Chapter 37: BMM
Hindi naman talaga ako aalis at ipagtatabuyan siya nang ganoon kung malinaw lang talaga sa akin ang lahat. Naguguluhan pa rin ako ngayon. Hindi pa rin malinaw ang lahat. May mga katanungan pa akong hindi nasasagot. Gusto ko siyang tanungin kaso pinanghihinaan ako ng loob. Letsugas naman, para akong baliw na sinisisi ang sarili sa lahat ng mga nangyari habang tinutunga nang mabilis ang alak.
Walang pasabing hinablot naman 'yon ni Beth. "Drink slowly lang kasi. I understand your feeling pero 'wag ka naman maglasing nang ganyan."
Kapag ba nalasing ako ay totoong makakalimutan ko ang problema ko?
Sana nga ay ganoon na lang kasimple 'yon pero hindi e. Kahit na ilang bote ng alak ang maubos ko ngayong gabi hindi pa rin nito mabubura ang pait na nararamdaman ko. Ako yung nantaboy pero bakit parang ako pa 'yong mas nasasaktan? Ang letsugas ko naman.
"Fina, you can't be like this."
"Bakit na naman? Istorbo ka rin e 'no?"
"You drink like there's no tomorrow. Alcohol 'yan baka nakakalimutan mo."
Naniniwala na ako na kapag may pinagdadaanan ang isang tao ay nagiging tubig ang alak sa panlasa nito. Parang wala nga akong naramdamang pait e. Kasi mas mapait pa ang nararamdaman ko keysa dito. Ang sarap magwala kaso nga lang nakakahiya naman
"At isa pa, they keep on looking at you oh. Some of them lived in the 4th floor too."
"Oh, e ano naman?"
Napalibot tuloy ako ng tingin kahit na nahihilo ako ng kaunti. Pamilyar nga ang iba sa kanila. Siguro ay nakasabay na namin sila paakyat sa elevator. Nasa baba lang kasi ang bar na 'to ng condo unit ni Beth. Kaunting lakad lang at mararating mo na agad.
"Some of them are chismosa pa naman. I not saying this for the sake of my image but because I'm concerned." Huminga pa talaga nang malalim ang gaga. "Please lang, 'wag kang magwala dito. I don't want to see you go viral on social media."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Wala akong pakialam sa kanila. Kung sakaling mag-viral man ako, ayos lang dahil hindi naman ako nag-iisa."
Nahihibang na rin siguro 'tong si Beth. Sa dinami dami ba naman ng bar sa pilipinas dito pa niya ako dinala sa puro mayayaman ang customer. Ano namang laban ng isang secretary na broken hearted sa mga sosyaling mga tao dito? Malamang sa malamang pagtitinginan talaga nila ako. Lalo na't hindi pa ako nakapagbihis simula kaninang umaga. Sa kakaiyak ko kasi nawala sa isip ko na magbihis kaya heto nauwi kami sa ganitong eksena. Letsugas talaga.
"Sinabi ko naman kasi sa 'yo na magkwento ka na. I don't know how to help you kasi hindi ko naman alam kung ano talaga ang problema but I'm sure that it's because of him."
"'Wag na wag kang magbabangit ng pangalan. Sasabunutan talaga kita."
"Fine! Kung ayaw mong sabihin edi 'wag. Just pour all your emotions na lang and I'm gonna be here. Don't worry I won't leave you."
Pinagpatuloy ko ang paglalasing kahit na alam ko naman sa huli na wala paring magbabago pagkatapos nito. Firstime kung uminom nang ganito, tipong wala ng bukas. Panay ang tunga ko sa bote ng alak, hindi na ako gumamit ng baso, hindi ko kinaya ang liit no'n. Hindi ko nga rin alam ang pangalan ng alak na iniinom. Ang mahalaga ay makapaglasing ako ngayong gabi.
Hindi ko namalayan na naubos ko na pala ang iniinom ko, nakadalawang bote na ako. Pakiramdam ko na umiikot na ang paligid ko, ito na yata ang letsugas na tinatawag nilang epekto ng alak. Ramdam ko rin ang pagbaliltad ng sikmura ko.

BINABASA MO ANG
Boss, Marry Me
AcakMorgan Gazakov was always been distant to other people, he never let anyone enter his chaotic life. With a beyond gorgeous faced and a greek god body, many women dwells over him but... he only wants the attention of his secretary. Simple lang naman...