ALAS-DIYES PA LANG NG UMAGA, NASA TAGPUAN NA SI JARED. It was an open field of laid out green grass, scattered wooden table sets with blue umbrellas. Chilling December morning breeze freely crisscrossed. It touched his bare hands and cheeks, tousled a few strands of his hair.
Dinukot ni Jared ang cellphone mula sa bulsa. Walang tawag o text man lang galing kay Oliver.
From the way he spoke earlier, he sounded like he was already in the meeting place, waiting for him. Pero bakit ganito? Walang katao-tao sa paligid. Ang naglilibot na security guard lang ang natanaw ni Jared. Mangilan-ngilang mga crew at staffna nagta-trabaho sa mga establisyimentong nakapalibot.
Mula sa malayo, natanaw niya ang chocolate café kung saan sila pumunta noon ni Lily. Tapos, sa malayong dulo, sarado pa roon ang Japanese restaurant na tuwing gabi lang nagbubukas.
“Jared…” masiglang bati ni Oliver.
He spun around to face him. Nakasuksok ang mga kamay ng lalaki sa bulsang asul nitong hoodie jacket. Malapad ang ngisi. Magulo ang buhok.
“I am not here for your little seminar,” mahigpit niyang wika, walang paligoy-ligoy pa. “Nandito ako dahil mukhang hindi ka nalilinawan sa sinabi ko noong unang alok mo pa lang sa akin. Ayoko at hindi ko kailangan.”
Sumeryoso ang mga mata ni Oliver. He was clearly offended, yet managed a corner-lip smirk.
“But you’re here… it has to mean something.”
“I already told you what me being here means.”
Oliver shrugged. “Sayang naman. Nag-effort pa akong magpa-print ng mga printouts para sa’yo.”
Print outs.
Jared’s eyes narrowed.
Hindi niya balak magtagal kasama ang Oliver na ito. It would make no sense negotiating with this person. He did not plan to. Nakipagkita lang siya para makasiguradong wala na itong iba pang maiisip gawin para guluhin sila ni Lily bukod sa inisin siya nito sa pamamagitan ng pagpapamukha sa kanya na nauna ito sa babaeng mahal niya. Then, behold. May sinasabi itong print outs. At malamang sa malamang, si Lily o mga larawan nito ang laman ng mga print out na iyon.
“Ahhh…” malaki ang ngiting panunudyo nito. “Now you’re interested.”
Hindi talaga siya interesado. For all he knew, baka peke ang mga print outs na tinutukoy ng Oliver na ito. But Jared had to get those print outs. Then dispose them. Uunahan na niya bago pa maipakita ni Oliver ang mga iyon sa kung sino-sino.
Lily had been going through so much for years. He wouldn’t let anything abrupt her heart from healing.
Ever.
“Have a seat,” lapit nito sa isang mesa na nalililiman ng asul na payong kahit wala namang araw.
Makapal ang ulap sa langit. Naghalo ang kulay puti at abo kahit walang banta ng pag-ulan.
Tumalima si Jared sa paanyaya nito. Magkatabi silang umupo ni Oliver.
Nilabas ng lalaki mula sa bulsa ang isang package envelope na gawa sa makapal na papel. Dinukot nito ang makapal na kumpol ng naghalong papel at photopaper.
Siyang agaw ni Jared sa mga iyon.
“Hey!” panlalaki ng mga mata nito.
“I’ll self study these,” tindig ni Jared. “Pahiram din ng phone. Tatawagan ko lang ang driver ko.*
Naguguluhang tumayo si Oliver, humarap sa kanya. Wala sa loob na inabot nito ang cellphone sa kanya.
“Look. I’ll let you borrow my phone. Just call your driver and tell him that you’re coming with me,” pangungumbinsi nito, takot na umalis siya agad. “Hindi sapat na makita mo lang ang mga iyan,” tukoy nito sa print outs. “Ipapaliwanag ko sa’yo kung ano ang mayroon sa mga litrato—”
![](https://img.wattpad.com/cover/255729832-288-k567744.jpg)
BINABASA MO ANG
ARE YOU MAN ENOUGH?
Fiction générale[ Wattpad Version Complete Chapters ] [ COMPLETE ] [ Can be read as stand-alone ] ••• SPG R18+ Damn closure. It only adds salt to the wound. Why have one when you can just run away? That's what Lily Celeste Marlon did to Jared Guillermo, a psycholog...