Chapter Fifteen: Asar
Masama akong tumitig sa mokong na Felix nang marinig ko ang halakhak niya sa gilid ko. Umuusok ang tenga ko naman siyang binalingan.
"Walang hiya kang mokong ka," gigil kong sabi, kulang nalang ay itarak ko sa kaniya ang baso na hawak ko.
"Hindi ko kasalanan kong bakit siya pumunta dito, ah," nagtaas pa talaga siya ng dalawang kamay. "Kasalanan mo kasi umasa ka na may ibang bibisita sa 'yo bukod sa hilaw mong manliligaw noon," at humalakhak na naman ang mokong!
"Hindi ko siya manliligaw!" Letsugas, hindi ko matanggap!
Paano ba naman akala ko ay si Boss ang bubungaran ko doon, letse masakit pala talagang umasa dahil hindi siya ang nandoon! Laglag ang balikat na hinatid ko ang pagkain ng bisita namin.
"Bakit ang tagal mo, 'nak?"
Dahil nilagyan ko pa 'to ng pampatulog, 'ma, gusto ko sanang sabihin pero... "Nag-usap pa kami ni Felix."
"O, sige, maiwan ko muna kayo."
Halos magakaawa na ako ng palihim kay Mama na h'wag akong iwan pero letsugas tinawanan lang niya ako!
"Hindi ka nagsabi na umuwi ka pala, Faustina."
Napabaling ako sa kaharap at gusto kong mapapikit dahil sa kakaibang ngiti na kanina pa niya binibigay sa akin. Sinuklian ko lang 'yon ng isang pekeng ngiti.
"Ano palang ginagawa mo dito, Simon?" Iniba ko nalang ang usapan dahil hindi ko naman alam na kailangan ko palang sabihin sa kaniya na uuwi ako.
"Nalaman ko kasi na lumuwas ka daw kaya pinuntahan kita agad."
Lihim akong napasinghap nang ngimiti na naman siya. Ewan ko ba kung ano ang nakain ng Simon na 'to at noon pa man ay sinasabi na niyang gusto niya ako, makapal lang ang mukha ko pero hindi tanga. Hindi ako naniniwala na may gusto kuno siya sa akin dahil ang hinayupak ay kaliwa't kanan ang babae! Letsugas, may koleksyon yata siya ng mga naging babae niya at ayaw kong mapabilang doon.
"Ganoon ba? Kumusta ka naman?" Mabuti at buhay ka pa? Nakakainis dahil kahit naiinis ako sa kaniya ay kailangan pakisamahan, wala naman siyang ginagawang masama para itrato ng hind tama.
"Ito habulin pa rin ng mga babae," at nagawa pa talaga niyang tumawa.
"Ah," ano bang sasabihin ko? Letsugas naman!
"Ikaw Faustina, kumusta ka na?"
"Ayos lang naman," pero hindi na noong dumating ka, letsugas talaga.
"Mas lalo kang gumanda ngayon, Faustina," nakangisi niyang sabi.
Napasuksuk naman ako sa pinakadulo ng malaking sofa namin nang bigla siyang lumapit doon. Kapag ito talagang hinayupak na 'to hinawakan maski isang hibla ng buhok ko siguradong panot talaga siyang uuwi sa bahay nila. Tumusok ako ng kamote cue gamit ang tinidor at hinawakan 'yon ng mahigpit, hindi ako magdadawalang-isip na itarak ito sa lalamunan niya pero syempre kakainin ko muna ang nakatusok dito.
"Alam mo ba na lumago na ang negosyo namin?" Kumuha na din siya ng pagkain sa lamesa.
Ito ang pinakaayaw ko sa lahat kaya naman hinanda ko na ang tenga ko.
Palibhasa mas malakas pa ang ipu-ipong dala nito kaysa kay sir Deo, e."Mas lalong dumadami ang pera namin sa katunayan nga ay kung gugustuhin kaya kong bilhin itong lupain at bahay ninyo," mayabang pa siyang ngumisi.
"Hindi ko naman ibebenta ang bahay at lupa namin kahit na pumuti pa ang mahaba mong buhok," tumawa pa ako para hindi halata na insuto ang sinabi ko. Totoong long hair siya na akala mo naman kinagwapo niya, nakakakilabot!
![](https://img.wattpad.com/cover/254932220-288-k574365.jpg)
BINABASA MO ANG
Boss, Marry Me
РазноеMorgan Gazakov was always been distant to other people, he never let anyone enter his chaotic life. With a beyond gorgeous faced and a greek god body, many women dwells over him but... he only wants the attention of his secretary. Simple lang naman...