Prologue:
Nasa punto na ako ng buhay ko na handa kong ibuwis ang buhay ko basta't makarating lang ako sa simbahan na 'yon. Wala na akong pakialam sa mga kotseng walang palya kong nasasagasaan at nilalampasan kahit nga ang traffic lights ay hindi nakaawat sa akin. Daig ko pa si Flash sa sobrang bilis ko magpatakbo, pwede na siguro akong maging car racer sa sobrang lupit ko. Sa sobrang lupit ko pa ay hindi nakaligtas sa paningin ko ang gitnang daliri ng driver na inunahan ko kanina, gusto ko sanang sabihin sa kaniya na hindi ako pumapatol sa panot kaso wala na akong oras kaya hindi ko nalang pinansin.
"Shit, I'm almost there. Kunting bilis pa."
Handa akong magpadakip sa mga sumusunod na traffic enforcer sa akin pero 'wag muna ngayon. Handa akong magbayad sa batas pero punyemas! May kasal akong dapat pigilan. Hindi ako papapayag na isang batas trapiko lang ang makakasira sa buhay pag-ibig ko!
"Nagsimula na ba?" Kahit alam kong bawal ay sinagot ko pa rin ang tawag ng kaibigan ko.
"Gaga kanina pa! Asan ka na ba? Akala ko ay magiging kontrabida ka ng kasal nila? Bilisan mo na malapit ng matapos ang seremonyas dito."
"Gaga ka rin! Hindi pa sila kasal kontrabida na ako. Makakarating at pipigigilan ko sila! Itaga mo 'yan sa malapad mong noo."
Gusto ko tuloy maiyak dahil hindi na kinaya ng powers ko, naipit na talaga ako sa gitna ng kalsada. Yung kotse ko na-trap na sa gitna, hindi na ako makalusot! Agad ko namang hinubad ang high heels na suot at bumaba. Dala dala ang purse at high heels ko ay para akong baliw na tumatakbo sa gitna ng kalsada.
Anak ng tupa! Handa akong maging baliw basta't mapigilan ko lang ang walang hiyang kasal na 'yon!
Lakad takbo ang ginawa ko makaabot lang sa simbahan at hindi naman ako nabigo. Sabog ang buhok at wala sa ayos ang gown ko nang makarating ako sa tapat ng pintuan. Maraming puti na Van ang nagkalat sa paligid at nakatulong 'yon dahil natakasan ko ang security guards na humahabol sa akin. Gusto ko sana silang asarin dahil matatanda na sila at napagod agad kakahabol sa akin kaso ay may kailangan pa akong gawin kaya hinayaan ko na lang silang lupaypay na nakaupo sa tabi.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, tinapik ko pa nga 'yon baka lumabas at hindi ko matuloy ang plano ko. Nginginig din ang kamay ko na nakahawak sa pinto, ewan ko ba at bakit ako nanginginig ng ganito. Simula't sapul naman ay ito ang plano ko pero naduduwag ata ako. Anak ng tupa! Hindi pwedeng tutunganga lang ako dito. Not in my state right now, never!
Humugot ako ng maraming lakas ng loob sabay pwersahang tinulak ang dalawang nakahati na pinto at doon ko sinigaw ang pagkalas lakas na...
"Itigil ang kasaaaaaal!"
At dito nagsimula ang takbo ng buhay pag-ibig ko. Hindi ko akalain na ako pala ang magiging kontrabida sa sariling takbo ng buhay ko.
Ako si Faustina Valbuena at ako ang sisira sa pangarap na kasal ng ambisosyang babae na gustong pakasalan ang lalaking mahal ko.
Hinding hindi ko hahayaang mangyari 'yon! Hindi niya maagaw ang lalaking gustong gusto ko. Itaga niya pa sa mga patay na kuko niya sa paa!

BINABASA MO ANG
Boss, Marry Me
RastgeleMorgan Gazakov was always been distant to other people, he never let anyone enter his chaotic life. With a beyond gorgeous faced and a greek god body, many women dwells over him but... he only wants the attention of his secretary. Simple lang naman...