Chapter 25: Pag-amin
"Paki-abot nga ng sandok, 'nak."
Nakangiti ko namang sinunod ang utos ni Mama. Para akong nakalutang habang kinukuha ang sandok, mas lumapad pa ang ngiti ko ng mai-abot ko na 'to sa kaniya.
"Teka nga," tumigil siya sa ginagawa at hinarap ako. "Gising na ba si Morgan?"
Mas lalong lumawak ang ngiti ko dahil sa pangalan na binangit niya. "Tulog pa yata, 'ma."
"O, sige," nagtataka niyang sabi. "Tapusin mo na iyan."
Masaya ko namang inayos ang hapag para sa almusal, tinutulungan ko kasi si Mama ngayon na magluto. Tulog pa ang mga kasama sa bahay, alas sais pa naman ng umaga ngayon kaya maaga pa. Sakto namang patapos na ako nang biglang pumasok ang mokong na tamad na naglalakad papunta sa upuan.
Tamad naman siyang naupo. "Anong umagahan ngayon, ate?"
"Ang paborito mo," malawak na nakangiti na sabi ko pa.
Saglit naman siyang natigilan at naguguluhang napatitig sa akin pero binigyan ko lang siya ng isang malawak na ngiti.
"Himala!" Exaggerated pa niyang kinurap ang mga mata. "Ang bait mo yata ngayon? Sinapian 'to, e."
Kahit nakakainis ang mukha ng loko ay ngitian ko lang ulit siya. "Mabait naman ako, ah? 'Di mo lang alam kasi puro panlalait ang alam mo."
Hindi ko na siya pinansin at pinagpatuloy na lang ang ginagawa na may ngiti sa labi. Maya maya pa ay natapos din ako, wala na namang masyadong gagawin kaya naupo na ako sa katapat na upuan ni Felix.
"Bakit panay yata ang ngiti mo ngayon?" tanong pa ng mokong.
Inosente naman akong tumitig sa kaniya. "Bawal na ba ngumiti ngayon?
Umismid siya. "May sinabi ako?"
Tinaasan ko siya ng kilay kahit na nakangti na parang tanga. "Anong pinaglalaban mo?"
"Hala, 'ma!" at umalingawngaw ang nakakainis niyang halakhak. "Ma, inlove ang panganay mo."
Kung kanina ay parang mapupunit na ang labi ko sa kakangiti, ngayon naman ay tudo simangot na ang pinakita ko sa kanilang dalawa.
"Halata naman," nakakaloko ang ngising saad pa ni Mama habang naglalakad papalapit sa amin. "May hindi sinasabi 'tong Ate niyo sa atin."
"Ma, naman..." nagmaktol na talaga ako. "Naniniwala ka talaga diyan sa pangalawang anak mo? Aba'y hindi pamagkakatiwalaan 'yan."
Bigo akong napalagok sa malamig ko ng kape nang sabay silang humalakhak.
"Ewan ko sa inyo," inis ko sabi. "Bahala na nga kayo diyan. Magtira kayo ng pandesal, ah. Maliligo muna ako," at naglakad na ako paalis sa kusina.
Matapos kasi ang pag-uusap namin ni Boss kagabi ay tahimik lang kaming bumalik sa sariling kuwarto habang hawak niya ang kamay ko, ayaw kasing bitawan ng loko. Kaya kanina ay panay ang ngiti ko dahil napakahimbing ng tulog ko, iyon na 'ata ang pinakamasarap na tulog na naranasan ko sa tanang buhay.
Masaya rin ako dahil wala na akong iisipin, hindi na ako mag-iisip ng milya milya tungkol sa namamagitan sa aming dalawa bago matulog. Dapat ay mainis ako sa pang-aasar nila Felix sa akin pero hindi ko magawa bagkus ay may nigti na ulit akong naglalakad paakyat sa hagdan habang parang tanga na nakayuko, lutsugas nakakabaliw na pakiramdam naman 'to.
"Baby, morning."
Kahit hindi tumitingin ay alam ko na kung sino ito. Nakangiti ko naman siyang tiningala at kung gaano kalaki ngiti ko ay ganoon naman katipid ang sa kaniya ngunit kung ang mga mata niya ang pagbabasehan ay higit pa sa saya ang makikita mo rito.

BINABASA MO ANG
Boss, Marry Me
CasualeMorgan Gazakov was always been distant to other people, he never let anyone enter his chaotic life. With a beyond gorgeous faced and a greek god body, many women dwells over him but... he only wants the attention of his secretary. Simple lang naman...