
"Yeah, he's always like that."
Hindi na ako nagsalita dahil pinaandar na niya ang sasakyan. Pagkatapos ng pag-uusap namin ay umalis din kami kaagad sa Gaza Hacienda dahil may kinuha lang pala siya doong paper bag, hindi ko alam kung ano ang laman.
Sa biyahe ay tahimik lang ako, pilit na pinapagaan ang loob baka makasuka pa ako dito, letsugas! Hindi ko alam kung saan kami pupunta, hindi kasi niya sinabi sa akin kaya nakuntento na lang ako sa pagmamasid sa paligid. Hindi rin naman nagtagal ang biyahe kaya nakarating agad kami.
Huminto ang sasakyan sa isang napakatahamik na lugar, kung hindi bumungad sa harapan ko ang isang puting gate ay masasabi ko talagang nasa gitna na naman kami ng kawalan.
"Baby, let's go." Naunang siyang bumama saka pinagbuksan ako ng pinto.
Hindi ko pa man nasusuri ang paligid ay agad na siyang nagtanong.
"Ayos lang ba sayong dito tayo kumain?" Bumuntong-hininga siya. "Ayaw ko kasi na maabutan nila tayo kaya hindi na tayo nagtagal doon."
Napatango-tango naman ako. "Ayos lang naman." Matapos ay ipinalibot ko ang paningin sa paligid. "Bakit nga pala tayo nandito?"
Hindi ko na itatanong kung nasaan kami dahil sa isang sulyap pa lang ay malalaman mo na agad kung anong klaseng lugar ito.
"Nasa loob ang ipapakilala ko sa 'yo. She's waiting inside."
Tahimik lang akong sumunod sa kaniya nang mapagtanto ang ibig niyang sabihin.
Isang malaki na puting gate ang pinasukan namin, sobrang ganda ng mga nakadisenyong anghel na nakapalibot sa paligid nito. Kahit kakapasok pa lang namin ay amoy na amoy ko na ang halimuyak ng iba't ibang klase ng mga bulaklak. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang sari-saring disenyo ng mga kandilang nakahilera sa paligid.
"Kuya Morgan." Isang binatilyo ang sumalubong sa amin. "Ok na po 'yung pinaayos mo kanina. Malinis na rin po doon."
Ginulo naman ni Boss ang buhok nito.
"You did a great job, then.""Salamat, kuya," napasulyap naman 'to sa akin. "Girlfriend ka po ni kuya, Ate?"
Nahihiyang tumango naman ako. "Ah, Oo, girlfriend niya ako..."
Hindi talaga ako komportable kapag sinasabi ko ang kataga na 'yan, kailan man ay hindi yata ako magiging komportable. Ewan ko ba at sobra akong naiilang, letsugas na 'yan.
"Bagay po kayo ni kuya, Ate."
"Salamat, 'toy."
Bigla namang nalukot ang mukha nito. "Si ate naman, Brenan po ang pangalan ko hindi totoy."
Napapahiya akong kumamot sa kilay, letsugas na batang 'to. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng hiya at ilang sa kaniya.
Pinilit ko naman ang sarili na maging pormal. "Ganoon ba? Oh, sige."

BINABASA MO ANG
Boss, Marry Me
AcakMorgan Gazakov was always been distant to other people, he never let anyone enter his chaotic life. With a beyond gorgeous faced and a greek god body, many women dwells over him but... he only wants the attention of his secretary. Simple lang naman...