ALAM NI LILY NA MATATAGPUAN DITO SI OLIVER. Dito sa tapat ng puntod ng namayapa na nitong ina.
Limang-taong gulang pa lang noon si Oliver, namatay na sa isang car accident ang nanay nito. Palibhasa, hindi nakasama ng matagal, kaya may pangungulila lagi ang binata. Hindi nito nakakaligtaang bumisita sa puntod ng ina tuwing death anniversary nito at Araw ng mga Patay.
It took Lily two weeks of waiting. Sa tagal ng hinintay, naniwala na lang siya na palabas lang ni Basil na tutulungan siya nito. Na ang totoo, walang ginawang kahit anong hakbang ang kapatid para matulungan siyang makontak si Oliver. It was only days ago when she remembered Oliver's dead mother.
At ang death anniversary nito.
Kaya heto siya at nakatago malapit sa batong nitso ng ina ni Oliver.
Nang malapit-lapit na si Oliver sa puntod ng nanay nito, siyang sulpot ni Lily. Saktong nagtama ang kanilang mga mata. Tinakasan ng kulay sa katawan si Oliver, natigagal habang pinanonood ang maingat niyang paglapit sa lalaki.
Hindi lang dahil sa gulat, ganoon din ang naging reaksyon ni Oliver dahil taliwas sa inaasahan nito ang kanyang hitsura.
Lily still dazzled, lost a little weight, but ethereal in her white knee-length dress with puffed sleeves and a puffed bust, straight neck-lined design. Nakakaladlad ang kanyang orange-dyed na buhok na hindi na niya naibalik sa normal na kulay dala ng pagbubuntis. In that white dress, she felt like a goddess. Ang paglakad niya ay mistulang pagpanaog mula sa kalangitan.
Pero iba ang epekto niyon kay Oliver. It was as if he saw a ghost walking through the tombs of that cemetery, pacing toward him. Lily's eyes were fierced with determination. Nakaguhit doon na nasa dulo na siya ng kanyang pasensya, nagtitimpi lamang. Mahigpit ang pagkakatikom ng mamula-mula nitong mga labi.
"Bakit ka nandito?" defensive agad ang tono ng lalaki.
"You look scared," her eyes were stone cold as she inspected him shortly. Then, she bravely met his eyes, surprisingly unaffected. "Bakit? Kasama mo ba si Gretchen?"
"Thank God, hindi ko siya sinama rito! This will be trouble!" hasik nito.
Nanatili siyang malamig. Hindi maintindihan ni Lily ang sarili kung bakit kalmado lang siya. Ilang araw pa niyang tinakot ang sarili na baka mag-overreact kapag nagkita sila ni Oliver. She worried for her baby. Kaya hinanda niya nang hinanda ang sarili.
Tapos ngayon... wala naman pala.
Hindi naman pala siya sasabog.
Worse, she felt nothing at all. Just her chest tightening. She feared more for the baby in her womb, than how Oliver would treat or talk to her.
"I only came here for—"
"Bakit dito pa sa puntod ng nanay ko?" walang pakialam na putol ni Oliver sa sasabihin niya. "I get it that you're mad at me! But at least, respect my mother!"
Lily scoffed. Pinigilan niyang matawa sa kababawan ni Oliver pero sumilay na ang nang-aasar na ngisi sa kanyang mga labi.
"Says the idiot who doesn't respect women," elegante niyang taas-noo na kinatameme ng lalaki. "I think this is the perfect setting for an announcement. Unfortunately, I am pregnant with your first child."
His eyes widened.
"I respect your mother, kaya sinigurado kong hindi siya male-left out sa balitang ito."
BINABASA MO ANG
ARE YOU MAN ENOUGH?
Narrativa generale[ Wattpad Version Complete Chapters ] [ COMPLETE ] [ Can be read as stand-alone ] ••• SPG R18+ Damn closure. It only adds salt to the wound. Why have one when you can just run away? That's what Lily Celeste Marlon did to Jared Guillermo, a psycholog...
