Chapter 35: Sagip
Panay ang punas ko ng mga letsugas na luha na kanina pa na parang gripo ng tubig na tumutulo sa magkabilang pisnge ko. Letsugas naman, kalat na kalat na siguro ang make-up ko. Para na akong bruha na broken hearted panigurado!
"Ayos lang ho ba kayo, ma'am?"
Napaangat ako ng tingin sa taxi driver, parang gusto ko uli' maiyak dahil sa ilang minuto na ang lumipas ay ngayon lang siya naglakas ng loob na magsalita. Mas naiiyak ako kapag alam kong may taong umaalo sa akin, letsugas!
Suminghot pa ako. "Ayos lang po ako, manong. May umaway po kasi sa akin kaya umiyak ako. Sana'y makalbo siya manong, ano?"
Napailing-iling naman ito. "Naku, ma'am, mukhang broken hearted yata kayo." Muli siyang napailing. "Marami na ho akong narasanang ganito. Hayaan niyo na 'yang asawa mo, makipaghiwalay ka na lang doon. Masakit talagang masaksihan ang pagtataksil ng asawa kasama ang kerida niya. Kung ako sa 'yo, ipakulong mo na lang, ma'am."
Laglag ang pangang napatitig ako sa kaniya gamit ang salamin sa may bubong ng taxi. Literal na tumigil sa pag-agos ang mga luha ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano, lalo na nang magpatuloy siya.
"Napakaganda mo pa namang dilag tapos ay sakit sa puso lang ang makukuha mo dahil diyan sa walang hiyang asawa mo, ma'am." Mahihimigan ang pagkadismaya sa boses nito.
Ako naman ang napailing-iling ngayon. "Naku, manong, mukhang nagkakamali ka 'ata. Single pa po ako, wala akong asawa."
"Naku, ayos lang 'yan, ma'am. Mas mabuting itanggi siya para hindi ka mapahiya. Hindi naman kita huhusgahan, ma'am. Nasasayangan lang talaga ako sa ganda mo."
Letsugas, bakit ang dami naman yata niyang alam?!
"Ano po bang pinagsasabi mo, manong?" Napasimangot ako. "Mali po iyang hinala mo, wala pa po akong asawa. Sa totoo lang ay tama kayo na broken hearted ako kaya dalhin mo po ako sa pinakamalapit na bar dito. Gusto kong maglasing, manong."
Gusto kong maglasing kasi 'yon naman palagi ang ginagawa ng mga taong nasaktan o nasawi sa pag-ibig at ang dahilan nila ay para makalimot, gusto ko ring makalimot kahit panandalian lang. Kapag kasi nasaktan ang isang tao ay mas gugustuhin na lang nitong makalimot kasya mas maramdaman ang unti-unting pagkadurog ng puso.
Sana nga ay madaling kalimutan ang natamong trahedya sa kawawang puso pero letsugas hindi, e. Kahit anong lasing ang maramdaman mo ay babalik at babalik pa rin ito na parang magnet. Siguro nga ay nawawala 'yong sakit pero sa huli naroon pa rin ito, nag-iiwan ng peklat sa sugatang puso.
Napabuntong-hininga na lang ako saka pinakinggan ang kanta sa radyo na mas lalong lang na nagpa-init ng sulok ng mga mata ko. Walang hiyang, kanta 'yan! Ako na mismo ang lumipat ng estasyon dahil abala si manong sa manibela, nag-uturn kasi siya.
Napailing muli siya bago nakasagot. "Naku, ma'am, hindi sulusyon ang paglalasing pero hindi naman kita mapipigilan diyan. Bast po ay mag-ingat lang kayo, maraming halang ang kaluluwa doon baka mapahamak po kayo."
Saglit naman akong napaisip doon. Tama nga naman si manong baka mapahamak nga ako, wala pa naman akong kasama at mahina rin ang alcohol tolerance ko. Baka paggising ko ay bangkay na ako.
Sinandal ko ang likod sa upuan saka laglag ang balikat na nagsalita. "Huwag na lang pala, manong. Sa iba mo na lang po ako dalhin."
Napangiti naman siya. "Ganoon ba, hija? O, sige. Saan mo ba gusto pumunta? Nang maihatid kita."
"May mamihan po ba dito?"
"Mayroon kaso nga lang ay medyo malayo-layo pa rito, hija."

BINABASA MO ANG
Boss, Marry Me
De TodoMorgan Gazakov was always been distant to other people, he never let anyone enter his chaotic life. With a beyond gorgeous faced and a greek god body, many women dwells over him but... he only wants the attention of his secretary. Simple lang naman...