Chapter 38: Lasing
Ang nagmamadaling mga sasakyan sa kasagsagan ng traffic at mga taong nag-uunahang sumakay ay parang tila usok na nawala na lang bigla sa paningin ko nang maupo ako sa isang lumang waiting shed dito. Sa sobrang luma nito ay isang pirma na lang ng lamok at guguho na talaga 'to.
Napapabuntong-hininga akong napatingala sa kalangitan. Wala sa sarili akong napangiti nang makita ang kumikinang na mga bituin kasama ng maliwanag na buwan pero agad ding napawi ang ngiting 'yon nang makita ang mga makukulimlim na ulap na handang takpan ang magandang tanawin sa kalangitan tuwing gabi.
Minsan pa akong napabuntong-hininga nang maramdaman na unti-unti ng naglalaglagan ang maliliit na butil ng tubig ulan. Letsugas, wala pa naman akong dalang payong. Ang malas ko naman, kung kailan nakaalis na ako sa building namin ay bigla namang bubuhos ang ulan.
Muli akong napabuntong-hininga nang may pamilyar na sasakyan ang huminto sa tapat ko. Agad akong tumayo, hindi para sumakay doon kundi para makaalis na dahil gusto kong takasan ang may-ari no'n. Inis akong napasinghap dahil hindi pa man ako nakakalayo ay nakalabas na ang may-ari no'n.
"Look who's here," nanunuya nitong saad matapos maarteng tumawa.
Tamad na hinarap ko naman siya. "Anong kailangan mo?"
Minsan pa itong maarteng tumawa matapos ay pinagtaasan ako ng kaliwang kilay. "Wala naman. May basura akong nakita kaya nilapitan ko. Trash should be in a garbage bin, not here."
Ginaya ko ang maarte niyang pagtawa na kinainis niya. "Hindi ko alam na langaw ka pala."
Napangisi ako nang makitang namula ang mukha niya, galit na talaga. "Sino ba ang pinakaunang makakapansin sa busara? Langaw, diba?" Pang-aasar ko rin sa kaniya.
"Shut up, trash!" inis pa siyang napapadyak. "I'm the famous designer, Brynne Monasterie, so don't you dare insult me."
Ang lakas ng loob niyang mangasar gayong siya naman pala itong unang magagalit kapag pinatulan. Letsugas na malditang malanding pusit na 'to. Hindi siya mananalo sa akin kapag asaran na ang pinaguusapan.
"Talaga? Famous ka?" nanunuya akong ngumisi, "e, bakit hindi kita kilala?"
Bago pa siya makatalak ulit ay inunahan ko na siya. "Aalis na ako. Ayaw ko nang magsayang pa ng oras sa isang walang kwenteng katulad mo."
Nakangising tinalikuran ko siya. Bago tuluyang makalayo ay narinig ko pa ang pangininsulto niyang sigaw sa akin pero hindi ko na siya nilingon pa. Malakas ang loob kong ganunin siya dahil wala kami sa loob ng letsugas na opisina ng loko kong Boss. Nagpipigil lang talaga ako tuwing tinatalakan at pinagsasalitaan niya ako ng masama dahil nasa trabaho ako, ayaw ko naman na mawalan ng trabaho dahil lang sa pusit na 'yon.
Kakatapos lang ng trabaho ko at pagod ako kaya hindi ko talaga siya uurungan, lalo na't siya ang unang sumugod sa akin. Ginambala niya ang mapayapa kong paghihintay ng sasakyan. Mabuti na lang at gutom ako dahil kung hindi ay uuwi talaga siyang kalbo. Tiniis ko ang ilang linggo niyang pang-gugulo niya sa akin kaya sa susunod na ganunin niya pa ako ay baka hindi ko mapigilan ang sirili at mabigay ko sa kaniya ang hinahanap niya. Letsugas, ang sarap pa naman niyang sapakin hanggang sa mamaga ang mukha niya.
Ilang linggo na rin pala ang lumipas simula no'ng nangyaring sagutan namin ni Morgan sa mansyon niya. Umuwi akong luhaan no'n kaso ganoon talaga ang buhay hindi lahat ng bagay na gusto mo ay makukuha mo. Matapos ang pangyayaring 'yon ay bumalik na ang lahat na parang walang nangyari.
Ang mga pinagsamahan at mga alala naming dalawa ay parang hindi nangyari dahil bumalik ang lahat na parang wala lang. Para kaming bumalik sa pinaka-unang yugto, kung saan kami unang nagkakilala. Siya na seryoso kong Boss at ako na masunurin niyang secretary. Nanghihinayang ako pero ganoon talaga, may hangganan ang lahat.

BINABASA MO ANG
Boss, Marry Me
RandomMorgan Gazakov was always been distant to other people, he never let anyone enter his chaotic life. With a beyond gorgeous faced and a greek god body, many women dwells over him but... he only wants the attention of his secretary. Simple lang naman...