Chapter 20

161 2 0
                                    

Chapter Twenty: Outing

Nakangiti kong pinagmasdan ang mga kapatid ko na excited na naghahanda para sumakay na sa van. Para silang mga baliw na nakatayo sa gilid sa sobrang lawak ba naman ng mga ngiti nila.

"Handa na ba ang lahat ng dadalhin ninyo?" ani ni Mama.

Sabay-sabay naman silang tumango na kinatawa ko pero napatigil ako sa pagtawa nang pinandilatan ako ni Mama kaya napasimangot tuloy ako.

"At ikaw naman," tinuro pa niya ako. "Ano pang ginagawa mo dito? Tawagin mo na nga ang Boss mo doon. Kanina pa kita inutusan hindi ka naman nakikinig."

Nakanguso akong naglakad papasok. Paano ba naman ang tagal ng loko kong Boss, naisipan kasi naming pumunta sa kabilang bayan. Huling araw na rin kasi namin ngayon, bukas kami uuwi, kaya para sulutin ang  huling araw namin ay pupunta kami sa isang resort sa kabilang bayan.

"Boss?" kumatok ako sa pintuan. "Tapos ka na?"

Nang hindi pa siya sumagot ay pumasok na ako sa kuwarto niya. Naayos na kasi 'yung guests room kaya doon na siya natutulog, isang gabi lang naman kaming nagkatabi.

Naabutan ko naman siyang may kausap sa cellphone, nasa may balkonahe siya. Umupo muna ako sa kama niya habang naghihintay.

Nang mapansin niya ako ay sandaling sumulyap siya sa akin at muling ibinalik ang atensyon sa kausap. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kong sino ang kausap niya, nang pumasok sa isip ko ang malditang malanding pusit na 'yon ay hindi ko maiwasang mainis.

Habang naglalakad siya papunta sa direksyon ko ay narinig ko pa ang sinasabi niya sa kabilang linya na kaluunan ay pinutol din. "Make sure that everything's ready. Yeah. We'll be back tomorrow."

"I'm sorry about that," umupo rin siya sa tabi ko.

"Ayos lang naman," bakit nga ba ako nandito? "Aalis na pala tayo, Boss."

Tumayo na ako, letsugas inaantok ako sa amoy ng kuwarto niya baka makatulog ako dito. Paano ba naman, kaamoy niya ang sinisinghot ko sa loob ng kuwato niya kanina pa, mukha tuloy akong adik.

"Ah, yeah," tumayo na rin siya at nauna pang lumabas! "C'mon."

Agad naman akong sumunod sa kaniya habang pilit na nilalabanan ang bibig ko na gusto siyang tanungin kong sino ang kausap niya kanina  para naman akong tanga kung magtatanong ako. Inis ko nalang kinakamot ang labi habang naglalakad.

"Si Moris ang kausap ko kanina," kahit hindi ako nakatingin ay alam kong nakangisi siya.

"Hindi ko naman tinatanong," mas binilisan ko na ang paglakad dahilan para maiwan siya sa likuran ko.

"Gusto ko lang malaman mo baka kasi kung anong isipin mo," rinig ko pang sabi niya na nagpapikit sa akin.

Bakit pakiramdam ko ay alam niyang itatanong ko 'yun? Imposible naman na alam niya ang iniisip ko, hindi pa naman ako tuluyang nababaliw. Nakakahiya kong nahalata niya ang kagagahan ko, ang bobo mo talaga Fina! Nakasimangot tuloy akong humarap sa kanila.

"O, nasaan na si Morgan?" salubong sa akin ni Mama.

"Malaki na siya, 'ma. Kaya na naman niyang bumama mag-isa."

Nauna na akong sumakay sa loob, sa may bandang likuran, bahala na siya diyan. Nasa loob na rin ang kambal kasama si Fury nasa may likuran sila ng driver nakaupo at masayang naghaharutan. Pumasok na rin si Mama kalaunan at sa passenger seat siya sumakay.

May sariling driver ang van kaya wala na kaming problema doon, kasama na sa package ng resort. Si Boss lahat gumastos nito, ayaw nga naming payagan pero matigas pa sa mukha ni Felix ang desisyon niyang hindi natitibag! Sa isang sikat na resort sana niya kami balak dalhin pero umalma na ako. Mahal na nga nga bayad kapag diyan lang sa medyo hindi sikat, paano pa kaya kung doon na. Hindi  kami pumayag na wala kaming ambag kaya sa pagkain lang kami bumawi ng gastos.

Boss, Marry Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon