Chapter Two

7.1K 192 27
                                        

BREAKING STATE OR PATTERN INTERRUPTION is when you do something unexpected from a situation to get the results you want. In this case, I don’t have a target result. Inaasahan ko nang iba’t iba ang makukuha kong reaksyon kaya ang goal ay obserbahan kung anu-ano ang mga iyon.

Nang ipaalala ni Jared sa sarili ang agenda, doon na siya nagkaroon ng lakas ng loob na bumaba ng kotse. Pinaubaya niya sa naghihintay na staff sa tapat ng malaking mansyon ang susi para i-parke iyon. Pagkatapos, inakyat na niya ang porch ng The Org.

 In this place, people will expect everyone to wear something sexy… something revealing… a serious kink…  something that will make them look so hot and tempting. But what if… I break that pattern? What if they see something unexpected? Will it ruin their mood for sex? Will the ambiance of the place change for them? Or will I fail to break the pattern and make them still feel horny?

He was welcomed by one of the female staff who wore a black and white Lolita maid’s costume— complete with apron, headband and ruffled skirts— as their uniform for the event. Sinamahan siya ng isa sa mga ito sa receptionist area kung saan niya pinakita ang invitation card para sa Halloween Party.

“Sir, let me remind you po na required ang naka-costume sa party,” angat ng magalang na tingin sa kanya ng receptionist mula sa hawak nitong invitation card.

Nakasuot ang mga receptionist ng itim na long-sleeved jumpsuit. Nakakabit ang maliit na nameplate sa kaliwang dibdib nila na may logo ng The Org, Bukod doon, may suot silang itim na bunny-ears headband.

“No, worries. May dala ako,” patong ni Jared sa hawak na malaking paper bag sa counter.

Sinilip iyon saglit ng receptionist. Kumunot ang noo dahil hindi pa nito mawarian kung anong klase ng costume ang kanyang dala pero tumango-tango na lang din ito sa huli.

Tinanong nito kung ano specifically ang costume na susuotin niya sa party. Iyon ay para na rin ma-double check ng staff kung safe ang napiling mga costume. May mga costumes kasi na may kasamang mga armas tulad ng mga samurai, sundalo at iba pa. For those costumes, dinodouble check kung peke ang mga armas o kung mayroon mang ganoong props.

She blushed when Jared leaned over to whisper it. Hindi man makapaniwala, mukha siyang seryoso kaya yumuko na lang ito para itipa ang sagot sa keyboards ng computer.

“Okay, Sir. Just let me prepare your Pleasure Kit and the locker key,” magalang nitong ngiti bago umalis saglit.

Pagkabalik, pinaliwanag ng propesyonal ng receptionist kung anu-ano at para saan ang laman ng Pleasure Kit— mula sa mga pack ng condoms para sa iba’t ibang sizes, hanggang sa lubricant, dental dams at iba pa. Dahil guest ang kategorya niya, nauunawaan ni Jared kung bakit bini-briefing siya sa ganito. It wasn’t about these people assuming he was clueless about what condoms are, etc. It was about them just doing their job and making sure the client was well-informed. May kasama rin sa Pleasure Kit na maliit na booklet ng rules and regulations ng club para sa mga guest na katulad niya. At kung hindi raw makakaabala sa costume niya, isuot din daw niya sana ‘yung glow-in-the-dark na arm band doon para madaling ma-identify na guest siya at madaling ma-assist ng mga staff ng The Org kapag may kailangan siya.

Pagkaabot ng mga iyon kay Jared, muli itong nagsalita. “Enjoy the party, Sir!”

“Thanks,” tipid niyang ngiti bago kinolekta ang drawstring bag na tinatawag nilang Pleasure Kit at ang susi para sa locker na gagamitin niya.

Nang marating ang locker room, kinuha niya ang nakaabang sa locker na toiletries, bath robe at towel— mga gamit na pwede niyang iuwi dahil kasama na raw iyon sa bayad na ng nagbigay sa kanya ng invitation para makapasok sa The Org. Sunod niyang inokupa ang isa sa mga bathroom stall. He decided to take a little shower to get a little relief. Medyo na-stress kasi si Jared sa haba ng traffic kanina. Pagkatapos magpatuyo ng katawan, inisa-isa niya ng labas ang laman ng paper bag.

ARE YOU MAN ENOUGH?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon