Chapter Seventy-One

2K 113 6
                                    

VARIANT RENTED A CAMP RESORT FOR THE TEAM BUILDING. May mga amenities na sinadya para sa mga team building tulad ng open-space area sa likuran ng malaking bahay. Nalalatagan ang espasyo na iyon ng berdeng damo at napapaikutan ng nagtataasang mga puno. Ang malaking bahay mismo ay maituturing nang isang villa. Mayroon itong dalawang palapag, naghalo ang modernong concrete at pamilyar na rustic design.

Nagtipon ang lahat sa main hall ng camp resort na siyang kanilang itinalagang assembly hall. It was an open room with smooth-polished gray cemented flooring. No walls, just sturdy thick wood posts and wooden roofing with big gaps to let their eyes through and see a view of the gloomy dark azure sky.

Excited chattering noises floated in the fresh, chilly air.

Nilibot ni Lily ang tingin sa paligid. Hindi siya makapaniwala na higit isang-daan ang mga employed sa Variant. Majority of them worked on the factory. Mangilan-ngilan lang ang taga-opisina, deliver o maintenance.

Tulad na inanunsyo, lahat ay sinuot ang customized print na mga t-shirt na bigay ng kompanya. Nung Lunes lang iyon dinistribute, mga dalawang araw mula nung huling  nila Lily at Jared. Iba’t iba ang kulay ng mga t-shirt. Nakaprinta sa harapan ang logo ng Variant at may nakasulat sa baba niyon na 1stTeam Building. Sa likuran naman nakatatak ang department nila at apelyido. Para kay Lily, nakalagay doon ay HR. At sa ibaba naman ay Marlon.

“Lily,” lapit sa kanya ni Paula. Tulad niya naka-jeans ito at pink na t-shirt, “paki-assist muna sa mga dormitories nila ang taga-Accounting Department. Kulay green na flag sticker ang nakadikit sa pinto ng kwarto nila.”

She nodded, carried her sports bag with one hand. “Okay. Nasaan sila?”

Pagkaturo ni Paula sa nagkumpulan na mga taga-Accounting Department na kulay green ang t-shirts, sinunod na niya ang utos ng bagong HR Head.

Sinigurado muna niyang nakapili ng kanya-kanyang higaan sa mga bunk bed ng silid ang mga ito. Iniwan ni Lily ang mga taga-Accounting Department matapos ipaalala na bumalik agad sa assembly hall pagka-ayos ng kanilang mga gamit.

Siyang diretso niya sa silid para sa HR Department. Mga apat na pinto ang layo niyon mula sa Accounting Department, isang silid lang ang pagitan sa pinakadulo ng pasilyo ng ikalawang palapag ng villa.

Pagpasok sa pintong may pink na flag sticker, nadatnan niyang abala roon ang mga ka-opisina. Tatlo ang bunk beds doon. Tulad nung sa iba pang mga silid, puro puti ang mga bedsheets, kumot at pillow cases. Gawa sa matibay na bakal ang mga bunk beds. Natitiyak iyon ni Lily dahil hindi umuga ang isa sa mga ito nang akyatin ni Arlene ang dulong bunk bed. Gusto rin ni Isla na nasa itaas na bunker ito, kaya inokupa ang katabi nang hinihigaan ni Arlene, ang bunk bed na napapagitnaan ng dalawa pa. Tahimik namang pinatong ni Paula ang bag sa higaan sa ilalim ng tutulugan ni Arlene.

What caught Lily’s attention was the bag on the bed beneath Isla’s.

“Kaninong gamit ‘yan?” lapit ni Lily doon.

“Kay Mr. Guillermo,” maaliwalas na tingin ni Paula sa kanya. Saktong umupo ito sa gilid ng kama nito.

“Kay Jared?”

“Kunwari pa siya. Kasali siya sa Team Building, ‘di ba?” si Arlene, nanunukso.

“Paanong kasali?” tingala niya kay Arlene, nakasilip ito mula sa paanan ng higaan nito. “Akala ko ba, hindi niya aabutin ang Team Building kasi matatapos agad ang trabaho niya sa Variant?”

“Oo nga. Pero invited pa rin siya.”

“Paanong?” Hindi pa rin siya makapaniwala.

“Hindi ba, kasama sa usapan na may trabaho siyang gagawin sa Team Building na ito? Na maga-assess siya rito? Kaya nga tayo may pa-Team Building,” seryosong paalala sa kanya ni Paula.

ARE YOU MAN ENOUGH?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon