Chapter 16

190 0 0
                                        

Chapter Sixteen: Palengke

Nangunot ang noo ko nang maramdam ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, ayaw ko pang bumangon kaya naman isinubsub ko ang mukha sa ilalim ng unan.

Nakakainis nanaginip na sana ako na nanalo daw ako sa luto kaya ang yaman-yaman ko na pero letsugas nagising ako sa sinag ng araw! Itutuloy ko na sana ang naudlot na panaginip pero nakakainis dahil may biglang kumatok sa pinto.

"Ate, kakain na daw po." 

"Saglit lang, baba na ako," nakapikit kong sigaw.

Kahit inaantok pa ay tuluyan na akong gumising at kumilos para ayusin ang sarili. Gusto ko pa sanang matulog kaso ay hindi ko na ginawa dahil paniguradog kakalbuhin ako ni Mama kapag pinaghintay ko ang pagkain.
Bumangon na ako at nag-stretching habang ginagalaw ang ulo ay nahagip ng paningin ko ang cellphone ko na nakalagay sa gild ng study table.

Tatlong araw na rin pala ang lumipas matapos ang ginawag kong katangahan kaya naman hanggang nagyon ay nakapatay lang ang cellphone ko. Hindi na ako nagtangkang ibalik ulit ang battery no'n dahil letsugas nakakahiya at baka tanungin niya ako tungkol doon. Siguro naman ay makakalimutan na niya ang text ko kapag bumalik na ako sa trabaho, dalawang linggo kasi ang kinuha ko na leave.

"Ang tagal ng senyorita nagising, ah?"

"Ang baho ng hinginga mo h'wag mo ako kausapin," umagang-umga ay nabubwisit ako sa mukha ng mokong na Felix, kung siya ba naman mabungaran mo pagkababa.

"Good morning pala senyorita. Gutom na kami kaya pakibilisan po," at ngumiti siya sa nakakainis na paraan.

Hindi ko nalang siya pinansin at naupo nalang sa upuan ko. Ang pangit ng mukha niya, nakakasira ng araw.

"Magandang umaga pips," bati ko pa bago palihim na humikab.

Bumati sila pabalik sa akin pero ang batang pasaway ay hindi. Abala sa tipaklong na tinalian niya sa buntot habang lumulundag lundag 'to sa lamesa, tudo saway tuloy si Mama sa kaniya, pasaway talaga.

"Magsimula na kayong kumain may kukunin lang ako saglit sa kusina," ani ni Mama.

Nagdasal muna kami bago kumain. Habang kumakain ay panay pa rin ang asaran namin, ito na 'ata ang hindi mabubura sa amin. Kaya lang letsugas talaga, ako na naman ang pinuntirya ni Mama, inaasar ako gamit ang loko kong boss. Nakabusangot tuloy akong naghugas ng plato, ako kasi ang naatasan ngayon.

Nang matapos ako ay nakabusangot pa rin akong lumabas, naabutan ko naman silang nanunuod ng palabas. Padabog akong umupo sa pang-isahang silya.

"Ang pangit mo kapag nakasimagot, ate," tumawa pa talaga ang malditang Frey.

"Bakit ka po ba naiinis ate kapag pinag-uusapan na ang Boss mo po?"

Sasagot na sana ako sa tanong ni Feather kaso ay nauhan ako ng mokong na Felix.

"Alam ko kung bakit," ang sarap niyang tirisin sa ngisi niya. "Kasi may gusto si ate sa Boss niya."

"Loko kang mokong ka!" Sinabunutan ko siya dahil malapit lang naman siya sa akin pero ang mokong ay tumawa lang.

"Totoo, Ate?" Pati rin ang malditang Frey ay nakangisi din.

"Ang maniniwala mabaho ang baba," inis kong sabi.

Sabay sabay naman silang humalakhak doon kaya hindi ko napigilan ang sarili na kuhanin ang isang unan na nasa malaking sofa at pinagpapalo sila. Gumaya naman sila sa akin kaya ang kinalabasan ay nag-pillow fight na kami.

Boss, Marry Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon