Present…
“I AM REALLY BAFFLED RIGHT NOW. Kung saan ka nakakakuha ng kapal ng mukha na humarap sa akin pagkatapos ng ginawa mo sa akin,” Jared gritted.
“The way you’re treating me doesn’t really fit your job description,” Lily muttered.
“I am not being professional right now, because you’re not a client in my eyes, Lily.” As he said those words, slowly, he was beginning to lose his calm and composure. Nagiging mabigat na ang bigkas niya sa mga kataga. Humihiwa ang bawat salita sa kanyang damdamin. “To me, you are a personal matter that I shouldn’t be even dealing with in my office. You…”
He trailed off. Oh, no. He almost told her again how much she meant to him.
Mabuti at napigilan niya agad ang sarili.
He saw her expectant eyes. Alam niyang naghihintay ang babae sa karugtong ng kanyang sasabihin.
“You better get the fuck out,” taas-noo niya bago bumalik sa kanyang upuan. Sinigurado rin ni Jared na makikita ng babae ang pag-itsa niya sa brown envelope nito sa kalapit na trashbin.
Pag-angat niya ng tingin, hindi niya maipaliwanag kung bakit parang makatotohanan ang pamamasa ng mga mata ng dalaga.
There’s nothing real about her, Jared. Don’t be a fool the second time around.
Tulad ng inaasahan niya, mas pipiliin ni Lily ang dignidad nito kaysa magmukhang desperada. She stomped her way out of his office.
Naiinis siya dahil parang mali ang ginawa niya. Pero kung dadaanin niya ang babaeng iyon sa maayos na usapan, baka hindi na siya nito lubayan.
Yet, there was this nagging feeling that he should start investigating about Lily. Ano na ba ang nangyari sa buhay nito mula nung naputol na ang komunikasyon nila?
No, Jared. Okay ka na. Don’t ruin all the years you spent healing yourself.
Ilang minuto pa at sumulpot ulit si Heidi. Kasama na nito ang huling kliyente na makakadaupang-palad ni Jared para sa araw na ito.
.
.
.
***
.
.
.
HE’S RIGHT. Saan nga ba talaga ako nakakakuha ng kapal ng mukha para akitin siya? Lily remained still, lying on the bench by the poolside.
Her sexy body stretched there, covered with a tiny pair of neon-pink bikini. Kanina pa siya nakababad sa araw. She even waited for sunrise. Malapit nang magtanghalian pero naroon pa rin siya. Sa kabila ng mainit na pagdila ng sinag ng araw sa kanyang balat, malamig ang simoy ng hangin. There was something satisfying and toasty with the warm sun and a slight chill in the breeze together.
And her body never mind these two, quite opposing forces at all. She was enjoying her Sunday morning sunbathing.
Kahapon lang nangyari ang komprontasyon nila ni Jared. Pero hanggang ngayon, parang may latay pa rin sa kanya ang sampal ng katotohanan sa kanyang mukha.
I got to overconfident, I guess. Akala ko, tulad pa rin si Jared ng dati. That man who’s going to set aside all the red flags when he wants you. Her eyes narrowed as she blankly stared at nowhere. Now he’s cunning. Smarter. And he doesn’t want me anymore.
Dumiretso na siya ng upo.
Nakakainis.
Tinaas niya ang isang tuhod. Pinatong doon ang isang kamay bago pinatong doon ang kanyang baba. Lumagpas sa kumikislap na bughaw na tubig ng pool ang kanyang tingin. Lumagpas din iyon sa hanay ng makapal na mga puno na nasa kabilang dako ng bakurang iyon.
BINABASA MO ANG
ARE YOU MAN ENOUGH?
General Fiction[ Wattpad Version Complete Chapters ] [ COMPLETE ] [ Can be read as stand-alone ] ••• SPG R18+ Damn closure. It only adds salt to the wound. Why have one when you can just run away? That's what Lily Celeste Marlon did to Jared Guillermo, a psycholog...
